"Alam mo ba yung mahirap?" He asked.
I finished eating my fries and drink some ice tea before I replied, "ano?"
He sighed. Nilingon ko siya sa tabi ko, "ano nga? May problema ka ba?"
He shakes his head and smiles oddly. "Wala. Ang hirap lang kasi pag may gusto ka sa kaibigan mo."
"Ay wait! Baka nandito na si kuya Ben", bigla kong bulalas ng maramdaman ang pag vibrate ng phone ko. I apologetically face him again, "sorry I have to go. Ano nga ulit sinabi mo?"
"Wala yun. Ingat ka!" Sagot niya at tipid na ngumiti.
We both wave each other goodbye and pretend like I really heard nothing just as he didn't really said anything.
Ang hirap lang kasi pag may gusto ka sa kaibigan mo.
Yes. Narinig ko ang sinabi niya. Crystal clear.
Paulit-ulit na nag-eecho sa isip ko ang sinabi niya habang nasa byahe ako pauwi.
Ngumuso ako. Parang naiisip ko na kung sino ang bagong gusto ni JD. May nak-kwento siya sakin na bagong naging kaibigan. Si Lyka ba yun?
Ito talagang best friend ko lagi ako ang pinagpa-praktisan kapag aamin na sa nagugustuhan niyang babae. Pasaway talaga. Napapailing na lang ako habang naaalala yung nakakatawang pangyayari noong summer outing namin sa Siargao.
Last summer pinayagan akong magbakasyon sa Siagao Island sa Surigao pero ang rule ng parents ko ay may atleast isa akong kasama. Dahil almost 6 years ko nang best friend si JD ay siya ang sinama ko at alam ko rin na malaki ang tiwala ng parents ko sa kanya. I told him that he can bring someone with us but he refused. So only the of us explore the paradise like island.
"Tara doon tayo sa dulo. Sunset na..." excited kong sabi kay JD habang tumatakbo sa wooden bridge ng tinutuluyan naming resort.
"Wait lang naman Dan", awat niya sakin pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo.
"Ang ganda pa rin!" I exclaimed out of amusement kahit nahihingal nung maabot ang dulo. Tatlong araw na kami dito pero namamangha pa din ako sa ganda ng kulay kahel na kalangitan kasabay ng paglubog ng araw. Ang fresh pa ng hangin.
"Iniwan mo na naman ako Danica. I hate you." Hinihingal din na sambit ng kakarating lang na si JD. I just laughed without looking at him, my focused is on the camera looking for the perfect shot.
"Ang ganda. I like it." Bulalas ko ng makuha ang tamang angulo.
"Siya ang maganda oh! I love you!"
Natawa ako ng marinig yung sigaw niya tsaka hinampas siya. "Ano may nakita ka na namang magandang foreigner?"
Kumibit balikat siya, "wala ah. Tayong dalawa lang naman nandito."
Ngumuso ako, "aysus! Jack Daniel kilala kita."
"Ako nga mahal kita." He talk back.
Natigilan ako. Tinignan ko siya ng seryoso at nagtitigan kami ng ilang segundo bago sabay na humagalpak ng tawa. "Sira ka talaga!" I shouted in between laughs.
"Sorry." He said still laughing. "Hindi ko kasi alam kung paano poporma sa magandang British na ka-hotel natin. Tulungan mo nga ako."
~The weekend quickly passed by. I got myself busy with baking cookies that I already forgot what happened last Friday. It don't really matter though.
JD and I still shared messages over the weekend just like the old times. Walang nagbago tulad pa din kami ng dati since high school. Kahit walang pasok pero magkausap pa rin about random stuffs.
Monday comes and my schedule was full until 3 o'clock in the afternoon. After my last class in Humanity, I waited JD in the cafeteria. Nagtext siya kanina na hintayin ko daw siya. His last class is 4pm.
Because JD is a friendly person, he is surrounded with lots of friends while an introvert like me got nothing but him. May mga ka close naman ako sa mga ka-block ko pero JD remains my only very best friend.
Ayan na pala siya. Nakikita ko nang papasok ng cafeteria. Speaking of the devil talaga.
"Danny... thank you sa paghintay." Bungad nito sakin. He calls me 'Danny' kapag alam niyang naagrabyado niya ako.
"Maliit na bagay. Lilibre mo naman ako diba?" Biro ko.
"Oo naman. Tara..." Anyaya niya sa'kin. Kinuha niya na ang ilang libro ko sa mesa kaya tumayo na ako.
Naglakad na kami patungo sa paborito naming fast food chain sa labas ng university. As usual, we both ordered burger with fries and iced tea.
Agad kong nilantakan ang fries pagkalapag niya ng mga inorder namin sa mesa.
"Thanks dito ah." I said smilling. Tinotohanan niya kasi yung biro ko na ilibre ako.
"Aysus. Kaya nga tayo naging magkaibigan dati kasi lagi mo akong binibigyan ng merienda noong high school." Kwento niya habang nangingiti-ngiti.
Tinignan ko siya ng masama, "So kinaibigan mo pala ako kasi binibigyan kita lagi ng pagkain?"
"Hindi ah!"
"E ano?" Tanong ko.
Nilunok muna niya ang kinakain na burger at uminom ng iced tea bago sumagot. "Kasi mabait ka at gusto kita maging kaibigan."
"Talaga ba?" I smiled satisfied with what I've heard. May bigla akong naalala bigla. "Maiba tayo. May nililigawan ka na naman noh?" Pag-uusisa ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya, "huh? Why are you asking me that?"
"I remember your story about... Lyka?" I teased him. Kunwari pa kasi to. E kilala ko na mga galawan niya.
He chuckled. "Ano? Hindi ko siya gusto."
"Promise." He added raising his right hand like taking a pledge upon seeing my right brow raised. "Gusto mo malaman kung sino ang gusto ko?"
I nod while busy thinking who could it be. Karen from his block? Si Gina kaya?
"I-ikaw." Nanginginig ang boses niyang sambit. "Ikaw ang gusto ko Danica."
To be continued...
YOU ARE READING
The Secret Formula of Staying In Love (On-going)
RomanceA story of best friends turned into lovers and how they will stay in love amidst problems and conflicts. ~ abbyrhae 2020