Unang araw na naman ng klase sa Hiraya National High School. Third Year na ng Junior High si Mayumi. Paghinto ng sinasakyang tricycle sa gate ng campus ay excited ngunit kalmado siyang bumaba at naglakad papasok.
Binati ng kanyang magandang mukha ang mga gwardya na nagpangiti sa mga ito."Aria!," sigaw ng dalaga sa bestfriend nito na nasa distansya.
Lumingon naman ito sa direksyon niya. Nang makumpirma na si Mayumi nga ay tumakbo ito at niyakap ang dalaga.
"Besh! Namiss kita. Kamusta ang bakasyon ninyo sa Kyoto?"
"Masaya. Nag-enjoy akong makasama sila Jiji at Baba pati ang mga pinsan ko doon. Wag kang mabahala may pasalubong ako sayo ibibigay ko mamaya pagkatapos ng klase."
"Nahiya naman ako sayo Yumi. Nag-abala ka pa talaga," Nahihiyang tugon ng nasorpresang kaibigan na nalilito kung anong mas nakakahiya ang tanggapin o ang tanggihan ang mga bigay ng kaibigan.
"Ang tagal na nating magkaibigan simula pa nung kinder. Para na nga tayong magkapatid eh. Wala ka naman dapat ikahiya."
"Sige kita nalang tayo mamaya hahanapin ko muna ang bagong classroom ko."
"Anong number ba ng room mo?," tanong ni Aria.
"Room 43 dito pa rin sa Bagong Lipunan Building."
"Nasa second floor ata yan. Halika samahan nalang kita. May 20 minutes pa naman bago magsimula ang klase."
Pag-akyat nila sa ikalawang palapag ay nakita nila na maraming nagkukumpulang estudyante sa dulo ng hallway na karamihan ay mga babae. Ngunit di ito pinagtuonan ng pansin ni Yumi pagkat abala siya sa paghahanap sa kanyang silid.
"Ito na ata ang classroom ko. Salamat besh. Kita nalang tayo ulit mamaya ha after class," nakangiting sabi niya kay Aria na halos di na makita ang kanyang mga mata dahil sa singkit ng mga ito.
Tumatago ang kanyang mga mata kapag siyay masaya, nakangiti, o tumatawa dahil sa kanyang pagiging chinita.
Pagpasok niya sa loob ay andon na nga ang karamihan sa kanilang mga kaklase. Ang iba ay dati na niyang naging classmate at ang iba naman ay hindi pa. Umupo siya sa bandang unahan na nakaharap sa pisara. Kung ang iba ay nahihiyang umupo sa harap dahil malapit ito sa guro kapag nagtuturo ay para naman sa kanya ito ang paborito niyang pwesto pagkat mas madali niyang naririnig ang leksyon at nababasa ang mga sulat sa blackboard tuwing nagkaklase.
Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong silid palingon-lingon sa kanan at kaliwa. Masayang pinagmamasdan ang mga kaklase. Nang mapatingin siya sa likod, sa dulo ng room ay nakita niyang nakaupo ang isang lalake na bagaman ay nakaschool uniform ay meron itong suot na hoodie na konektado sa pang-ilalim na damit. Di niya maaninag ang buong mukha nito maliban nalang sa kanyang nanlilisik na mga mata. Kinabahan ang dilag kaya inalis niya agad ang paningin sa lalake.
Maya-maya pa ay biglang umingay sa labas. Dumating ang limang mga binata. Agaw pansin ang nangunguna nilang kasama pagkat ang gwapo nito at matikas ang paraan ng paglalakad. Nakasunod naman sa kanilang likuran ang ilang mga babae na tili ng tili na parang nakakita ng artista.
"Kaklase pala natin si Liam!?," natutuwang sabi ng isang classmate niyang babae ng mapansing pumasok ang binata sa classroom.
"Oh my gosh!," impit na sabi ng isa pa.
Nang mapansin ni Liam ang natatagong rikit ng nanahimik na si Yumi ay ngumiti ito ng matamis sa kanya. Kita ang maputi at makintab nitong mga ngipin. Nangungusap ang brown nitong mga mata na mas pinaganda ng makapal at maayos nitong mga kilay. Litaw ang prominente nitong jawline na madalas mong mamamasdan sa mga male model ng magazine at dagdag pa rito ang matangos niyang ilong.
Parang malulula si Yumi at hindi makapag-isip ng maayos ng ilang sandali. Di maintindihan ang kakaibang nararamdaman sa kanyang dibdib. Kaya iniwasan niyang magtagpo ulit ang kanilang mga mata.
"Bat niya ko tinitigan ng ganun? Naiilang niyang naisip.
Dumating na nga ang kanilang bagong teacher adviser kaya nagsialisan na ang mga mag-aaral na nakadungaw sa labas ng bintana ng classroom.
"Pare kita nalang tayo sa gig mamayang gabi," sabi ni Liam sa mga barkada.
Gaya ng inaasahan ay wala munang pormal na leksyon sa unang araw ng klase. Nagpakilala ang kanilang guro na si Ginang Rose Baintin. Matapos niyang magbigay ng house rules, grading system, at iba pa ay sumunod na nagpakilala isa-isa ang mga estudyante.
Malamig at suwabe ang boses ni Liam habang nagpapakilala. Halata ang kumpyansa nito sa sarili na malalaman mo agad mula sa kanyang paraan ng pagkilos at ekspresyon. 'Di maipagkakaila ang kanyang charisma na naghahatak sa atensyon ng marami patungo sa kanya.
Ang pagpapakilala naman ni Yumi ay simple lang ngunit andyan ang class at pagkadisente. Dulot na rin siguro ng kulturang Hapon na itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang.
Tuwang-tuwa si Ma'am Rose sa kanilang partisipasyon.
Nang tinawag na ng guro ang lalakeng nasa pinakalikurang upuan ay nag-iba ang mood ng buong classroom. Ang magaan at walang pag-aalalang pakiramdam na namamayagpag sa kanila ay nadapuan ng konting kilabot."We have a new student here from Cebu. Please introduce yourself to us Mr. Alhadeff."
Pero nanatiling nakaupo ang lalake. Kahit na ilang beses na itong pinakiusapan ng guro. Kaya naging awkward at tahimik ng ilang minuto ang klase.
"Well, I understand if you're not in the mood to introduce yourself yet since you are a newcomer. At least take your hood off and don't be shy in showing your pleasant face to us."
Sumunod naman ang binatilyo at tinanggal niya ang hood sa kanyang ulo. Tumambad sa kanila ang isang semi-kalbong lalake. May kung anong kakaiba sa kanyang aura. Di lang dahil sa creepy niyang mga mata na parang tagos sa kaluluwa kung tumitig kungdi pati na rin sa nakakatakot ang mukha nito lalo na kapag siyay ngumiti. Manipis ang kilay ng binatilyo, patulis ang hugis ng mukha ngunit di mahaba ang baba at maputla ang kanyang balat.

BINABASA MO ANG
Sacred Blade
VampireSi Mayumi Silang ay isang dalagang Pinay na may Japanese descent. Nagbago ang kanyang dati ay normal na buhay ng makilala niya ang dalawang lalake na parehong nababalutan ng misteryo ang mga katauhan. Ang isa ay magpapatibok ng kanyang puso at ang i...