Chapter 4

14 1 0
                                    

"Miss M, you'll have a meeting 10 minutes from now" nakangiting sabi ng aking bagong Secretary.

"Okay!" tipid kong sabi at itinuloy lang ang pagbabasa ng magazine.

*Over the rainbow*
Anong meron dito sa bagong tayong hotel? Napaka-ewan ng pangalan at i dont know pero there is something na ewan hindi ko gets.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa venue ng pagmemetingan namin ng new investor ng company ko.

Nauna akong nakarating kaya nag.order nalang ako ng drinks. Anyways, im 5 mins. early. I make myself busy reading the magazine na kanina ko pa binabasa.

Nang biglang nakaramdam ako ng presensya ng tao sa likod ko.

Wala palang isang segundo nasa harap ko na siya.

Umupo na siya sa harapan ko. Tumikhim siya bigla kaya napako yung atensyon ko sa kanya. Nakangiti siya ng malapad.

Tinaasan ko lang siya ng kilay pero binawi ko agad ito at pinalitan ng isang matamis na ngiti bilang pag.welcome sa kanya. Syempre napaka.importanteng magpasok ng investor sa negosyo ko.

"Pfft. You never changed Sophronia!" nakangising usal niya.

I faked a smile at kinuha ko yung cup of tea ko at sinimulang inumin ito.

"So are you interested in investing in my hotel?" diretsahan kong tanong. Nangunot bigla yung noo niya, yung kanilang expresyon niya ay napalitan ng napakaseryosong aura.

"Yeah!" tanging nasabi niya. Hindi pa rin nagbabago yung expresyon ng kanyang mukha. Iniwas ko yung tingin niya at tumingin sa wrist watch ko. Saktong mag.aalas 5 ng hapon na.

"So let's call it a day. See you around!" Pagpapaalam ko sa kanya ng akmang tatayo na sana ako para umalis hinapit niya yung kamay ko at ikinagulat ko ang sumunod na pangyayari.

"Please stay!" buong pagsusumamong nasabi niya. Hawak hawak parin ang aking kamay. I was shaking and i really dont know what to do.

*flashback*

*click*     *click*

"Sophronia smile ka naman. Eeeh ngingiti na yan!" pang.aasar ni Tom sa akin. Si Tom yung kaibigan ng crush slash bf ko. Oo, medyo close rin kami. Hawak hawak ang camera niya.

Ngumiti ako ng malapad as he started to click his camera.

Bigla nalang siyang lumapit sa akin. Hinawakan ang dalawang kamay ko at tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.

Bigla nalang niya akong hinalikan. Sinubukan kong magpumiglas pero mas malakas siya sa akin. Tinulak ko siya palayo.

Nakaramdam ako ng pagpatak ng mga luha sa aking mga pisngi.

Napansin ko ring merong flashes na nanggaling sa direksyon namin.

"I'm sorry!" mahina niyang sabi. Nakayuko pa rin ako habang nakakuyom yung kamao. Hindi ko ito inaasahan.

*end of flashback*

"I still have lots of things to do Mr. Rosales" walang emosyong sabi ko. He loosened his grip to me. Tinalikuran ko na siya.

I won't forget the day he ruined my life.


~grabe intense~
Sino kaya si Tom sa buhay ni Sophie? Huwaaa ;)
Love lots.
~Shamiecuz~

High School ReunionWhere stories live. Discover now