Love without Blue

17 0 0
                                    

Malamig na simoy ng hangin.
Ika'y nakatingala't ako'y nakatingin.
Buwang iyong minamasdan,
akin nga'y kinaiinggitan.
Sa bawat segundong lumilipas,
tila ika'y mas lalong nahuhumaling.
Ano bang mayroon sa buwan,
na hindi mo makita sa akin

O Binibining kay rikit,
pag-ibig ko'y iyong dinggin.
Sapagkat itong ginoo'y
sayo'y mamarapatin.
Ang aking pagsulyap sayo gabi-gabi,
at bawat salita sa isip kong sinasambit.
Palihim man ito,
sana iyong mapansin.

Sabi nila ako'y hangal.
At sadyang aminado ako.
Ngunit asahan mong magtatagal,
ang katapatang para lang sayo
Sa tuwing ika'y nasusulyapan
mundong kay dilim, nagliliwanag.
Sa pangungutyang naririnig,
nais marinig ang iyong tinig.

Sa tagal ko nang humahanga sayo,
ni minsan ba'y napansin mo'ko?
Sa bawat kaluskos bang likha ko,
may naulinagan ka man lang ba dito?
Binibini, aking mamarapatin.
Pag-ibig ko'y may limitasyon din.
Oo, nagtatago ako.
Pero may mga oras na ako'y nagsusumamo sayo.

Nagsusumamong mapansin.
Nagsusumamong mahalin.
Nagsusumamong ako'y iyong dinggin,
sapagkat ako'y nababaliw na sa kakahiling.
Hiling na kailanmanman hindi natupad.
Dahil ika'y langit at ako'y lupa.
Kung iyong makikita ako'y isa lamang dukha.
Ngunit ang dukhang ito ay kaya kang makita.

Oo, kaya kitang makita.
Mula sa pisikal mong kagandahan,
talino mong nakakahanga,
at iyong kabaitan.
Masama ang tingin ng iba,
ngunit ako'y umiibig lamang
Kailanma'y hindi ako nawalan ng pag-asa,
sapagkat pareho naman tayong tao lamang.

Mahal kita at masaya na ako doon.
Dahil ang minahal kong babae ay hindi lang maganda.
Isa sa mga ugaling niyang hinangaan ko mula pa noon,
ay ang pagiging palaban niya ngunit sa paraang maganda.
Masarap sa pakiramdam,
ngunit kulang pa rin.
Pero wag kang mag alala,
Ako'y maghihintay pa rin.

Seryoso ako pagdating sa pag-ibig.
Ngunit pag nasaktan'y talagang nananahimik.
Maghintay ka sana, Binibini.
Sapagkat sigurado akong mamahalin mo rin ako sa aking pagbabalik.

•END•

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love without BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon