Unti-unting lunurin ang aking nadarama
oh buhos ng ulan, wag ng tumila pa
Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa
Kung wala man pag-asa,
Turuan mo naman akong limutin ka🎶SB19 ang Tugtog ngayon saking phone, at on the way nako sa school ngayon dahil pasukan na naman at magkakasama-sama na naman kami ulit, namiss ko sila di kasi kami nag kausap masyado ng bakasyon eh ineenjoy namin maigi ang bakasyon.
Kanina pa pala ko nag kwekwento dito di man lang ako nagpapakilala ako nga pala si Jennie Graduating student :)
Naglalakad lang ako papuntang school kasi malapit lang naman ako saka sayang pamasahe pagsumakay pa ko pangkain ko nlang yung ipapamasahe ko busog pa ko hehehehe
"JEN hintayin mo ko" sigaw sakin ng tropa ko, kilala ko na kung sino yun kahit nakatalikod pa ko, sya lang naman kasi ang tropa ko na ganyan makasigaw.
Humito ako sa lakad ko at hinitay ko si Chelsy
"Aga mo ngayon ahh, bagong buhay ka ngayon?" Biro ko sa kanya."Nako ang aga kasi mang ginising ni mama eh maghahanap pa daw kasi ng room first day eh." Che
"Ano section mo Che?" Tanong ko, di ko pa kasi alam section ko eh sana magclassmate kami ni Che.
"Section C ako eh, ikaw ano section mo?" Che
" Di ko pa alam eh di ko pa nakikita eh, sana mag classmate tayo." Hiling ko kasi naman eh nasanay nako na lagi ko syang kasama eh.
Hinanap na namin ang room namin at nakakalungkot dahil di kami mag kasama section D ako :( Pero buti naman meron akong tropa na kasama dito sa section namin.
"Che maya nalang ulit ah sabay tayo sa break"
"Sige maya nalang bye" Che sabay wave pa ng kamay.
"Ito naman maka-bye kala mo layo natin sa isat-isa magkatabi lang naman tayo ng room" reklamo ko sa kanya, at nginitian nya lang ako at pumasok na kami sa kanya-kanyang room.
Pagpasok na pagpasok ko palang nakita ko na yung tropa ko at marami narin ang mga tao sa room namin. Buti nalang classmate ko yung ibang tropa ko kung hindi patay ako huhuhuhuhu.
"Jen dito ka upo" turo ni Arkie sa tabi nya. Dalawa lang kami sa tropa ko ang magkakasama dito sa Section D, Ako si Arkie at Lester. Parehong lalaki nasa ibang section yung iba namin tropa eh, pero okie na yun meron ako kasama dito :)
"Thank you" sabi ko kay Ark ng makaupo na ko
Ipinalibot ko ang tingin sa buong classroom at nakikita ko naman na puro familliar naman at pansin ko din meron iilang transferee."Jen musta bakasyon mo?" Tanong ni Lester
"Okie naman enjoy naman kasi buo kami lahat" sagot ko. Dahil sa enjoy gusto ko pa umexted ng bakasyon kaso di pwede may pasok na.
"Jen si ano nga pala si Daniell nga pala classmate namin dati" sabi ni Lester at nag hi naman sakin yung Daniell, classmate pala nila yun nung grade 8 di ko kasi sila classmate dati eh.
Kinawayan ko rin sya at binati, "Hi Jen nga pala let's be friend"
"Ahhh Daniell nga pala Dan nalang tawag mo sakin, nice to be friend with you :)"
Nang tumagal-tagal okie naman sya kausap kaya yun nag-usap usap na kami ng mga pinag gagawa namin ng bakasyon ng maya-maya dumating na yung teacher namin.
"GOODMORNING MA'AM" Bati ng buong classe.
"Goodmorning din" balik na bati ni ma'am, parang mukhang masungit si maam ah.
Nag didiscuss na si Ma'am ng mga rules and regulation niya sa classe ng meron biglang pumasok na late na classmate ata namin at naagaw nito ang atensyon ng lahat.
"Woah ang pogi nya" girl classmate 1
"Oo nga ang pogi nya mukha siyang kpop" girl classmate 2
"Transferee ata sya ngayon ko lang kasi sya nakita eh" girl classmate 3
"Swerte natin meron tayong classmate na pogi" girl classmate 4
At kung ano-ano pang bulungan ang narinig ko tungkol sa pumasok na classmate ata namin, pero parang familiar sya, parang nakita ko na sya ehh di ko lang matandaan
Isip-isip......... AH SYA
Naalala ko na kung san ko sya nakita sya yung nag tanong samin kanina ng direction papuntang library.
AUTHORS NOTE:
Thank you for reading my story, hope you like it and keep supporting it😊
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be
Short StoryMasaya ang magmahal lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo, pero madalas masmasakit magmahal lalo na pag walang bumalik na pag mamahal. (On Going Story)