BAKIT?

8 3 0
                                    

                 

"BAKIT?"

Tanong na gusto kong mabigyan ng kasagutan.

Kasagutan na ipapamukha sa akin kung ano ang katutuhanan.

Katutuhanan na mahirap tanggapin at paniwalaan.

Paniwalaan na kung saan ay may bahid ding kasinungalingan.

Kasinungalingan na sana'y akin ng pinanindigan.

Pinanindigan sana para ako'y di nasaktan.

Nasaktan na ngayon ay patuloy ko paring nararamdaman.

Nararamdaman ang sakit na ako'y tuluyan ng iniwanan.

Iniwanan ng isang matalik kong kaibigan.

Kaibigan na nakapagbigay sa akin ng inspirasyon at kasiyahan.

Kasiyahan na kalaunan ay napalitan ng kalungkutan.

Kalungkutan na hinding-hindi ko makakalimutan.

Makakalimutan ang mga masasaya at masasalimoot na karanasan.

Karanasan na siyang nagbigay o nagpaisip sa akin ng isang katanungan.

"BAKIT?"

Poetry CompilationWhere stories live. Discover now