Hear Me
by: Mia_CutieNo plagiarism please.
----
Hey there, can I pass a hundred times in front of you? Atleast that way you might notice me, that I exist.
- Rise Quiel Adranda
**
"Kyaaaaah! OMG ang Kisetsu!" sigaw ng mga taong nasa tabi ko. Nakikitili naman ako.
"Go Chase!" tili ko habang nagtatatalon. I'm so happy at pinayagan ako nila Kuya at Mommy na manuod, wala na rin nagawa si Daddy kundi pumayag na din. Yung isa ko naman kapatid ay wala naman pakielam sa mundo yon.
"Kyaaah! OMG ang hot Marco!" tili naman nung isang babae sa may left ko. Bigla naman nag-vibrate yung phone ko, agad ko naman itong sinagot habang nakatingin sa bandang nasa harap ko.
"Hello?" sigaw ko, malakas kasi masyado yung boses ng napakagwapong lalaking nakanta.
"Oh, nasa concert ka ni Chase?" tanong ni Syd, ang bestfriend ko.
"Oo, ikaw ba? Alipin pa din ni Van?" tanong ko, gaga kasi 'to. Ang tanga kasi.
"Ano ba.."
"'Wag mo akong ano ba ano ba-hin jan. Gaga ka naiistress ako sa'yo. Sige na at magfofocus muna ako sa Papa Chase ko." pagpapaalam ko sakanya, tumawa naman siya.
"Che, obsessed fan." sabi niya at agad na in-end ang call bago pa ako makakontra.
"Pakshit talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan. Panira ng buhay.." bulong ko ng may diin. I just heaved a deep sigh and looked at Chase. Sht ang gwapo talaga!
"KYAAAAAAH! CHASE I LOVE YOU!!" sigaw ko at napatingin naman siya, pero hindi sa akin. More like hinahanap niya ang sumigaw.
Pero agad din niya tinigilan ang paghahanap at nag-focus sa pagkanta. Ang gwapo niya talaga. Suplado nga lang. Psh. Ays lang, mahal ko naman eh. Hihi, kakilig.
Pagkatapos ng ilang oras, natapos nadin ang concert. Sht, nakakakilig siya eh. Alam niyo ginawa? Wala lang, his fingers ran through his hair lang naman. Haha! SHET KINIKILIG AKO.
Agad naman ako tumingin sa relos ko, nakita kong 11:30 PM na. Hanggang 12 naman ang paalam ko kina Daddy, kaso ang layo pa ng uwi ko. Uuwi na kaya ako or magpapapicture? Aish! Minsan lang 'to! Gora na!
"Chase!" tawag ko napatingin naman yung mga member niya at ngumiti.
"Bro eto na pala si Miss Ganda eh.." sabi ni Marco at ngumiti ng malapad.
Ngumiti nalang ako at agad kong hinarap si Chase, hinawakan ko yung balikat niya at linabas ang DSLR at iPhone 6 ko. Para parehas may souvenir haha.
"Chase pa picture naman. Please please? Pretty please?" sabi ko at nag-'yiee' naman sila Marco.
"Bro, papicture ka na. Ganda ganda ni Rai eh, tinatanggihan mo pa. Bading mo." binatukan naman siya ni Dane, agad naman nag-iba ang itsura ni Chase. Naku, galit nanaman 'to. Si Dane kasi eh!
"Tch, you're all a waste of time." sabi nito sabay alis.
"Woah, lalim ah. Anyways, pagpasensyahan mo na yun Rise. Gusto mo sa amin ka nalang magpa-picture?" pag-ooffer ni Ken. Tumango naman ako at ngumiti. Sa may iPhone na kami nag-picture gamit yung monopad. Nakakapanghinayang tuloy yung kay Chase. Hayst.
"Ayan, 'wag ka magalala Rise, mas gwapo pa kami don." sabi ni Danny at tumawa naman sila.
"Pero kahit naman mas gwapo tayo kay Chase. Si Chase padin naman ang mahal niyang si Rise. Tama ba?" makahulugang tanong ni Kaiske.