Prologue

988 21 0
                                    

Jane's POV

"Bihis na bihis ka ah! Saan lakad natin ngayon bunso?! Mukhang bigatin ah!" pang aasar sa akin ni Kuya.

Nakaharap kasi ako sa salamin ngayon at nag aayos nang mabuti, hinde ko maitago ang saya na bumabalot sa buong pagkatao ko ngayon

"Magkikita kasi kami ni Chris ngayon at Kuya at may good news ako!" sabi ko na parang tumitili na. Masayang masaya talaga ako

"Ano naman kaya yang goodnews na yan at napapatili ka pa talaga?" tila nakucurious na tanong sa akin ni Kuya

"Kase naman Kuya"

"Kase ano?" tanong niya sa akin at tila inaabangan ang mga susunod kong sasabihin

"Buntis ako!" masaya kong sabi sa kanya, nakita ko naman ang gulat sa kanyang nga mata pero napalitan din naman ito agad ng saya

"Magkaka pamangkin na ako?" tanong sa akin ni Kuya bigla naman akong tumango

"Yes! Congrats bunso! Excited na ako para sa pamangkin ko!" halatang pati siya ay masaya sa sinabi ko. Hinaplos ko naman ang tyan ko, 'masaya kami ngayon dahil yun sayo' yun na lang ang naibulong ko sa sarili.

Hinde rin mawala wala ang ngiti sa mga labi ko nang mga oras na yun. Sobra akong excited na parang kahit ang kapitbahay namin na walang paki alam ay masasabihan ko ng buntis ako

"Sige kuya alis na ako" paalam ko kay kuya

"Mag iingat ka!" huling sigaw niya bago ako nakalayo. Magkikita kami ni Chris ngayon sa park

Don niya naisipang makipag kita sa akin, pagdating ko ay lumingon lingon muna ako sa paligid para tignan kung andito na siya pero wala pa. Kaya naghanap na lang ako ng mauupuan na medyo walang tao, para makapag usap kami ng maayos mamaya

Nang makahanap ako ay umupo na lang muna ako at hinintay kong makadating si Chris, ilang minuto lang ang nakakalipas ay nakita ko na siya naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko

Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay sinalubong ko naman agad siya ng yakap, yakap na tipid niyang ibinalik sa akin

"Antagal mo naman! Pero ayos lang nandito ka naman na!" sabi ko sa kanya tapos ay tinignan siya, tila kinakabahan siya na nag aalinlangan

"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya, napatingin naman siya kaagad sa akin at mabilis na sumagot

"Wala naman hehe, pero may gusto sana akong sabihin sayo" panimula niya

"Ako din sana may sasabihin din ako sayo!" nakangiti kong wika sa kanya, nginitian niya naman ako pabalik pero tipid nga lang

"Sige ikaw na mauna" sabi niya sa akin

"Ikaw na!" sabi ko sa kanya, mukhang ayaw niya nang makipagtalo pa kaya nagsimula na siyang magsalita. Pero parang hinde siya mapakali

"Ano kasi Jane, Im sorry" yun ang unang mga salita na lumabas sa bibig niya

"Sorry for what? Ano ka ba!" natatawa kong sabi sa kanya

"Lets break up" bigla ay sabi niya, nawala naman kaagad ang mga ngiti sa aking mga labi

"She is now single Jane, this is mu chance to be with her" wala siyang binabanggit na pangalan sa akin pero kilala ko na ang tinutukoy niya. Yun ay ang first love niya, hinde ko alam ang pangalan at itsura pero palagi niya itong kinukwento sa akin noon

"Akala ko ba naka move on ka na Chris?" tanong ko sa kanya sa garalgal na boses

"Akala ko din Jane. Pero nung nalaman ko na wala na sila patinung asawa niya hinde ko mapigilan ang sarili ko" dispensa niya sa akin, naluluha na ang mga mata ko ngayon sa mga sinasabi niya

"Diba mahal mo ako?" tanong ko sa kanya na para bang yan na lang ang tanging pag asa na meron ako

"Oo Jane mahal kita" napangiti naman ako sa sinabi niya pero agad ding nawala nang marinig ko ang mga sumunod niyang sinabi

"Pero mas mahal ko siya, akala ko din wala na akong nararamdaman para sa kanya pero nagkamali pala ako" tapos ay nakikita ko sa mga mata niya na hinde niya gustong mangyari ang lahat nang ito

