Twenty One

178 14 0
                                    

Meir Kim

"Congrats!" sabay na sigaw nila Kuya samin.

Ngayong araw ang graduation namin. And finally tapos na ang araw ng pag pasok ko sa school.

"Pina reserve ko na yung buong restaurant para satin" sabi ni Kuya Jin.

"Wow ha ang lakas sa may ari" asar ni MJ sa kanya.

"Ako pa"

"Oh ano pang inaantay niyo tara na" nauna na mag lakad si Kuya Yoongi kaya sinundan na namin siya.

Tinignan ko ang tatlong lalaki na panay ang picturan sa likod. Tumawa na lang ako at hindi sila pinag sabihan kase ayokong masira ang mood.

Ilang minuto lang ang naging byahe namin papunta sa restaurant na sinasabi ni Kuya. Dito siya nag ttrabaho bilang head sa mga chefs.

Ang bilis nga niyang mapromote. Halatang favorite. Joke.

"Sinong mag babayad?" tanong ni Sophia.

"Ako na bahala" nag hiyawan kami sa sinabi ni Kuya Namjoon.

Minsan lang kase to manlibre. Alam niyo na may ibang pinag aaksayahan ng pera. Hindi ko sinasabing si Fiona pero parang ganon na nga.

Umorder na kaming lahat kaya napag pasyahan na namin na mag kwentuhan.

"Anong balak niyo ngayong graduate na kayo?" tanong ni Kuya Hoseok.

"Hahanap ng kompanya para pag trainingan" sagot ni Fiona.

"Ganon din ako. Parehas naman kami sa advertisement eh" sagot ni Nycel.

"Training ako sa airlines"

"Airlines?"

"Oo. FA ako ah" sagot ni Angela kay Taehyung.

"Ako hahanap din ako ng kompanya para sa mga archi" sagot ni Sharmaine.

"At kasama niya ko" natatarantang sagot ni MJ.

Bat natataranta yon?

"Eh ikaw Sophia?" tanong ni Kuya Namjoon.

"Coffee shops ng magulang niya" pag sagot ni Taehyung.

"Epal ako tinatanong eh" reklamo ni Sophia.

"Wow ha naka ligaw na pala sa magulang" natatawang sabi ni Nycel.

"Tagal na hoy kasal na lang kulang" bigla kaming nag hiyawan dahil sa sinabi ni Taehyung.

Ahh ang landi ang landi.

"Eh kayo Jimin at Meir?" tanong ni Kuya Yoongi.

"Anong sila?" pag tatanong ni Kuya Jin.

"Kung anong mang yayari sa trabaho nila. Ikaw naman chill" natatawang sagot ni Kuya Yoongi.

Ewan ko ba kung ganon talaga yon pero feeling ko nangaasar eh.

"Oo nga kayong dalawa ba ano? Ako kase mag aapply sa gaming company" pag tatanong ni Jungkook.

"Ano ka ba mag kasama tayo" pag lilinaw ni Jimin.

"Mag kasama ba? Ahh" pang aasar pa niya.

"Ako hahanap ako ng company para sa mga news caster" sagot ko.

Matagal ko ng gusto yon bata pa lang ako. Ewan ko ba pero gusto kong makita sa tv eh. Papansin lang ganon.

After kong sabihin yon saktong dating ng pagkain namin kaya kumain na kami.

Nakita kong silang nag mamadaling kumain kaya ganon na rin ang ginawa ko. Eat and run ba to?

"Tara na baka may masira pa eh" sabi ni Kuya Hoseok dahilan para mag taka ako.

Mag tatanong pa sana ako kung anong ibig niya sabihin kaso inakbayan na ako ng Sophia at dinala sa kotse.

Habang nasa byahe kami maingay ang lahat dahil sa kanta. Akala mo may videoke sa loob ng kotse.

Maya maya lang habang nakanta ako biglang may nag lagay ng panyo sa mata ko.

"Hoy para saan to?!" sigaw ko at pilit tinatanggal ang nakatakip sa mata ko.

"Rape to rape! joke wag ka ngang malikot hindi ko matali eh!" reklamo ni Sophia.

Mag rereklamo na rin sana ako kaso alam kong wala na kong magagawa kaya pinabayaan ko na lang. Wala kong makita anak ng.

Huminto ang sasakyan namin sa hindi ko malaman na lugar. Naramdaman ko naman na nag babaan sila. Kaya tumayo na ko. Kaso dahil tanga ako nauntog ako.

"Hanep" narinig kong sabi ni MJ.

Nakaramdam naman ako ng kamay na umalalay sakin. Mas okay na yon atleast hindi ako nang huhula sa pupuntahan ko diba.

Hininto nila ako sa isang lugar. Nang maramdaman ko na binitawan na nila ako tinanggal ko na ang naka takip sa mata ko.

Nanlaki naman ang mata ko sa una kong nakita.

Will you be my girlfriend?

A-ano to?

Ginala ko ang mata ko at puro balloons ang nakita ko sa paligid hindi ko rin makita ang iba kong kasamahan.

Nagulat naman ako ng lumabas si Jimin don sa isang pinto at iba na ang suot niya. Kung kanina naka uniform siya, ngayon naka tuxedo na.

"Hi" nahihiya niyang panimula.

Dahan dahan siyang lumapit sakin dahilan kaya bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Nang hihina na rin ang dalawa kong tuhod.

"Mahigit isang taon na tayong mag kakilala. At isang taon na rin akong nag antay na mangyari to" dahil sa mga sinasabi niya nag flashback nanaman ang memories naming dalawa.

Sa pinto ng classroom. Unang araw na gumaan ang loob ko sa kanya. Panahong nag aasaran. Yung tinuturuan ko siya para maka pasa sa exam. At madami pa.

"Kaya ngayon Meir" inabot niya sakin ang hawak niyang bouquet.

Tinanggap ko naman yon kahit nagulat ako. Hindi ko napansin na may hawak pala siya.

Tinignan ko siya at napansing naka luhod na siya ngayon. Napa hawak naman ako sa bibig ko.

Hindi ko rin mapigilan na maluha. Dahil sa saya.

"Will you be my girlfriend?" pagka tanong niya sakin non tumango agad ako.

Niyapos niya ako ng mahigpit at ganon din ang ginawa ko sa kanya.

Ang saya! Ang saya saya ko!

"Mabuhay ang bagong mag jowa!" sigaw ng kaibigan namin.

Nag pakita na rin silang lahat pero hindi pa rin kami nabitaw sa pag yayakapan namin.

"Oh oh oh tama na yan" sita samin ni Kuya Jin.

"Hoy wag kang epal dyan hayaan mo muna makipag moment kapatid mo" sita naman sa kanya ni MJ.

Bumitaw na kaming dalwa sa pag kakayakap namin pero hindi kami nag hihiwalay.

Pinatong niya sa noo ko ang noo niya. Kahit naduduling ako pilit kong tinitignan ang mata niya.

"I love you" napa ngiti ako dahil sa sinabi niya.

"I love you too" sagot ko kaya hinalikan niya ang noo ko.

Kahit hindi ganon kaganda ang pinag daanan namin kung para kami talaga, para kami talaga.


AN: Taehyung's fanfic is out! Check my acc.

Gang » Park Jimin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon