A

2 1 0
                                    


It's a cold night of December and the Emergency Room is crowded with patients coming in from around the area. Magpapasko kaya dumarami ang kaso ng sugatan o naputulan ng parte ng katawan dahil sa pagpapaputok. During this season madalas mga bata ang pasyenteng dumarating but this time it's a different story. Nagbabasa ako ng libro sa loob ng aking opisina para sa isang case study nang bilang may kumatok sa pintuan ko, umawang ng kaunti ang pintuan at sumilip si Rhea, isang ER nurse.

"Excuse me Doc, kailangan po kayo sa ER, pinapatawag po kayo ni Doc. Nolasco" pagkasabi niya agad akong tumango at saka niya isinarado ang pintuan.

Kinuha ko ang stethoscope at coat bago lumabas papuntang ER.

Nadatnan ko sina Doc. Nolasco at ilang nurses na nagkakagulo sa isang ward ng ER. Meron ding mga kilalang tao ang nasa tabi na sa palagay ko'y pamilya ng pasyenteng nakahiga sa ward.

"Doc Ara, here" sabay kaway ni Doc Nolasco

Napatakbo ako palapit sa kanya dahil mukhang urgent ito.

"Fill me in Doc, ano pong problema" Sabay tingin ko sa pasyente. Took out my penlight and checked his eyes.

"According to the patient's family, they were having a dinner party at their garden nang bigla nalang daw natumba yung pasyente, they don't know what happened pero yung sugat ay sa ulo, I think it's a gunshot wound, Ara. If this will not be operated now, it will lead to sever brain injury or worst he might die here and now" derederetsong sabi ni Doc Nolasco.

"Call my team" baling ko sa isang Nurse na agad namang umalis. "Please prepare the operating room, we have a GSW patient" Sigaw ko sa mga nakatambay na nurse. "I'll take it from here Doc Nolasco" tumango siya at nagbigay daan para maialis ang pasyente at madala sa operating room.

Agad kong hinanap ang pamilya ng pasyente. Binigay saakin ng nurse ang chart ng pasyente kasabay ang consent form operation. Napatigil ako sa paglalakad nang mabasa ko ang pangalan ng pasyente. Deseo, Trenton Roano. I know him. He's the eldest son of Dr. Julius Deseo and Mrs. Lena Luisa Deseo. He's the son of the owner of this hospital.

Nag angat ako ng tingin, hindi parin makapaniwala dahil anak ng Presidente ng hospital na to ang pasyente ko. Nilapitan ko ang pamilya nila at kinausap ang mag asawa.

"Good Evening President Deseo and Mrs. Deseo, I'm Dra. Barbara Iara Tancredi, I will be your sons doctor sir, I just want you to sign this consent form operation, nasa operating room na po ang anak ninyo president" nag-aalalang binalingan ako ng mag-asawa. Kahit na sobra sobra ang hinagpis ng asawa ng presidente ay nakuha padin nitong maging desente and pormal sa harap ko.

Iniabot ko ang consent form kay president, tumango lang siya sabay kuha nito at pumirma habang ang kanyang asawa muling bumaling saakin.

"Dra. Please save my son" ani'to sabay mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Even when she's in tears, I can't find flaws in her beautiful face, sobrang ganda niya, she looks simple too but screaming of elegance and wealth.

Saka lang bumalik ang ulirat ko nang iabot ni president ang form. "Doc Tancredi, I am counting on you", tumango lang ako kay president at ngumiti sa kanyang asawa, yumuko ako ng bahagya bago umalis bilang simbolo ng respeto sa kanilang dalawa.

Habang naglalakad ako papuntang Operating Room, nakatanggap ako ng tawag mula kay Doc Nolasco.

"Hello, Doc?" bati ko sa kabilang linya

"We have a problem, Iara, the CT Scan results are out, it's bad, you need to see this" Napabilis ang lakad ko papuntang OR pagkasabi ni Doc Nolasco, sana hindi maapektuhan ang ibang nerves niya, mahirap ng maging komplikado ang lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Astrid's BattleWhere stories live. Discover now