Prolouge

28 3 2
                                    

"Ma'am Fleur." anang ni Emilia, anak ng aming kasambahay.

"Sabi ko sayo Fleur nalang pag tayong dalawa lang." ani ko sabay irap. She chuckled.

"Nasanay lang naman, oo nga pala. May balita ako sayo!" masayang niyang tugon.

"Chismosa ka na pala ngayon ah." pangaasar ko.

"Bahala ka! Hindi ko na pala sasabihin sa'yo!" pagtatampo niya.

"Binibiro lang naman!" tawa ko.

"Tumigil ka na nga diyan! Eto na magkwekwento nako." panimula niya.

"Narinig ko, si Ma'am Felicia raw ikakasal na!"

"Si Ate Felly?!" gulat kong tanong.

"Oo! Ang gwapo ng fiancé niya!" kinikilig na anito.

"Hoy! Ang landi nito! Bakit ikaw unang nakaalam?!"

"Oy! Foul! Kaya di sinasabi sayo ang sama ng ugali mo!" pang-iinis niya.

"Luh, epal toh!" pangtataray ko.

"Di ka kasi maalam makichismis kaya di ka updated!" patuloy na pangaasar niya.

"Kelan kaya ako bibisitahin ni Ate Felly?" tanong ko sakanya.

"Siguro naman ngayong month? Siyempre ikakasal na siya eh!"

"Sana." malungkot na tugon ko.

Naputol ang aming munting paguusap nang tumunog ang aking cellphone na nakatapos sa higaan.

Lumapit ako at dinungaw kung sino ang tumawag at agad kong sinagot nang nakita kong si mommy yon.

"Hi mommy! Napatawag ka?" masaya kong sambit.

"Fleur, wag ka na munang uuwi sa bahay. Diyan ka na muna sa condo mo." malamig na tugon nito.

Naramdaman ko ang pagwala ng aking ngiti.

Palagi namang ganito, ako yung anak na hindi nila kailangan.

Huminga ako ng malalim.

"Pero mama, gusto kong makita si Ate Felly. Diba ikakasal na siya?" pagbabakasakali ko.

"Sumunod ka nalang! Kapag nakita ko miski anino mo, magsisisi ka!" napapikit ako sa hapdi ng kanyang mga salita.

"Sige po. Love you mom." saad ko at binabaan ako ng tawag.

Umupo ako sa higaan ng unti-unti kong nararamdaman ang pagtulo ng luha ko.

Umupo sa tabi ko si Emilia para ako'y patahanin.

"Magiging ayos din ang lahat Fleur." pagpapalakas loob niya.

"Sana, pero tanggap ko naman. Tanggap ko na hindi talaga ako mahal ng ina ko."

"Nandiyan naman si Felicia! Mahal na mahal ka nun!"

"Ay!" pagtigil ko sa pagdradrama ko at tumayo.

"Bakit?!" gulat na tanong ni Emilia.

"Tatawagan ko nga pala si ate!"

"Bruha ka! Padrama drama ka pa diyan!" inis na sabi ni Emilia na tinawanan ko lang.

Agad kong tinipa ang numero ni Ate Felly at tinawagan.

Ngunit imbes na boses ni Ate Felly ang sumagot, boses ng babaeng operator ang sumalubong sa'kin.

"Oh? Bakit nakakunot yang noo mo?" tanong ni Emilia.

"Hindi ako sinagot ni ate." Malungkot na sambit ko.

Euphoric State | Amour Aeternum #1Where stories live. Discover now