"Bakit? Chris akala ko ako na ang mahal mo" tapos ay tumulo na ang mga luha na kanina ko pa gustong pigilan

"Mahal kita Jane sorry, minahal kita. Maniwala ka pero sa kanya pa rin ako nababaliw" tapos ay yumuko siya, hinawakan ko ang baba niya upang iangat ang paningin niya pero hinde siya makatingin sa akin ng diretso

"Akala ko nabura ko na siya sayo, akala ko importante ako sayo, yung kahit bumalik pa siya ay ako yung pipiliin mo, na ako yung ipaglalaban mo. Pero nagkamali ako, akala ko lang pala ang lahat ng iyon" sinabi ko iyon nang nakatingin mismo sa kanya

Pinapakita ko sa kanya na sobra talaga akong nasasaktan ngayon, kahit magpigil ako ay hinde ko din magawa kaya mas mabuti pang makita niya na lang

"Pero please wag mo akong iwan, mahal na mahal kita Chris. Wala akong pakialam kung mas mahal mo siya o ano basta wag mo lang akong iwan" desperada na kung desperada, wala na akong magagawa eh. Mahal ko talaga siya

"Sorry talaga Jane, pero kung ako ang papipiliin. Mas pipiliin ko siya, matagal ko na siyang pinapangarap. Ito na ang pagkakataon ko para mapasakin siya. Sorry" sinabi niya iyon sakin na parang hinde niya ding ginusto na nasa ganitong sitwasyon kaming dalawa

"Paano mo nagawa sa akin ito? Pinaniwala mo ako na ako na ang mahal mo" umiiyak kong sabi sa kanya, hinde ko na kayang pigilan pa ang mga luha na gustong kumawala sa aking mga mata

"Sorry" yun na lamang ang huli niyang sinabi bago siya umalis sa harapan ko at tuluyan nang mawala sa paningin ko

Napatingin ako sa tiyan ko, 'sorry anak, hinde ko na nasabi sa tatay mo ang tungkol sayo' tapos ay umiiyak pa rin ako

Hinde ko na namalayan ang pagbuhos ng ulan, bumalik na lamang ako sa wisyo ko nang maramdaman kong basa na ang buong katawan ko

Lumingon ako sa buong paligid, ako na lang pala ang natira dito mag isa, walang kasama. Umiiyak kasama ang malakas na buhos ng ulan. Malabo din ang paningin ko dahil sa mga luha na nasa paligid lang ng mata ko

Wala na akong nagawa kundi nagsimula na lamang akong maglakad papauwi, hinde ko inalintana ang lakas ng ulan at panlalabo ng paningin ko. Diretso lang ako at nagpatuloy lang sa paglalakad

Hanggang sa ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating ako sa bahay, kumatok ako ng mahina. Ilang saglit ay binuksan ni kuya ang pinto at nagulat pa nang makita ako na nasa labas ng bahay at basang basa

"Pasok ka bilis!" utos niya sa akin, pumasok naman ako gaya ng sabi niya, tapos ay inabutan niya ako ng towel at siya ang nagpunas ng buhok ko

Inabutan niya din ako ng mga damit ko atsaka niya ako inutusan na magpalit kaagad para hinde daw ako magkasakit, nagbihis naman din ako tulad ng sinabi niya. Pero wala pa rin ako sa sarili at tahimik lang na nakaupo sa mahabang upuan na nandito sa sala

Binigyan niya ako ng mainit na gata at pinainom iyon sa akin, nang hinde ko din alam ay umiiyak na naman ako habang nakatingin sa kawalan

"Anong nangyari? Bunso?" tanong sa akin ni Kuya, lumingon naman ako sa gawi niya, nakaupo siya ngayon sa tabi ko

"K-kuya, si Chris" tapos ay umiyak ako, hinde ko pa natatapos ang sinasabi ko dahil sa twing maaalala ko ang nangyari kanina ay napapaiyak lang ako

"Iniwan niya ako" tila nagulat naman si Kuya sa sinabi ko, pero niyakap niya ako at inalo

"Hayaan mo na siya, isa siyang walang kwentang tao na sinayang ang isang tulad mo. Tahan na" sabi ni kuya habang hinahagod hagod ang likod ko

Umiyak naman ako nang umiyak sa balikat niya hanggang sa di ko namalayan at nakatulog ako sa mga balikat niya habang umiiyak


Ipagpapatuloy.....

Back in His Arms AgainWhere stories live. Discover now