HMS 4: Meet the Crasher..sistah?

29 1 0
                                    

Karl's POV

''Grabe ang sakit ng ulo ko. Teka, where am I?” Pinalibot ko ang paningin ko sa paligid at..Paano akong...I was in the bar..and all I can remember is I was drinking..who carried me to here?

Bumangon ako ng sofa kung saan marahil ako inihiga na lang. I checked my belongings. Nothing is lost. My car! I ran towards the terrace and eyed the parking lot. Akala ko nawala narin. But who drove it?  Kinapa ko ang bulsa ko. My keys are here inside my pocket. Paano? Kinapa nung kung sino man sya o baka ni MANANG? Hay buhay! Ang sakit ng ulo ko. Wala akong maalala!

“Manang!”

Dali daling bumukas ang pinto ng kwarto ko at tumambad ang isang babaeng tuliro.

“S-Sir..a ano po yon?”

“Manang, nakadrugs kaba?”

“S-sir? Po? Ha? H-Hindi po!”

“Eh bakit di ka yata mapakali dyan? Para kang sinindak ni Barbara sa itsura at kilos mo. Tingnan mo nga yang sarili mo? Para kang nakakatandang kapatid ni Superman.'' Gusto ko sanang matawa pero masyadong masakit ang ulo ko. Paano naman kasi nakalabas ang...ang bra nya nakapatong sa daster nya. Tsk. Kung si superman brief sa kanya bra.

Kaagad nyang tiningnan ang suot at nagtakip. Hindi sya magkamayaw kung saan ilalagay ang kamay sa ibaba ba o uunahin ang sa itaas. Mabuti na nga lang at may dala siyang apron.

“hihihi..si...si ano po kasi sir."

“Sino?"

“Si Kate po kasi, este si maam Kate po kasi sir bumisita at pinasuot sakin to. Kapag di ko daw po ginawa matatanggal ako sa trabaho.” Paliwanag naman nya. Haixt, ang batang yon! Dito na naman sa unit ko magkakalat.

“Ano?! Naniwala ka naman? Eh inuto ka lang nun. Manang naman. Ako ang amo mo. Wag kang magpapaniwala dun. Sige magbihis kana." Paalis na si manang nang sumakit na naman ang ulo ko.."Wait, pakidalhan ako ng coffee yong katulad dati. Alam mo na yon. Ok?”

“Ah..opo sir!” Mahanap nga ang batang yon. Sigurado akong nasa musical instruments ko na naman yon at pinakikialaman ang mga gamit ko.

...

Naligo na muna ako nang matanggal ang hang over ko. Ang lakas ng amats ko ah. Naiinis ako kasi naalala ko na naman SYA.

"Kate! Not that one! Mabuti nalang at naabutan ko. Ang batang to talagang ayaw tantanan ang mga gamit ko.

''And why?'' Abat? Nagtanong pa?

''It's mine in case you forgot.'' She just smirked at me. May naalala tuloy ako with that way how the eyes can be simply so seductive. "Sh*t! Bat ko ba nasabi yon, eh naiinis ako sa KANYA!" I mumbled to myself.

''So what, KUYA?'' She walked out of the door leaving me stunned. Naku kung hindi lang kita kapatid itatapon kita sa Taal kasama ng ISANG YON!

''Hey! You young lady! Wag mo akong-'' Haisst. At bumalik pa para lang mambelat. Mailock nga tong music room na to.

Tumambay na muna ako sa terrace para makalanghap ng sariwang hangin. Sumasakit parin ang ulo ko. Martini lang naman ang ininom ko. Pero bakit parang may masakit sa bandang ulo ko. Hindi ko maalala na nabagok ako. Nagkaamnesia ba ako? Hindi naman siguro. Di sana di ko kilala si Kate diba? Di sana wala akong kapatid na walang ginawa kundi bulabugin ang unit ko. At bakit ang pagkakauei ko lang ang hindi ko maalala? Hay! Bayaan na nga.

.............................

Stacey's POV

''Miss Stacey, gising na po. Past 12pm na po. Miss?..Miiisss..hala bangon po lumilindol'' Kainiiiisss. Alam ba nito ang salitang 'rest'? at lindol? Tse! Eh sa inaalog nya lang talaga ang kama ko. Ang lakas naman nya. Bahala ka nga. Inaantok pa ako kaya di ako babangon. Why would I? "Miss, maawa na po kayo sisisantihin po ako ng mama nyo kapag di ko po kayo nagising. May kapatid po akong pinag aaral. Please po miss gumising na po kayo. May meeting pa po kayo ni Mr. Karl Ross ng 2pm. Kaya po Miss-"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Have Mercy Stacey!! [TPS : The Playboy Slayer]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon