Ridgen University (prologue)

6 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names, places, events, are product of the author's imagination. Any resemblance of persons, living or dead, or actual cases are wholly coincidental.

Started: August 6, 2020
Ended:

©YsweetLion
All rights reserved.



PROLOUGE

WALANG MAPAGLAGYAN ang saya ko dahil sa natanggap na letter mula sa University na pinag-enrollan kamakailan lang. It's my huge request kina mom and dad kaya naman sobrang saya ko talaga nang payagan nila akong kumuha ng entrance exam.

Although wala naman talaga akong masyadong alam tungkol dito, ayos lang sa akin dahil makikita ko na ulit si jennifer.  She's my cousin and also my best friend, halos sabay kaming lumaki kaya naman ganoon nalang kami kaclose sa isa't isa.

She entered that University before, kaya may plano akong sundan sya . From the start she was gone, hindi ko na sya nakausap kahit sa telepono man lang

Basta ang sinasabi lang ni Tita Cynthia, her mom, maayos naman daw sya doon. unlike me, nakakausap niya si Jen kahit sa telepono lang.





NGAYON NA NGA ang araw na pinakahihintay ko. kahit na hindi ko buksan itong sulat galing sa kanila, I'm completely sure that I'll pass.

"Ate buksan mona dali!!" Pangungulit ni zyra, my younger sister. She was sitting on the stairs.

Binuksan ko ang kulay itim na sobre, wondering na from all the colors? black talaga?  It's like I'm opening a death note.

"Congratulations Zenaiya Cruz for passing the exam in Ridgen University" I heard my sister clapping, tumayo siya saka ako nilapitan.

"Congrats ate" she was hugging me when I saw my parents, in serious face. humiwalay ako sa pagkakayakap at lumapit sa couch.

"Why so serious mom? Dad? hindi po ba kayo masaya na nakapasa ako" I asked them  but they just remain silent.

"diba po napag-usapan na natin ito?" noong una pa man, ayaw na talaga nila akong payagan.

"Naiintindihan naman namin anak but, we both know na that school was a little. nah. not just a little, it was completely weird."

hindi ko naman sila masisisi. kahit ako ay hindi alam ang exact address where that school was located. Masyado iyong misteryoso.

Pinilit kong ngumiti upang gumaan ang kanilang loob. "Wag po kayong mag-alala, hindi ko po pababayaan ang sarili ko. Just please, trust me lang po. " I begged with a puppy eyes.

"Kahit kailan talaga you never failed na utuin kami" I just chuckled ang hugged them very tight.

Sa huli ay naging maayos din ang pag-uusap namin at sinulit ang mga araw na magkakasama pa at buo.





ANG HULING gabi ko sa bahay. My things were already packed. I'll just bring my sling bag, iyong backpack ko at ang maleta. I'm sitting in my bed with laptop on my lap.

I was browsing the internet to do some research about sa Ridgen University. but as usual, wala akong napala. Well, I answer their entrance exam through online. Hindi na ako magtataka kung hindi ako maihahatid ni daddy kasi sila ang sumusundo sa mga new enrollees. sobrang limitado ng mga info sa internet, o sadyang gusto lang nila na secured talaga ito. But why?

napahilot nalang ako sa sintido dahil kahit anong isip ay walang ideyang pumapasok sa utak ko. sana lang ay hindi ko pagsisihan kung ano man itong papasukin ko.

I put my laptop on my bag para hindi makalimutan bukas dahil maaga ang alis ko. I stared on the ceiling as I lay on my bed.

'see you sooner, jen' bulong ko sa sarili bago tuluyang nilamon ng antok.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ridgen University (COMPLETED)Where stories live. Discover now