Kabanata 1

2 0 0
                                    

I raised a brow at him. "Tigilan mo ako Jack Daniel!" Saway ko sa kanya.

He averted his gaze from me. Huminga ng malalim at yumuko. "Sorry."

The tension between us drop quickly. Napalitan ang inis ko ng pag-aalala. It seems like he has really a problem.

"Bakit ka nagso-sorry? Okay ka lang ba? May problema ka ba?" Worried kong tanong sa kanya. Dahil katabi ko lang siya, hinagod ko ang likod niya ng aking kamay.

Ilang minuto itong nakayuko at hindi nagsalita.

Mas lalo lang ako nag-alala. I know very well that this vibrant guy may look unproblematic always on the outside yet occasionally broken inside. "Uy! Jacky..."

"Okay lang ako. Kain na tayo." Sambit nito bago ang isa uling malalim na hininga. He faced me smiling that didn't reflect on his chinky eyes. They obviously look sad.

"No. You don't look okay." I blurted out.

"Tapusin muna natin 'to." Turo niya sa pagkain at kumagat ulit sa kanyang burger.

Tumango ako at pinagpatuloy din ang pagkain. Mabagal akong kumain kasi nasanay akong nguyain ng mabuti ang pagkain bago ito lunukin pero ngayon binilisan ko. I badly want to help my best friend in whatever problem his into. Although may idea na ako.

Mabilis na naubos ang fries at burger namin pareho.

"So. We're done." Turo ko sa mesa na puro balot na lang ng kinain namin kanina. "Magkwento ka na. Wag madaya." Ngumiti din ako para kahit papaano sumaya ang atmosphere namin.

"Bukas na lang. Malapit na dumating si kuya Ben. Sinabi mo bang nandito tayo?" Nakangiti niyang sabi kahit nakita ang pag simangot ng mukha ko.

Kinuha ko ang aking cellphone. "I'll text him. Mag taxi na lang ako pauwi."

"Wag na. May bukas pa naman e." Pagpigil niya sa gagawin ko.

"Ang daya mo talaga." Simangot ko sa kanya. "Hindi ako makakatulog nito dahil alam kong hindi okay ang best friend ko. Sabihin mo na kasi ngayon." I added to urge him to talk.

Napakamot ito sa ulo. I know he thinks that I am not giving up yet. Tumayo siya sabay sabing, "tara."

I crossed my hands still sitting. "No. Magkwento ka muna." Pagmamatigas ko.

He laughed. "Look. Punuan oh. Alis na tayo dito dahil marami pang kakain."

Sinundan ko ang tingin niya. Tumayo na ako ng napagtantong tama nga siya. Nakakahiya nga naman sa mga walang maupuan kung dito pa kami magkwentuhan.

~

Bumalik kami sa university kahit malapit nang mag 6 pm. Nagpaalam din ako sa bahay na kasama ko si JD at male-late ako ng uwi.

Napili naming tumambay sa isang bench kung saan tanaw ang soccer field na may nagpa-practice na mga varsity players.

"Game." Sabi ko ng makaupo na kami.

"Soccer or basketball?" Tanong nito habang nakatingin sa soccer field.

I rolled my eyes at him even though he isn't looking at me. "Wag ka nga. Sabi ko magkwento ka na."

Nahimigan niya siguro ang inis sa boses ko kaya sinulyapan niya ako tapos umiling-iling. "Hindi ka talaga titigil no? Wala nga akong problema." He faced me now smiling and say "I promise!"

"Jack Daniel!" Tawag ko sa kanya na may halong pagbabanta. Hinampas ko din ang balikat niya.

Tinigil niya ang pagnood sa mga naglalaro at hinarap ako. "Will you believe me?" Seryoso ang mukha niya at nanghahamon. Ang lalim din ng tigtig ng kanyang mga singkit na mata sakin.

Kinabahan ako sa titig niya. But my curiosity will gonna kill me. "Oo naman." Sambit ko na may kasama pang tango. Pero sa loob ko, nag-aalangan na ako.

Umusog siya sakin at ngayon wala ng ispasyo sa pagitan namin. I didn't mind though. May feeling ako na isang sekreto ang sasabihin niya sakin. Seryoso pa rin siyang nakatingin sakin at hindi ko mabasa ang kanyang mga mata.

"I love you Danica Jasmine Medina." Sabi niya habang nakatitig pa din.

Napaawang ang bibig ko sa gulat pero naisip ko na nanggo-good time na naman 'to. "Of course I love you my only best friend, Jack Daniel Montenegro."

But in a blink of an eye, he kissed me on the lips and I freeze.

Saglit lang na dumampi ang labi niya sa labi ko pero feeling ko halos umakyat ang dugo ko sa mukha ko. My heart is beating loudly and I honestly don't know what to do.

"You are my problem Dan. I love you not as my best friend. I love you so much and I always want to be your boyfriend. Pero lagi ako pinapangunahan ng kaba na umamin." Sunod sunod niyang sabi. "Ilang beses Dan, I tried confessing to you but hell, you take it always as a joke. Ang dami kong binigay na signs pero hindi ko alam kung manhid ka ba or what" Sa dami ng sinabi niya halos wala akong maintindihan.

"S-stop." I cut him. Nanginginig ang boses ko sa sobrang emosyon na nararamdaman.

Hinawakan niya ang kamay ko pero kinuha ko ang kamay ko. Umusog din ako palayo sa kanya.

"No Dan. Ang tagal kong tinago 'to. Akala mo ba hindi mahirap na tinatago kong mahal kita?" Saad niya. I looked away, I can't take looking at him.

"Kelan pa?" I asked.

"5 years ago." He told. "When I was hospitalized because of my stupidity. Hindi mo ko iniwan nun. You take good care of me until I feel better that I realized you're my ideal girl. I have a feeling na crush mo din ako e." He is slightly laughing now.

I raised a brow and faced him. "After seeing your pale face, knowing your dirty secrets, witnessing your embarrassing moments, and others epic things? Dream on Jack Daniel! You're not my crush."

"Aray ko." Sabi niya sabay hawak sa dibdib niya. "But you love me right? And I'm you're first kiss." Ngumisi siya at kinindatan pa ako.

Remembering what he did, I got furious again. I picked up my bag and walked away from him.

Tinawag niya ako pero tumakbo ako at hindi na lumingon. I'm embarrassed and I hate him. Don't he dare come near me again!

I was approaching the gate of the university when someone grab my hand.

"D-Danny, wait!" Si JD at hinihingal. Bitbit niya din ang mga libro ko.

Tumigil ako sa pagtakbo at huminga ng malalim. Tagatak din ang pawis ko sa halos isang kilometrong distansiya na tinakbo. Nang mapagtanto kong hawak niya ang kamay ko ay tinulak ko siya palayo.

I looked at my wrist watch only to find it's already 7pm. "Uuwi na ko." Malamig kong sabi.

"Uuwi na nga tayo. Iuuwi na kita." Sabi niya at nag-abang ng taxi.

"I can go home alone." I retort. Lalo lang ako nainis sa sinabi niya.

Nilingon niya ako, "mula ngayon, ihahatid na kita pauwi dahil liligawan na kita. Let's go I just found the taxi."

To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Secret Formula of Staying In Love (On-going) Where stories live. Discover now