Chapter 5

308 3 6
                                    

~Author's POV // Third person's POV

Nagising si Tessa ng maaga. Halatang maganda ang gising niya. Eh kasi naman, nakita niya si Taemin kahapon at natanggap na rin ng stalker niya na hanggang friends nalang sila.

Para sakanya ay BEST DAY EVER NIYA NA KAHAPON.

Pero ang hindi niya alam ay pinagpye-pyestahan na pala siya ng mga so-called-tessa-haters sa Internet. Ang post kasi ni Annie ay kumalat worldwide.

At ang laki ng naging epekto nito sa mga sites. Ang topic na yun ay pinaguusapan na siguro ng mga fangirls ng SHINEE.

Bumaba ng may ngiti sa muka si Tessa. Unang una niyang nakita ay ang Mama niya.

"Goodmorning, MAMA!!" sigaw ni Tessa. Tinaasan siya ng kilay ng Mama niya.

"Mukang maganda yata ang gising mo, anak? Anong meron? Nagkawet dream ka kagabi no?" pagjo-joke ng Mama ni Tessa. 

Nanlaki ang mga mata ni Tessa at tumawa nalang bigla. "Yuck, kadiri ka mama. Wet dream ka diyan! Hindi no! At if ever man na magkaruon ako nun, baka ngayon eh binitay ko na sarili ko."

Tumawa nalang din yung Mama ni Tessa. "O sya, kumain ka na. Pancakes ang niluto ko."

Ngumiti ng labas ang ngipin si Tessa. Tuwang tuwa siya dahil ang favorite food niya na Pancake ay ang breakfast niya ngayon. Dali dali na pumunta si Tessa sa kusina nila at nilamon lahat ng pancakes na nakita niya.

Habang nagpapakasaya siyang lamunin ang pancakes ay hindi niya alam na tinatadtad na siya ng mga hate messages ng tao sa twitter at facebook niya.

At yung iba pa sa mga kaibigan niya ay nakikisali rin sa pagbabatikos sakanya.

Meanwhile... nagkakagulo na ang lahat ng tao sa SM Entertainment. And to be specific, ang SHINEE at ang Manager nila.

At ang rason? Yung kumakalat na storya patungkol sa malanding secret girlfriend ni Taemin.

"This is a disgrace, Taemin! Eto ang sinsabi ko eh, magiingat ka sa mga taong gustong makipag-picture sa iyo! Tignan mo ang kinalabasan!" sigaw ng Manager ng SHINEE kay Taemin.

Pinipigil ni Taemin na sigawan ang kanilang Manager pero hindi niya na nakaya. "Sinabing hindi ko nga sinasadya! Edi sana kung alam ko na ganyan ang mangyayari.. in the first place, sana hindi na ako nakipagpicture sa babaeng yan!" 

Nagsilakihan ang mga mata ng ibang members ng SHINEE. Halatang biglang bigla sila sa naging reaksyon ni Taemin. First time kasi niyang masigawan ang kanilang Manager.

"Manager.... hindi naman po siguro kasalanan ni Taemin. At nung babae na yan. Sakatunayan nga po Manager eh ang kawawa yung babae. Kasi siya yung sinisiraan." mahinang sabi ni Onew sa Manager nila.

"Wala akong pake kung kawawa ang babaeng yan sa mga pinag-gagawa ng fans niyo. Ang inaaalala ko ay si Taemin. At bakit sa babae ka kumakampi, ha, Onew?" tanong ng Manager nila.

Nagbuntong hininga si Onew. "Manager, wala po akong kinakampihan. Sinasabi ko lang po ang totoo. Ang babae ang pinipinsala diyan. Hindi si Taemin." 

"Sinabing wala akong pake sa----------------" bago pa ituloy ng Manager nila ang kanyang sasabihin ay hinawakan na ni Taemin ng mahigpit ang balikat niya. 

"Wag mong idamay yung babae dito, Manager. Tama si Onew. Ang babae ang sinisiraan. Hindi ako. Pinagmumuka siyang masama para kamuhian ng mga fans namin." sabi naman ni Taemin.

Tinignan muna ng diretso ng Manager nila si Taemin. "Sorry... it's just that, I'm so concerned for you. I'm sorry."

Pagkatapos niyan ay sinabi ng Manager nila na kailangan niya ng umalis para kausapin ang mga Media na itigil ang pagre-release ng rumor na iyon.

"So, mind telling us who that girl is?" tanong ni Jonghyun kay Taemin.

Nagbuntong hininga si Taemin. "Well, I don't know whether she's a fan or not. Basta kahapon ko lang siya nakilala."

Tumaas ang kanang kilay ni Minho. "Akala ko ba batang babae yung nakita mo kahapon?"

"Nakita ko rin siya. Hindi ko nalang kwinento kasi napaka malisyoso niyo." sagot naman ni Taemin. Tumango nalang silang lahat.

"So, what are you exactly planning to do with that rumor?" tanong ni Key.

Taemin just shook his head and replied a soft, "I don't know."

Pagkatapos palang na pagkatapos na lumamon ng pancakes si Tessa ay diretso ligo na siya. At pagkatapos niyang maligo ay napagdesisyunan niya na mag online saglit.

Inopen niya agad ang mga sites na palagi niyang binibista. Twitter at Facebook.

Kakabukas niya palang ng Twitter ay napamura na siya. Nakita niya sa mga worldwide trending topics ang mga hashtag na #GetRidOfTessaTheSlut #PoorTaemin at #TessTheSlut.

Clinick niya agad yung mga hashtag na yun at nakita niya na... siya nga ang tinutukoy.

Kumalat ang picture niya na kasama si Taemin. At yung iba pa nga ay binaboy at inedit pa ang muka niya sa ibang pictures.

Binasa niya isa isa ang mga tweets at sobra sobrang sakit ang tumagos sakanya. Puro KILL YOURSELF at puro LAIT ang tweets ng mga SHAWOL sakanya.

Hindi niya namalayan ay umiiyak na pala siya.

Hangga't sa may nakita siyang isang tweet. Clinick niya yung link dun sa tweet nung tao na yun, nadun raw kasi yung whole story tungkol sa "SLUT GIRLFRIEND OF TAEMIN"

Dahan dahan na binasa ni Tessa yung article na yun. 

Habang binabasa niya yun ay hindi niya mapigilan ang luha niya. Iyak na siya ng iyak. Hindi niya na alam ang gagawin niya.

Binasa niya yung URL ng site na yun. at... "Kay Annie tong blog na to ah?" sabi ni Tessa sa sarili niya. Unang unang tao palang na pumasok sa isip niya ay si Lee.

Satingin niya ay si Lee lahat ang may pakana nito at ginamit lamang ni Lee ang blog ng kapatid niya para hindi mabuking.

Pero ang hindi alam ni Tessa ay si Lee ay inosente.

Dali dali na umalis si Tessa sa bahay nila para pumunta kila Lee. She doesn't even care whether she looks like crap from all the crying. 

At habang papunta siya sa bahay nila Lee ay napadaan ulit siya sa park na kung saan nakita niya si Taemin. 

Ang hindi alam ni Tessa ay nandun nanaman pala ulit si Taemin. Pero hindi lang nakita ni Tessa... pero si Taemin, nakita si Tessa. 

Una ay hindi pa makagalaw si Taemin sa kinakatayuan niya dahil nakita niya na umiiyak ng sobra si Tessa. Pero one thing for sure, dahil yun sa kumakalat na rumor.

Dahan dahan na sinundan ni Taemin si Tessa para makausap siya at alamin kung saan siya papunta. 

...

..

..

=))) 

Taemin's fake girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon