Prologue

7 0 1
                                    

Third person POV

"What will you do? Papatayin niyo ako?" Saad ng lalaking nakasalampak ngayon sa sahig habang nakangisi.

"Well, it depends on the situation" sagot ng isa sa apat na babaeng nakamaskara.

"Simple lang naman. Sagutin mo lang ng maayos ang tanong namin and then we'll let you live.

"How can I be sure na bubuhayin niyo ko" sagot nito ngunit hindi parin nawawala ang kanyang ngisi.

Itinutok naman ng isa sa apat na babae ang baril sa ulo ng lalaki.

"All we need is an answer an we'll let you go. Ano bang mahirap don" kalmadong sabi ng babaeng nakahawak ng baril at walang bakas na galit sa kanyang tono.

"Wala kayong makukuhang impormasyon sakin" sagot ng lalaki.

"Last chance" mapang asar na tono ng katabi ng babaeng may hawak na baril na tila kinakanta pa ang pagkakasabi nito.

"I told you. Wala akong sasabihin sa inyo, kahit ano pang gawin niyo" sagot nito.

"Oh is that so?" Sagot ng babaeng ngayon lang nagsalita. Nakakatakot ang pagkakasabi nito kahit sa kalmadong boses lang. Napakalamig ng kanyang boses

Pumalakpak naman ang isa at may pumasok na dalawang masculadong lalaki at hawak ang isa pang lalaki na walang malay.

Tumingin naman ang lalaking nakasalampak sa sa sahig sa dumating at nagulat ng makita kung sino ang lalaking hawak ng dalawang tauhan na masculado. Nakamaskara din ito tulad nga mga babae pero mas simple ang mga mascarang gamit ng mga ito.

"How did you get him?" Bakas ang takot at galit ang tono ng lalaki.

"So now you're scared" mapang-asar na sabi ng isa pero hindi na sumagot ang lalaki.

" Oww. That's why we are called legendary" sagot naman ng isa

"Let him go" saad ng lalaki na hindi ipinapakita ang kanyang takot.

"Then answer the question" sabi ng babae.

"Hindi ko alam kung sino, kung babae o lalaki. All we know is that person is powerful masyadong tago ang identidad niya kaya walang nakakaalam. Tanging ang mga nakakausap lang niya ay ang mga may matataas na posisyon pero ni isa sa kanila ay hindi rin alam kung ano ang itsura nito gumagamit din siya ng voice changer so how could we know kung sino, ilan o kung ano ang kasarian nila. Walang sinuman ang nagtangkang alamin pa ang mga bagay na iyon." Tumigil ito ng saglit at may kinuha sa kanyang bulsa hinintay naman ng apat na babae na ituloy nito ang kung ano man ang sasabihin niya. " Ang alam ko lang ay dito siya matatagpuan" at iniabot ang sobre sa apat na babae.

Binuksan naman nila ito.

"Philippines" nagkatinginan ang apat na babae na parang naguusap sila sa kanilanh isipan at tumango naman sila sa isa't isa.

Itinaas muli ng isang babae ang kanyang baril at itinutok sa ulo ng lalaki.

"You're going to kill me." Saad nito na walang halong bakas ng takot sa kung anong mangyayari sa kanya.

"We will. We're not satisfied with that answer." Sagot naman nila.

"Just let my brother live" saad nito na parang namamaalam na, na parang handa na itong sumakabilang buhay.

"We'll let him go" paninigurado naman ng babae na puro maiikli lang ang sinasabi.

"Okay. I'll trust you for that" saad nung lalaki. At hinintay na ang pagputok ng baril.

---------

Lumabas na ang mga babae at may sumalubong sa kanila.

"You know what to do" tumango naman ito at sinignalan ang mga kasamahan nila na linisin na ang silid na iyon.

"Ibalik niyo siya kung saan niyo siya kinuha" saad naman nga isa sa dalawang maskuladong lalaki na nakahawak sa lalaking kanina pang walang malay.

Tumango naman ang mga ito at umalis na sa harapan ng apat na babae.

"We really are gonna let him go?" Tanong ng isa.

" Yes, he doesn't have anything to to about this" sagot ng isa sa kanila.

Tumango lang ito bilang sagot.

~ryelies

Cursed RoyalsWhere stories live. Discover now