His Heart Can Never Be Mine

189 7 10
  • Dedicated kay margareth presco
                                    

Oneshot lang itong story na ito para sa baliw kong kaibigan na si Marge...Hahahaha ^_^

----> cupidcaller ^.^

Kaibigan. Yan ang turing namin sa isa't isa. Lahat ng espesyal na pangyayari sa buhay ko ay kasama ko sya at ganun din naman ako sa kanya. Lahat ng sikreto ko alam nya. Pero may isang bagay pa akong hindi ipinapaalam sa kanya. Hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko pa ito sa kanya. Natatakot akong magbago yung samahan namin. Natatakot akong layuan nya ako. Natatakot ako...natatakot ako na mawala sya sa akin...kasi nga magkaibigan kami. Kahit na magkaibigan lang kami.

I'm Margareth Bautista, 17 years old. My close friends use to call me ' Marge '. May isang taong tumatawag sa akin ng ' Maggy ', si Philip Sylverio. Philip was my bestfriend. Sanggang dikit kami. Lahat ng meron sya ay isinishare nya sa akin at ganun din naman ako. Daig pa nga namin ang magkapatid eh. But I hate to think na para kaming magkapatid. Ayoko syang maging kapatid. Tama...hindi ko sya gustong maging kapatid hindi dahil sa ayoko sa kanya. Ang totoo kasi nyan...gusto ko sya. Gustong-gusto ko talaga sya. Teka mali...it should be mahal ko sya. MAHAL NA MAHAL KO SYA MATAGAL NA. But it seems na hindi nya yun napapansin.

Manhid sya... :'(

Alam mo yung feeling na nagagawa nyang magkwento sayo about sa mga girls na gusto nya, sa mga niligawan at nililigawan nya, sa mga naging ex at girlfriend nya...at sakit kaya nun.

Heto naman ako...parang tanga lang na nakikinig sa kanya kahit nasasaktan. Nagbibigay pa nga akong comment at suggestion minsan eh. O diba, dakilang bestfriend ako. hahaha. Hindi nya lang alam na pag pinupuri nya sa harap ko yung mga babae eh sinisiraan ko naman sila sa utak ko. hahaha. Hinahanapan ko talaga sila ng butas. Well, yun lang naman ang magagawa ko diba?

" MAGGY! " Philip na kinaway-kaway pa yung hands nya sa harap ng mukha ko.

" Oh? "

Nasa study area kami sa school namin since lunch break ngayon. Magkaharap kami at kanina pa syang kwento ng kwento. Ewan ko ba kung ano yung kinukwento nya. Siguro yung nililigawan nyang transferee. Hindi naman ako nakikinig eh. I don't care.

" PMS ka ata ngayon eh. Kanina pa ako nagsasalita dito di ka naman nakikinig " Philip na nag-crossed arms. Ang cute nya, parang bata.

" Siguro nga. Ano nga ulet yung sinasabi mo? " ako na umubob.

" Sabi ko, mahal ko na ata talaga si Jeane. Alam mo yung feeling na parang ayaw mo ng malayo sa kanya? Tapos araw-araw sya lang yun iniisip mo kahit bago ka matulog? "

OO, alam ko yun. Alam na alam ko yun. Yun yung feeling na nafifeel ko sayo eh pero hindi mo ata nafifeel yung nafifeel ko. Ang gulo ko.Siguro may difference kasi kung napapa-smile ka pag nafifeel mo yun, ako naiiyak.

" Ui Maggy! Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit ka ba kasi nakaubob? " Philip na kinulbit ako sa may balikat.

Umiling ako.

Nakaubob ako kasi ayokong makita nya yung pangingilid ng luha ko. Hindi ko mapigilan eh. Maskit kaya, try nyo.

Hindi na sya nagsalita pa. Ang sama ata ng ginawa ko sa kanya. Kinakausap nya ako ng maayos tapos ganito ako. tsk.

" Maggy...punta na ako sa room ko, time na eh. Ikaw din pumasok na. Ahm...pero kung masama talaga ang pakiramdam mo magpa-excuse ka na lang okey? Hwag mong pilitin kung hindi mo na kaya. Sige bye "

Hwag mong pilitin kung hindi mo na kaya...

Hwag mong pilitin kung hindi mo na kaya...

Hwag mong pilitin kung hindi mo na kaya...

His Heart Can Never Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon