Chapter 46

1K 30 0
                                    

ELAINE

"We're going back na po," sabi ko sa aking magulang nang makatapat kami sa pintuan. Natigilan naman ako nang bigla nila akong hinila upang hagkan. Napangiti ako sa kanilang ginawa ganoon din naman ginawa nila kay Sky habang kinamayan naman nila si Lucas.

"Thank you Mr and Mrs Torres for approving my proposal." Napakunot naman ako ng noo. Hindi ko din alam ano ang proposal na pinag-uusapan nila.

"No worries ijoh but can you stop calling us Mr and Mrs it's too formal you can call us Aunt and Uncle," nakangiting sabi ng aking magulang. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha ni Lucas. Bakas doon ang mga ngiti sa kaniyang labi dahilan upang gumaan ang loob ko.

"Sige po mauna na po kami mag-iingat po kayo dito," sabi ko sa kanila, marahan naman silang tumango at doon na kami tumalikod upang sasakay sa kotse.

"Wait anak hindi ka ba manlang magpapaalam kay Hannah?' tanong nila. Natigilan naman ako, oo nga pala hindi pa ako nakakapagpaalam sa babaeng iyon.

Magsasalita na sana ako nang matigilan kaming lahat nang marinig ang boses na kakapasok lang sa main gate.

"Waaahh wait for me!" Natatawa akong napailing.

"We're going to go back now Hannah," pagpapaalam ko, pero naguluhan ako ng bigla siyang ngumisi. Hindi ko ba alam lagi siyang ganyan mapagkakamalan ko nalang talaga siyang laging may balak na masama sa pagngisi niya na ganiyan.

"Hindi niyo na kaylangan magpaalam sakin, syempre sasama ako papuntang manila!" Napanganga ako, for sure hindi lang ako ang nagulat sa sinabi niya.

"Wait sinabi mo na ba ito sa magulang mo at ano ang nakain mo at gusto mong pumunta ng manila?" Tanong ni mom. Napatango naman ako para sumangayon sa tinanong niya.

"Well, yes po. Sinabi ko na po, pinayagan naman po ako I just want to take my vacation for a month," sabi niya tapos bigla naman siya naglakad palapit sa akin ramdam ko ang paglapit ng kaniyang bibig sa aking tenga, "at saka hindi naman ako mag-sstay sa bahay ng boss mo para na din hindi ako makaabala malay mo maging kayo na pala." Nanlaki ang aking mata sa aking narinig, tila ba ramdam ko ang pagiinit ng aking magkabilang pisngi.

"Hahahaha so let's go?!" Sabi niya bago siya tumakbo papuntang kotse niya. Napailing nalang kaming lahat bago kami kumaway sa kanila at tuluyang na kaming pumasok sa kotse ni Lucas.

Dahil nga sa hindi parin kami nag-uusap kalahati ng byahe walang umiimik si Sky naman ay nakatulog na sa back seat para kaming hindi pamilyar sa isat-isa sa lagay namin na ganito.

"S-sorry." Nagkatinginan kaming dalawa sa parehong binigkas ng aming mga bibig ngunit binalik din niya ang kaniyang tingin sa daanan.

"You go first," sabi ni Lucas. Napabuntong hininga ako parang noong narinig ko siyang magsalita biglang gustong umurong ng dila ko.

"Ano hindi ko din alam bakit kaylangan natin mag apologize, hindi naman sadya ang nangyari but it's still awkward. It make me feel uneasy," sabi ko habang nakayuko. Kasalukuyan ko na din nilalaro ang daliri ko.

"Im sorry— no I mean let's just forget about it." Sa pagkakataong ito inangat ko na aking tingin sa kaniya.

"Hmmm tama!" Sabi ko ng may sigla. Narinig ko naman siyang natawa ng bahagya. Magsasalita pa sana ako ng bigla ba namang akong pinagtaksilan ng tiyan ko dahil sa  tumunog ito ng malakas.

Nag-iinit ang magkabila kong pisngi gayun din ang aking tenga nang bigla akong nakarinig ng malakas na tawa mula sa katabi ko. Napatingin ako sa ibang direksyon habang kagat labi, nakakahiya talaga.

The Hidden Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon