Prologue

56 3 0
                                    

DISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is UNEDITED. It might have typographical and grammatical errors. So please bear with me. I'll get back to this after I finish the whole story... ( ͡° ͜ʖ ͡°)(ᗒᗣᗕ)՞ಠ_ಠ

❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎                                                                  
"Aziel Cardinal I said come back here give Mr. Bear to me. Argh!" Ani ni Ry sa akin.

"Kung ayaw ko may magagawa ka ba bunso? Hahaha!" Sabay ngisi sa kanya.

"Argh!! Mommy oh si Kuya kinuha na naman si Mr. Bear." Inis na sabi ni Ry.

"Hays. Kayo talaga magkapatid walang araw na di kayo magkagalit sa isat-isa. Mag-ayos na kayong dalawa dahil maya-maya dadating na yung kaibigan ng Daddy niyo."

"Sila ba yung kaibigan ni Daddy na titira dito?" Tanong ko kay Mommy.

"Oo Aziel, ang mga Hanlon titira na dito dahil 'yang Tatay mo miss na miss niya na ang matalik niyang kaibigan." Ani ni Mommy.

"Mag-ayos na kayo magkapatid ha." Dagdag na sabi ni Mommy.

Umakyat na ako sa ikatlong palapag at dumiretso sa kwarto ko, habang inaayos ko yung navy blue tuxedo outfit ko biglang pumasok si Rayleigh sa kwarto ko.

"Kuya nandiyan na sila. Uhmm. Kuya ok na ba 'tong red dress ko o magpapalit pa ako?" Tanong sakin ni Ry.

"Bunso, you look perfect." Sabay pisil sa pisngi niya.

"Tara na bumaba na tayo Bunso baka tayo na lang hinihintay nila Mommy at Daddy."

"Sige tara na." Sabay hila sakin palabas ng kwarto ko.

Nang bumaba na kami ni Ry agaw pansin yung babaeng naka black cocktail dress, at bigla na lamang nagtama ang mga mata namin at kitang-kita ko ang kayumanggi na may halong pula ang kaniyang mga mata. She's so elegant. Bigla na lang ako may naramdaman na kung ano sa sarili ko.

"Ako nga pala si Dario Cardinal o mas kilalang Supremo at ang nag-iisang asawa ko si Evelyn Cardinal at ang panganay kong anak si Aziel Cardinal at ang aking bunso si  Ryleigh Cardinal." Pagpapakilala ni Daddy sa amin sa pamilya ng mga Hanlon.

"Hi, my name is Ryleigh, you can call me Ry for short, friends na tayo ah." Ngiting sabi ni Ry sa babae.

"Ako nga pala si Raelynn Hanlon, and yes we can be friends. By the way, you look cute in your dress." Ngiting sabi ng babae sa kapatid ko.

"Salamat ah, tsaka nga pala eto si Kuya." Pagpapakilala sa akin ni Ry dun sa babae.

Bigla na lang ako hinila ni Ry sa kinaroroonan ng babae para magpakilala dahil kilala ko naman na ang kapatid niyang si Treyton.

"My name is Aziel." Maikling sabi ko sa kanya.

"Ako si Raelynn." Biglang abot ng kamay niya sa akin. 

Kinuha ko naman, bigla na lang ako may naramdaman na kung anong kuryente na dumaloy sa aking katawan. Binaba ko yung aking kamay nung bigla niyang kinuha yung kanyang kamay mula sakin at namula yung pisngi niya nung tumitig ako sa mata niya pero umiwas siya sa mata ko.

"Hey Treyton, kamusta ka na?" Bati ko sa kaibigan ko.

"Ok lang pre. Pwede mo ba sundan kapatid ko sa taas baka mawala yun dito sa palasyo niyo." Tumango na lang ako at sinundan yung kanyang kapatid.

Nang makita ko siya sa tapat ng malaking picture frame tumabi ako sa kanya, pero hindi niya naramdaman ang aking presensya.

"Ang gwapo pala ni Tito Dario." Bulong niya sa kanyang sarili.

"Matandang lalaki pala tipo mo." Sabi ko habang nakatitig din sa picture frame.

"Gosh." Gulat na sabi nya

"Sa susunod pwede ba wag kang manggulat? Hays." Mahinahong sabi niya.

Tumitig ako sa kanyang mga mata, tinitignan kung nagulat talaga siya. 

"Pwede mo bang ituro kung saan banda ang restroom niyo o di kaya samahan mo ako na lang ako doon." Parang naiilang niyang sabi at umiwas na sa tingin ko.

"Pano kung ayoko?" Sarkastikong sabi ko sa kanya na dahilan ng pagtalikod niya sa akin. 

Nang sundan ko siya sa palikong pasilyo ay bigla na lang siya nawala kaya dumiretso na lang ako sa aking kwarto.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

🌻🌻🌻

𝑳𝒐𝒖𝒑𝒚𝒓𝒆𝒔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon