Chapter 3

11 6 2
                                    

Ang kaninang matatag na pader ay bigla na lamang nagiba. Kasabay ng pagguho ay ang pagtagas ng tubig alat na kanina pa gustong kumawala.

Mabilis ang pagdaloy ng tubig mula sa talon na umaapaw. Hindi mawari kung paano pipigilin ang matinding pagbugso ng katubigan. Pilit mang pigilan ay lalo lamang lumalala.

Gamit ang nanginginig kong mga kamay ay patuloy kong pinapahid ang aking mga luha na tila ba'y walang katapusan. Parang bang sirang tubo ng tubig na patuloy na bumubulwak.

Iwinaksi ko ang lungkot na aking nararamdaman. Nagsisimula palang ang laban, hindi ito ang oras para maging talunan.

Inayos ko ang aking tindig bago tinahak ang daan pababa ng entablado. Kailangan kong maging malakas para maipagpatuloy ko ang aking nasimulan.

Pababa na ako nang makasalubong ko si Amanda na papaakyat. Nakasuot ito ng maiksing palda at  tube na kulay lila. Mukhang siya na ang susunod na sasalang sa entablado.

Napahinto ako sa aking kinatatayuan nang bigla itong huminto sa aking harapan. Nakapoker face lang ito katulad ng lagi niyang ipinapakita.

"What's with the tears?" Tanong niya sa akin. Marahil ay nakita niya akong umiiyak kanina.

Gusto ko mang sabihin na mali ang nakita niya pero hindi niya na ako hinayaan pang makapagsalita. Agad nitong itinuro ang aking pisngi. Tila ba nagsasabing 'Nandyan na ang ebidensya kaya wag ka na magkaila.'

Alam ko ang ibig niyang sabihin ngunit gusto kong masaksihan mismo ito ng aking mga mata.

Unti-unti kong itinaas ang aking kamay upang kapain ang aking pisngi. Hindi na ako nagulat nang makita kong basa ng luha ang aking kamay. Hindi ko na namalayan ang pag-agos ng luha ko. Akala ko tapos na, hindi pa pala.

Kahit kailan talaga ay hindi marunong makisama itong mga luha ko. Kung kailan mo pinagbabawalan ay doon pa lalong magsisilabasan.

Iniangat ko ang aking paningin para salubungin ang kanyang mga titig. "So, what's with the tears?" tanong ulit nito sa akin.

Hindi parin nagbabago ang mukha nito. Wala paring emosyon katulad kanina.

"Wala 'yon. Tears of joy lang." Sabi ko naman at ipinakita ko sa kanya ang matamis kong ngiti. Ngunit maging ang labi ko ay hindi marunong makisama. Ang dapat na matamis na ngiti ay nauwi sa isang ngiwi.

Tinignan niya lang ako sa mata na para bang binabasa niya ang iniisip ko. Tahimik mang tao si Amanda ay marunong siyang makiramdam sa mga nangyayari sa paligid niya. Si Amanda ang tipo ng taong di mo maloloko.

"You don't look happy." Sabi niya na para bang siguradong-sigurado siya sa mga salitang sinabi niya. Kulang na lang ay maglabas siya ng pera para makipagpustahan.

Kahit kailan talaga ay hindi ako mananalo laban kay Amanda. Alam na alam niya ang bawat hibla ng pagkatao ko. Mukhang mas kilala niya pa ako kaysa sa sarili ko.

"Ano ka ba, wag ka ngang nega diyan." sabi ko sa tonong nakikipagbiruan. "Masaya lang talaga ako. Pramis."

Nagkibit-balikat lang siya sa akin na para bang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko. Nakaramdam lang ako ng dalawang marahang tapik sa aking balikat bago niya ako nilagpasan.

Sinundan ko siya ng tingin at nang marating niya ang mismong entablado ay doon palang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko na namalayang kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko.

Napabuntong hininga na lamang ako bago ko nilisan ang lugar kung saan ako nakatayo. Lokohin mo na lahat Desiree 'wag lang si Amanda.

Patuloy lang ako sa paglalakad at hinayaan kong magdesiyon ang aking mga paa kung saan man ako nito gustong dalhin.

DIAMOND BENEATH THE GROUND (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon