" magandang umaga cherry pie picache " mahinang bati ko sa succulent kong alaga, at dumiretso na sa pag upo sa balkonahe nang condo ko.
Worth it naman ang makabagbag damdamin na dinner kasama ang pamilya ko, kahit para akong mauubusan nang hininga dahil sa sobrang katahimikan at nakaka-intimidate na aura ni papa nairaos ko naman ang dinner kahit papano.
Finals week na sa susunod na linggo, at matapos nun soul searching na ang peg ko. Kailangan ko nang mag meditate at mag ipon nang confidence dahil pagbalik ko, ibang usapan na ang mangyayari.
Tahimik kong ine-enjoy ang tea ko at pinapanuod ang pagsikat nang araw from the east, I envied the sun so much for he can show his self in whatever circumstances and still everyone will admire him for his beauty. People will still find it beautiful kahit hindi sya mag effort. I wish like a sun they can accept me, from who I am.
Napabalikwas ako nang biglang may humalik sa pisnge ko at muntik kong masapak kung hindi lang sya nagpakilala agad.
" wait pards, pards ako lang to. " pakilala ni ana sa sarili habang nakatakip ang braso nya sa mukha para pangsangga sa kamao ko.
" animal kang babaita ka, my ghad aatakihin ako sa puso sayo. Pasalamat ka at hindi mo nasalo ang kamao ko " exaggerated kong sabi at hinawi ang braso nyang pumulupot sa leeg ko. Buset na babaeng to aga aga gusto nang aksyon.
" ey kasi naman pards kanina pa kita tinatawag ang lalim lalim na naman nang iniisip mo, papasikat pa lang ang araw nag e-emote kana kaagad " paliwanag ni ana at umupo sa kaharap kong upuan at sya na ang umubos nang tsaa'ng iniinom ko.
Inirapan ko na lang sya at hindi na sinagot pa. Pinagsalikop ko na lang ang mga braso ko papunta sa dibdib at tinitigan sya. She's wearing her usal pj's and her signature loose shirt that printed the faces of her favorite band. This girl had been in my life for years and yet im still not use on her invading my personal space, she's touchy thats why most of the people around us thought that were a thing,
" anyways highways, pards nagugutom ako, wala pa kong matinong pagkain simula nang umuwi ka sainyo nung weekends. 2 araw din na puro take out lang kinakain ko "
" ano namang pakialam ko kung nagugutom ka, bakit nasa akin ba ang refrigerator mo o ang kusina mo? Bumalik kana sa unit mo at dun ka kumain " pamimilosopo ko sakanya
" wala nga sayo pero ikaw naman ang sagot para makakain ako. Pards magluto kana nang almusal para makakain tayo hehehe " at nagpacute na ang nakakadiring babae.
" ang kapal nang pagmumukha mong babae ka, anong tingin mo sakin taga luto mo, umalis kana nga at naaalibadbaran ako sa pangit mong mukha " biro ko sakanya.
" pards matitiis mo bang magutom ang pinaka magandang babae na to sa buhay mo, hahayaan mo bang magutom ang future wife mo? " paawa effect na litanya nang lukaret na to pero tuwing ganito ang akto nya nandidiri ako, for heavens sake parehas kami nang gusto---at lalaki yun.
" isa pang hirit mo ipapakain ko sayo yang hawak mong tasa " banta ko at nilayasan sya, dumiretso na kong kusina para magluto dahil gutom na din naman ako.
Sa aming dalawa mas may alam pa ko sa gawaing bahay kesa sakanya, mas babae pa ata ko kesa sakanya nagkataon lang na sya ang biniyayaan nang maria makiling at girl by heart lang ako.
" so pards kamusta naman ang family dinner nyo? Nakapag paalam kana ba? " curious nyang tanong habang nakain kami.
" para kang di babae, napaka burara mo talaga, wag ka ngang magsalita nang may laman ang bibig mo! Table manners naman. "
BINABASA MO ANG
That One Summer
Short StoryThat one summer when this girl invade my whole being That one particular summer when this boy turn my life upside, down in a moment My Dolce Amore March 2018