"Raelynn, anak ayos na ba gamit mo? Kung ayos na ipalagay mo na sa Kuya mo yung mga gamit mo sa kotse at aalis na tayo." Sabi ni Mommy sa akin.
"Ayos na po Mommy, naibigay ko na po kay Kuya. Titignan ko lang po ulet ang kwarto ko para i-check kung may naiwan po ako." Ani ko kay Mommy
"Sige, bilisan mo na, nandoon na Daddy at Kuya mo sa koste. Mauna na rin ako dun." Sambit ni Mommy sa akin.
Nang maka-akyat na ako mula sa unang palapag dumiretso agad ako sa kwarto ko sa pangalawang palapag, at tinignan ko kung may mga gamit akong naiwan sa mga kabinet ko nang wala naman na ako nakitang mga gamit ay dumiretso ako sa isang malaking salamin, to fix my black cocktail knee length dress and tie my long jet black hair ng matapos na ako mag-ayos ng sarili ko dumiresto na ako sa ibaba para sumakay sa kotse.
"Ano anak wala ka na bang naiwan na gamit mo?" Tanong ni Daddy habang nakatingin sa rear view ng kotse.
"Wala na po Daddy."
"Sige Manang Elsy kayo na pong bahala sa bahay namin." Ani ni Mommy sa aming mayordoma.
"O-opo Ma'am, mag-ingat po kayo." Iyak na sabi ni Manang Elsy.
Habang nasa daan kami nakatitig lamang ako sa itaas ng langit at hindi na kikinig sa usapan nila Kuya at Mommy, hanggang sa kusang pumikit na ang aking mga mata at hinayaan ko na ang aking sarili magpahinga hanggang makarating na kami sa Via Dolorosa.
"Bunso, gising na." Sabay kalabit ni Kuya Treyton sa akin.
"Uhmmm. Nandito na ba tayo?" Tanong ko habang kinukusot ang mata.
"Oo, ayusin mo na yang sarili mo." Ani ni Kuya sa akin.
Habang inaayos ko ang aking sarili napansin ko ang napakalaking gate sa harap namin at may nakalagay na apelyido ng mga Cardinal na nakasulat sa ginto. Patuloy pa rin ang pagmamaneho ni Daddy hanggang sa kusang magbukas ang malaking gate sa aming harapan, hanggang sa nakita ko na ang palasyo ng Cardinal, bigla na lamang akong kinabahan nang malapit na kami sa harap ng palasyo ng mga Cardinal.
"Diyan na ba talaga tayo titira Daddy?" Tanong ko kay Daddy.
"Oo anak, ayaw mo ba nun? May bago kang makikilala na kaibigan. Pina-enroll na din namin kayo ng Kuya mo sa isang university dito sa Via Dolorosa." Ngiting sabi ni Daddy habang nakatingin sakin mula sa rear view ng kotse.
"Hindi na ba tayo babalik sa sariling tirahan natin?" Singit ni Kuya Treyton.
"Pinag-iisipan pa namin ng Daddy mo anak. Wag niyo muna isipin yan at mag-enjoy muna kayong magkapatid dito sa bayan ng mga Cardinal." Ngiting sabi ni Mommy kay Kuya.
Mas lalo akong kinabahan nang makarating na kami sa tapat ng palasyo ng mga Cardinal. At nung makababa na kami ng sasakyan may babaeng mukhang strikto at medyo puti na ang buhok ang sumalubong sa amin.
"Magandang umaga Hanlon Family ako nga pala si Nita ang mayordoma sa palasyo ng mga Cardinal, ibigay niyo na lamang ang mga gamit niyo sa mga katulong at sila na ang bahala mag-ayos sa mga kwarto ninyo. Sumunod na kayo sa akin, naghihintay na ang mga Cardinal sa inyong pagdating." Formal na sabi ng mayordorma at mabilis na tumalikod sa amin.
Sinundan lang namin si Nita sa kanyang paglalakad at napatingin ako sa paligid ng palasyo ng mga Cardinal habang naglalakad.
"Grabe, sobrang laki pala ng kanilang palasyo." Mangha na sabi ni Kuya sa akin.
Bigla na lamang huminto yung mayordoma sa malaking staircase, may nakatayo doon na mukhang kasing-edad nila Mommy at Daddy.
"Kaibigan matagal-tagal din bago tayo muling magkita." Tuwang sabi ng lalaki kay Daddy.
BINABASA MO ANG
𝑳𝒐𝒖𝒑𝒚𝒓𝒆𝒔
Fantasy𝑅𝑜𝑏𝑒𝑟𝑡 𝐻𝑎𝑛𝑙𝑜𝑛 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑟𝑒𝑐𝑒𝑖𝑣𝑒𝑑 𝑎 𝑙𝑒𝑡𝑡𝑒𝑟 𝑓𝑟𝑜𝑚 ℎ𝑖𝑠 𝑜𝑙𝑑 𝑏𝑒𝑠𝑡𝑓𝑟𝑖𝑒𝑛𝑑 𝐷𝑎𝑟𝑖𝑜 𝐶𝑎𝑟𝑑𝑖𝑛𝑎𝑙 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑡 𝑡ℎ𝑒𝑚 𝑠𝑡𝑎𝑦 𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒𝑖𝑟 𝑐𝑎𝑠𝑡𝑙𝑒. 𝐵𝑒𝑐𝑎𝑢𝑠𝑒 𝐷𝑎𝑟𝑖𝑜 𝑤𝑎𝑛𝑡𝑒𝑑 𝑡𝑜 𝑠𝑒𝑒...