Chapter Eight

276 12 3
                                    

HINAYAAN lang ni Czarina ang camera crew at ang ad team niya na magmando sa pictorial ni Kaizen para sa Rapture. Kasalukuyan silang nasa fourteenth floor ng Alonzo Towers sa mismong condo unit ni Kaizen. Hindi niya alam na nakipag-coordinate pala ang manager nitong si Ate Lily sa isang ad team staff niya na doon ganapin ang Rapture pictorial.

Malaki ang condo unit ni Kaizen pero pakiramdam niya'y napakaliit niyon para sa kanila lalo na't maraming tao ang dumalo at nakinood sa pictorial nito. Naroon ang asawa ng may-ari ng Alonzo Towers na si Xanthia na co-writer pala ng best friend niyang si Cyrene na naroon din. Hindi pumayag si Cyrene na hindi ito sumama sa kanya roon dahil gusto nitong mapanood ang pictorial ni Kaizen. Wala namang ginawa sina Cyrene at Xanthia kundi ang asarin siya idagdag pa ang presensiya ni Sir Santi at Ate Lily.

Kaya pakiramdam niya'y matatapos ang pictorial na iyon na kulay kamatis na siya dahil hindi niya mapigilan ang pamumula ng kanyang mukha.

Sa kitchen area nagpo-photoshoot sina Kaizen ngayon dahil ang hobby nito ay pagluluto. Kaninang inaayusan ito ng wardrobe assistant at make-up artist ng Rapture ay nakita niya ang suot nito. Boxer briefs at toque lang ang suot nito. He just sported his rock-hard abs and that awesome behind of his. Not to mention, his big—toot!

I won't go there. Shit! Maybe it's not a good idea to be here, aniya sa sarili.

Kung dati-rati'y nae-enjoy niya ang ganitong Rapture ad pictorial, hindi na ngayon—naiilang kasi siyang makita si Kaizen sa ganoong ayos. She wasn't at ease thinking that Kaizen only wears underwear. Mahirap pala kapag may romantiko kang nararamdaman sa modelo na tinatrabaho mo. Nadedemonyo siyang titigan ang katawan nito dahilan para mag-init ang katawan niya. At natatakot siyang baka kung saan pa iyon mapunta.

"Nage-gets ko na kung bakit bigla ka na lang na-in love sa kanya, best friend. Kung ganyan ba naman ka-hot ang araw-araw na mangungulit sa'yo, eh bakit hindi," pabulong na sabi sa kanya ni Cyrene pero may kalakasan naman iyon dahilan para mapatingin sa kanila si Xanthia. Nakaupo silang tatlo sa malaking sofa ni Kaizen sa may sala.

"Uuy, hero material kaya siya. Gusto mong gawan ko kayo ng istorya?" tanong sa kanya ni Xanthia.

"Sorry ka na lang, Ate Xan. Ako ang best friend kaya sa'kin ang story nila," sabi naman ni Cyrene.

"Tumigil nga kayong dalawa. Malabo naman ang love story namin eh. Kaya 'wag n'yo nang pag-interesan," aniya sa mga ito.

"Malabo? Bakit malabo?" naiintrigang tanong ni Xanthia.

"Sorry ka, Ate Xan. Nakuha ko na ang buong scoop sa kanilang dalawa. Sa'kin na officially ang love story nilang dalawa," eksaheradang sabi ni Cyrene.

"Madaya ka. Wala bang bidding dito?" hirit pa ni Xanthia.

"Tumigil nga kayo. Ni hindi nga ako pinapansin ni Kaizen eh," napu-frustrate na sabi niya sa mga ito.

She's really totally frustrated. Pagkarating niya sa Alonzo Towers kanina at makita siya ni Kaizen ay hindi man lang siya nito nagawang batiin kahit na wala pa naman itong ginagawa. Samantalang ang ibang tao'y todo pansin nito. Para bang hindi sila magkakilala kung makaasta ito. Para bang wala silang pinagsamahan.

Well, what you had was a fake relationship, anyway. What do you expect? anang isang bahagi ng isipan niya.

"'Ayan, Kaizen. Nagreklamo na. Hindi mo daw pinapansin," anang tinig ni Ate Lily sa likuran nila. Pagkalingon niya rito'y nakita niya si Ate Lily katabi sina Sir Santi, ang make-up artist na si Akie, ang photographer na si Kirby at si Kaizen na pawang mga nakatingin sa kanya.

Oh, shit!

"Tapos na kayo? Pwede na tayong mag-pack up?" palusot na tanong niya sa mga ito—trying to maintain her composure even if she was now about to crumble on her feet. Kaizen's gaze was on hers but she couldn't read what's running on his mind.

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon