Maliwanag ang sinag ng buwan,mga kumikislap na bituin mula sa kalangitan,pinagmamasdan ng dalagang binibini sa bintanang kanyang silid aralan ,habang ito ay may malawak na ngiti sa kanyang labi.
Ang dalawang malaking tala na kumikislap sa kalangitan ay nagsisimbolo sa kanyang magulang,ang bangungunot na gusto nang kalimutan mula noon ay hindi parin magawa mula ngayon.
Ang malawak na ngit ng dalagang binibini ay bigla na lamang humupa at napalitan ng kalungkutan,mga luhang matagal ng gustong ilabas ay nagawa na,pumatak ang mga ito sa madilim na silid kung saan sya'y naroon.
"Binibini,bakit ka nag-iisa riyan?"Isang maamong boses ay bigla nagsalita at muling napalingon ang binibini dito.
"Alejandro?"banggit ng dalaga sa binata,bigla itong napatayo sa kanyang inuupuan,at kumaripas ng takbo sa binata sabay yakap ng mahigpit.
"may masama ba Maria?"Tanong ng binata at ang dalaga ay muling bumitaw sa pagkakayakap.
Pinagmasdan nito ang matangos na ilong,kumikinang na mga mata.mapulang labi,at ang maamo nitong mukha.
"Ang insidenteng matagal ko nang gustong kalimutan ay naririto paren"sabi ng dalaga sa binata at muling turo sa dibdib nya,muling huminga ng malalim ang binata sabay hipo sa mahabang buho ng dalaga.
"Magpahinga kana Maria,baka kung mapano ka nanaman"pag-aalala ng binata sa dalaga at muling sumang-ayon ito at ngumiti.
Mahirap man kalimutan ang mapait na nakaraan,ngunit kailangan mong lumaban para sa iyong kapakanan.
Sa isip ng binata ay kaya parin ngumiti ng dalaga kahit may bitbit itong mabibigat na porblema.
"tanong ko lamang Maria,bakit mo naisipan na dito magtagal sapagkat mayroon ka namang sariling silid,hindi ba?"Tanong ng binata sa dalaga at ngumiti muna ang dalaga bago sumagot.
"dahil ito ang huling lugar noong nakasama kopa si Ina sakanyang pagtuturo dito sa silid na ito,at si Ama naman ay pagkatapos ng klase kami'y hinihintay dito,napaka halaga paren nitong lugar na ito kahit matagal na panahon ang lumipas"Sabi ng Dalaga at muling naalala ang nakaraan na hindi na mababalik ngayon.
"mapapait at mabibigat ang iyong nakaraan pero nagagawa mo paring ngumiti,Maria"Ngumiti ang dalaga ng malawak sa binata,at ngumiti ren ang binata sa dalaga.
"Kahit gaano pa kahirap,kapait,mabigat ang iyong nakaraan wag mo paring kalimutang nguimiti at kailangan moren lumaban at maging matapang"Sabi ng dalaga sa binata.
"Ayan ang gusto ko sayo Maria,Matapang,Masiyahin,at Malakas,hindi hamak na kaya pala ang mga iyong pangalan ay nagsisimula sa letrang M"Sabi ng binata sa Dalaga at muling natawa sila sa isat-isa.
Maria Montefalco...
Ang mga ngiti mo'y hindi mababayaran,sapagkat parang isang halaman,lumalaban para muling mamuhayan,at labanan ang mga pagsubok sa kabuhayan.
Kinabukasan,sa isang bayan,naghahanda ang mga ma-mamayan,para sa isang kasiyahan,at bulwagan.
Ang dalaga ay muling bumangon ngunit ito ay biglang may naramdaman sa kanyang dibdib.
naninikip at masakit.
Muling napa-upo at umubo ng madaming beses,nakakakilabot na pangyayari ang nasaksihan ng kanyang sarili.
Sa bawat ubo na gawin nya ay may mga lumalbas na dugo,kumaripas sya ng takbo mula sa banyo.
Pinagmasdan ang sarili sa salamin,namumutlang kutis na para bang mukang harina,nanghihinang katawan,na hindi makayanan.
Mabigat na katawan,bumibigat na paningin,hindi makayanang pakiramdam,nabalot ng kadiliman,ang kanyang muling paningin.
Namulat sa isang maliwanag na silid,humihikbing ingay mula sa tabi nya ang narinig,pinagmasdan ang lugar,nasaksihan ang isang binata na nakayuko at hawak-hawak ang kanyang kamay na tila ba parang nagdadasal.
"Maria,kumusta kana?teka tatawagin ko ang doktor"sabi ng binata at umiling sya dahil hindi sya maayos lumabas pamandalian ang binata para tawagin ang doktor at maya-maya nakabalik na ito.
