Chapter 4

77 11 0
                                    

Jane's POV


"Nay saan po tayo pupunta?" tanong sa akin ng anak kong si Drake


"Basta anak, sigurado akong magugustuhan mo iyon doon!" masigla kong wika sa kanya


"Excited na ako Nay!" napapasigaw pang wika ni Drake. Nag aayos at naghahanda na lang kami ng mga gamit. Atsaka hinihintay na lamang namin si Kuya tapos ay aalis na kami


Medyo nasa magandang mood din si Kuya ngayon. Dahil makikita niya na ulit ang dati niyang kasintahan na hanggang ngayon ay baliw pa rin siya dito


Nang lumabas siya sa kwarto niya ay lumabas bigla si Drake sa labas para maghintay ng tricycle. Sakto ding pagkalabas pa lamang namin ay may tricycle na agad ang dumaan kaya pinara namin ito at inilagay ang mga gamit namin sa bubong saka kami sumakay


Nang makarating kami ay medyo konti pa lang ang tao, napalapit naman kaagad sa akin ang kaibigan kong si Diane


"Hello inaanak!" bati niya kaagad kay Drake. Nginitian naman agad siya ni Drake at nagmano sa kanya. Si Diane ay matagal ko nng kaibigan, simula nang magtrabaho ako sa kompanya nung buntis pa lamang ako ay siya na ang kasama at karamay ko


Siya din ang unang pumansin sa akin sa unang araw ng pasok ko, kaya naging matalik kaming magkaibigan at naging ninang pa siya ng anak ko


"Dinala mo talaga siya ah!" sabi sakin ni Diane


"Syempre, hinde ko naman siya pwedeng iwan. Atsaka kasama ko naman ang Kuya ko" nakangiti kong wika sabay lingon sa gawi ni Kuya na busy sa paglingon din sa paligid na parang may hinahanap


"Excited ka ba? Ako kase oo makakahanap din ako ng gwapong lalaki! At nang makalimutan ko na siya!" masiglang wika niya sa akin


"Gaga! Alam kong inlove ka naman masyado sa kanya eh!" tudyo ko sa kanya, ang tinutukoy ko ay ang lalaking napupusuan niya. Lagi niya itong kinukwento sa akin pero hinde niya sinasabi sa akin kung sino


Natigil ang pag uusap namin nang biglang dumating si Maam Scarlet at iginaya kami sa isang napakalaking van na siyang magdadala sa amin doon


Napakakomportable nang sasakyan na ito, paniguradong pinaghandaan din ito ni Maam. Kaya kahit habang nasa byahe kami ay agad akong nakatulog sa sobrang presko ng pakiramdam


"Hoy! Gising" mahinang tapik sa akin ni Kuya na siyang nakapag pagising sa diwa ko


Napabalikwas naman ako ng bangon, kami na lang pala ang naiwan dito. Kaya dali dali ko ding inayos ang sarili ko bago kami lumabas na tatlo. Nakita ko naman sila na nasa front desk ng isang mukhang hotel dito at kinukuha ang kanilang mga susi sa kani kanilang mga kwarto. Ganun na din ang ginawa namin



Pero nag request kami na dalawang bed ang ibibigay na kwarto samin. Dahil isa sa amin ni Drake at isa naman para kay Kuya. Buti naman at naintindihan nila ito. Pagpasok namin sa kwarto ay agad kaming namangha


Klaro din sa kwartong ito ang magandang tanawin na binibigay ng dagat at napakasarap ng simoy ng hangin. Inayos na namin ang lahat ng gamit namin. Simula sa hihigaan namin, sunod ang kusina at iba pang parte ng kwartong ito


Hinde ko masasabing maliit ito. Dahil para sa akin ay napakalaki na nitong kwartong tinutuluyan namin. Kaya inabot kami ng ilang oras para maglagay ng mga gamit namin


Tapos nakaramdam kami ng gutom ay inilabas namin ang dala naming pagkain. Tapos ay nagpahinga kami hanggang sa natulog kaming muli


Paggising ko ay madilim na, kaya naligo ako kaagad tapos ay nagluto na nang hapunan namin. Mga ilang minuto lang ay nagising na din sila at niyaya ko na silang kumain. Tapos kumain ay pinaligo ko na si Drake at si Kuya naman ang naghugas ng plato


Back in His Arms AgainWhere stories live. Discover now