Chapter 12

1 0 0
                                    

KENZY'S POV

Nandito na kami ngayon sa Japan, nasa condo ako at .

magpapahinga na sana ng may biglang kumatok.


Napabunot ako ng baril atbunti unting bumukas ang pinto, pagbukas ko nagulat ako dahil si Xia pala hindi ko rin alam na sinundan niya ako.


" Pasok ka " yaya ko sa kanya.

" Ken, bakit ka umalis?" agad na tanong niya sa akin pero hindi ako kaagad sumagot



" Ken, bakit di mo sinabi sa akin na aalis ka?" 


" Para ano pa? Bakit gusto mo ba na magpasuyo pa ako sayo?" Napasigaw ako sa kanya dahil sa sobrang inis hindi dahil nandito siya kundi dahil iniwan ko siya pero sinasadya ko lang na magalit dahil ayoko na ulit siyang mapahamak.


" Pero Ken....nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan at habang buhay ka lang na nasa bahay para bantayan ako, pero bakit ka umalis?" Nagpakawala siya ng luha sa kanyang mga mata at humagulgol sa harap ko.

Hindi ako makatingin sa kanya, hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko.



" Mas mabuti sigurong umalis ka na lang " sabay tulak ko sa kanya papalabas

" Ken, sabihin mo sa akin yung totoong dahilan bakit ka umalis please " pagmamakaawa niya sa akin


" Alam mo ba kung ano yung totoo? Kaya ako umalis dahil nakakasawa na, sarili mo lang iniisip mo. And I'm sorry I'm inlove with someone kaya umalis ako dahil ayokong sa buong buhay ko nakalaaan lang sayo ang oras ko, gusto ko rin maging masaya at magmahal" pagsisinungaling ko. I'm sorry Xia.

Hindi ko gustong sabihin ito sa harap ng babaeng mahal ko pero kailangan kong gawin dahil mas lalo lang siyang mapapahamak kapag kasama niya ako.


" Sabihin mo sa akin na nagsisinungaling ka lang? "tanong niya ulit sa akin na parang ayaw niya talaga akong iwan kahit na marami na akong binitawang masasakit na salit sa kanya.

" Totoo lahat ng sinabi ko kaya makakaalis ka na " sabay talikod ko ng bigla niya akong yakapin.


" Ayoko! Ayokong umalis ka dahil kailangan at mahal kita Ken " 

Hindi ko alam na mahal din ako ng babaeng mahal ko.

Tumulo ang luha ko pero hindi pinahalata at pilit ko pa rin siyang ipinagtatabuyan.


" SINABI NG UMALIS KA NA " sigaw ko sabay paputok ko ng baril sa may dingding.


Takot na takot siya kaya tumakbo siya papaalis habang umiiyak.


Nasaktan ko na naman yung babaeng mahal ko.


Ang tanga tanga ko talaga, pumunta siya dito para sakin para sabihin na mahal niya ako pero ipinagtabuyan ko lang siya.

Inuntog untog ko ang ulo ko sa dingding dahil sa katangahan ko. 2 weeks na lang debut niya na paano na 'to?

My Seven Butlers And MeWhere stories live. Discover now