"Ano bang nanyare?Maria,pinag-alala mo ako ng dalawang araw"sabi ng binata nasi Alejandro kay binibining Maria.
"hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman at sa tingin ko'y ito ay ang sakit ko sa baga"Sabi ni Maria at napa-tango ang binata at naintindihan nya ang karamdaman ni Maira.
Biglang bumungad sa kanya ang Doktor mula sa pintuan ng silid na ito.
"Ikinalulungkot kong sabihin ito Alejandro,kung noo'y ayos ang pakiramdam nya at nang patagal ng patagal ang sakit ay palala ng palala at kakaunti lang ang tyansa ng buhay ng pasyente"sabi ng doktor ng ikinagulat ng dalawa,at alam naman niMaria na manyayari ito hindi mapakali ang binata at ito ay natataranta at natatakot.
"pwede pa namang magamot ang sakit nya hindi ba?"sabi ng Binata at muling nagmamakaawa na gamutin ang pinaka mamahal nyang dalaga sa mundo.
"Ikinalulungkot ko na sabihin na mukang wala pang gamot sa sakit nya sa ngayong panahon"sabi ng doktor at biglang tumulo ang mga luha ng binata.
''Gawin nyo ang lahat ng makakaya nyo nagmamakaawa ako sainyo,ibibigay ko lahat mapagaling nyo lang sya"pagmamakaawa ng binata sa doktor hinawakan ng dalaga ang kamay ng binata para huminahon.
"hindi ko po maipapangako,Alejandro,at gagawin namin ang lahat"sabi ng doktor sa binata at tila may mga luha paring tumutulo sa mata nito.
"Alejandro"Mahinang banggit ng dalaga sa binata na tila ba nanghihina at nahihirapan ito.
"hindi mo dapat aksayahin ang iyong yaman s-sakin sapagkat a-alam ko sa s-sarili ko ang t-tamang panahon saking b-buhay"sabi ng dalaga sa binata at umiiling ang binata sa dalaga na wag syang sumuko at lumaban lamang.
lumapit ang binata sa kanaya namay masasakit at malulungkot na ngiti sa labi nito.
"wag kang mawalan ng pag-asa hindi iyan ang Maria-ng alam ko"Sabi ng binata sa dalaga na tila may mga luha narin na tumutulo sa dalaga.
"pilit akong lumalaban matagal na pero alam ko na may taning naren ang buhay ko"sabi ng dalaga sa binata at muling hinawakan nito ang pisnge sabay ngiti.
Alam ng dalaga na ito na ang takdang oras nito,kahit gusto man nyang labanan at mamuhayan pa ng matagal kasama ang binata hindi na nya ito magagawa pa.
nanghihinang katawan,umiikling hininga,naninikip na dibdib,paunting unti nawawalan ng malay.
Muling hinarap ng binata ang dalaga,muling huling pinagmasdan ang mapungay na mata at mapatangos na ilong nito at ang maamong mukha nito.
Muling inilapit ng binata ang kanyang mukha sa dalaga at ngumiti at maya-maya naglapat ang kanilang mga labi sa isat-isa.
"Alejandro Adrielle Asuncion,Mahal k-kita"banggit ng dalaga sa binata at sabay ngiti.
"m-mahal na mahal ren kita Maria MOntefalco"banggit ng binata sa dalaga at sabay ngiti sa isat-isa.
Masakit man para sa kanilang dalawa,pero nakatadhana ito sa kanila,muling ipinikit ng dalaga ang kanyang mata,at sa pagpikit nito ay may kasamang huling luha na tumulo sa mata nito at dito na natapos ang buhay nya.
HUling ngiting nasilayan,huling unang halik at huling unang pagbigkas sa isat-isa na 'mahal kita'.
Sa araw na iyon at natapos ng binatang si Alejandro ang buhay nya gamit ang tumalon ito sa ilog malapit sa ospital na kung saan si Maria ay pumanaw na.
Ang kwento ng isang araw na pagmamahalan nila ay buhay paren hanggang ngayon sa bayan ng Asuncion.
Ang yaman ng Asuncion ay naroon paren hanggang ngayon,at pati ang masasayang-malulungkot na memorya ay nananatili paren.
At dito nagtatapos ang isang araw at huli nilang pagmamahalan sa isat-isa at nananatili paren ito muli sa hinaharap,lumipas man ang maraming araw,buwan at taon ang pagmamahalan nila buhay paren hanggang ngayon.
-The End-
BINABASA MO ANG
-Ngiti- [oneshot story]
Short StoryAng ngiti ng pagmamahalan nila na hindi kumukupas kahit sa hinaharap ito'y buhay paren. don't forget to vote and follow me thank you~