"Libo-libong tao na ngayon ang namatay dahil sa COVID-19 na patuloy sa pagdami at hindi parin pinapayagang lumabas ang mga taong pababa sa dalawampu't-isa ang edad." ayon sa balita.
Nakakalungkot ang sinapit ng mundo ngayon. Nakakalungkot din ang sinapit ko ngayon.
Alas-kuwatro na ng umaga ng gumising ako. Ang mga pasaway na mga dagang iyon ay ang agang nangbubulabug sa mga tulad kong kulang pa sa tulog.
Napatingin ako sa katabi ko. Mabuti pa ito kahit anong gawing ingay ng mga dagang iyon ay hindi parin nagigising. Tulog mantika naman kasi. Sa inis ko'y sinipa ko ito na kinantot lang naman niya.
Sandaling kumati ang lalamunan ko at kasunod nito ang pag-ubo ko ng tuloy-tuloy. Uminom naman agad ako ng tubig.
Pagkatapos ay pumunta na ako sa banyo para linisin ang aking katawan. Hindi pa man ako nakakapagsimula ay nalaman kong walang tubig na bumubuhos galing sa gripo.
May covid-19 na kumakalat na nga, wala pang tubig. Pakamatay na lang kaya ako.
Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi parin nawawala ang pag-ubo ko, linalagnat at nawawalan na din ako ng panlasa sa pagkain na kinakain ko. Hindi kaya...hindi maari.
Sa isiping iyon ay kumirot ang puso ko hindi dahil may sakit ako sa puso kundi sa takot at lungkot.
Takot na magkatotoo ang iniisip ko at lungkot na maiiwan ko ang mga taong minamahal ko.
Isang araw ay palihim akong nagpaswab test at sa ilang araw na iyon ay lalong lumala ang kondisyon ko.
"Mahal, payakap naman. Ilang araw ka ng hindi nagpapayakap sa akin. Pati ba naman dito sa apartment may social distancing. Mahal" sabi ng asawa ko na si Bernard.
Malungkot na tinanggihan ko ito. Mabuti na ang mag-ingat hindi ko alam kong ano ba ang mangyayari.
"Mahal, huwag ngayon pagod ako at tsaka mainit at okay na itong di tayo masyadong magdidikit" gusto ko man siyang yakapin ay kailangan kong dumistansya muna at isipin kung ano ang mas nakakabuti.
Nakareceive ako ng mensahe na galing mismo sa pinagawan swab test ko at ang resultang natanggap ko ay...
"We're sorry to inform you mam or sir. That you're positive in COVID-19."
Gumuho ang natitirang pag-asa na kinakapitan ko na kasabay ang pagkawala ng aking ulirat.
END.
YOU ARE READING
Destined (Aking Mga Maiikling Kwento)
RandomThis is my short stories collection and poems on my FB account. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.