My Stupid Hypothalamus?

31 0 0
                                    

Naranasan mo na ba maging tanga?

Nagpapakatanga ka sa isang tao na di mo man alam kung ano ka para sa kanya...Na para bang lahat na nagawa mo para sa taong yun pero parang balewala ka lang sa kanya....

   Meet Claire Velaz, 17 years old siya ng nakilala niya si Axel Go na tunay na nagpatibok sa kanyang puso. Si Claire ay mahiyain pero kalog kapag kasama ang kanyang mga kaibigan, di siya palalabas ng bahay at wala gaanong social life.Madami din naman siyang mga kaibigan pero di niya lang talaga hilig gumimik.

     Si Axel naman ay may pagka-makulit, happy-go-lucky at mahilig magpatawa. Ahead siya ng 1 year kay Claire at kasalukuyang nag-aaral ng kursong IT ngunit dahil sa financial problem ay nahinto siya ng isang sem at balik 1st year ulit siya sa pasukan.

May 13, 2009

     Nagsimula ang kanilang pag-ibig isang Miyerkules ng hapon, katatapos lang ni Claire mag-enroll sa kursong HRM at naglalakad siya papunta sa kanilang bahay ng aksidente siyang matamaan ng bola ni Axel. Lumapit si Axel kay Claire para humingi ng tawad at sa pagkakataon na iyon nasilayan nila ng malapitan ang mukha ng isa't- isa. At bigla na lang nakaramdam ng pamumula ng mukha at mabilis na pagpintig ng puso si Axel na para bang nalove at first sight siya. Dahil likas na mahiyain si Claire ay dali- dali siya tumakbo papunta sa kanilang bahay sa kadahilan na hindi niya alam ang kanyang gagawin sa sitwasyon na yun. At simula ng araw na yun hindi na nakalimutan ni Axel si Claire.

     Sa mga sumunod na araw palaging tumatambay si Axel malapit sa labas ng bahay nila Claire, nagbabakasakali na makita niya si Claire at makahingi siya ng tawad ngunit nabigo siya dahil ni minsan ay hindi lumabas si Claire.

 May  27, 2009

    Makalipas ng dalawang linggo ay lumabas na din si Claire ng bahay para magbike. At muli nga silang nagkita ni Axel.Di pa siya nakakalayo ng lapitan agad siya ni Axel.

Axel: Hi miss :) naaalala mo pa ba ko? ako yung nakabato sayo ng bola. Ako pala si Axel...Nung nakaraan pa kita hinihintay lumabas para humingi sayo ng sorry..Ano pa lang name mo?

Claire: Ahh..yun ba..wala yun, kalimutan mo na lang di naman ako nasaktan e..sige mauuna na ko.

   Papadyak na sana muli si Claire ng pinigilan siya ni Axel.

Axel: Wait miss..Anong pangalan mo? dali na sabihin mo..please!

Claire: Ah..ako pala si Claire..Alis na ko ah,bye!

Axel: Teka Claire..May payong ka ba?

Claire: Wala,bakit?

Axel: Inuulan ka kasi ng kagandahan e :)

   Namula si Claire at lihim na napangiti sa marinig niya, at sabay padyak sa kanyang bike upang di na mahalata ni Axel ang kanyang reaksyon.

June 8, 2009

   1st day of school bilang college ni Claire..Masaya naman ang naging experience niya dahil kasama pa din naman niya ang kanyang mga HS friend na sila Mariel at Gelai..Lunch break na..at sabay sabay silang kumakain ng kanyang mga kaibigan ng may isang lalaki ang lumapit sa kanila..Hi mga Miss pede makisabay? with matching kindat kay Claire..Nagulat si Claire sa pagkakita niya kay Axel kaya bigla siya nabilaukan.

Axel: Ui, Claire okei ka lang? eto juice oh

Claire: Okei lang ako (sabay iwas ng tingin kay Axel)

   Kahit di pumayag sila Claire nakiupo at sumabay pa din si Axel sa kanila. Sa bawat kwentuhan nila ay nakikisingit din si Axel na tila ba close sa kanila. After kumain ay nauna na din umalis si Axel dahil mag-iistart na ang kanyang klase samantala sila Claire ay may natitira pang 30 mins.

Gelai: Cla sino yung guy? infairness ang cute ah haha.

Mariel: haha feeling close kaya nu, nakisabay at nakikipagkwentuhan sa atin eh di man lang nga siya nagpakilala..Ano mo ba yun Claire? kaw ah naglilihim ka na sa amin.

Claire: Ah yun ba si Axel yun, kapitbahay namin..nung nakaraan ko lang din sya nakilala nung natamaan niya ko ng bola.

Gelai: alam mo tingin ko may crush sayo yun Cla.

Claire: ewan ko dun.

Gelai: Ayiiii..ewan daw oh, crush mo din ata yun, e bat ka naiilang kanina..di ka nga makatingin sa kanya tsaka ang tahimik mo di ka man lang sumasali sa usapan.

Mariel: Oo nga Claire, mahiyain kang tao pero naiilang ka lang sa tao pagcrush mo no..Yan kaya sabi mo samin dati.hahaha

Claire: Anu ba kayo..(habang namumula) wala kong crush dun noh!

     Tapos na ang 30 mins kaya kinailangan na din nilang bumalik sa room.  

*sorry di ko pa sya matuloy :(

Thank you sa magbabasa :) comment kayo for any suggestion :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Stupid Hypothalamus?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon