Taong 1872 sa bayan ng San Isidro, isang malaking kaguluhan ang gumulantang sa mga mamayanin. Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ang sigaw ng mga tao. Isang malaking sunog ang unti-unting kumalat sa lugar. May mga bangkay ng hinihinalang mga rebelde ang makikita sa kalsada.
Ang huling napagtanto ko ay hawak ni Ina ang aking mga kamay habang tumatakbo patungo sa kakahuyan. Tanging liwanag na lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin sa daan.
Purog galos na ang aking mga paa dahil sa labis na pagtakbo. Gutay-gutay ba ang aming mga damit dahil sa pagsabit sa mga sangang nakaharang sa daan.
Unti-unti kong nararamdaman ang panghihina ng aking buong katawan at mahapdi na rin ang aking bituka (gutom) dahil sa patuloy na pagtakbo ngunit wala kaming sinayang na oras upang huminto.
Sa oras na maabutan kami ng mga guwardiya civil na humahabol sa amin ay siguradong magiging isa kaming malamig na bangkay.
Nang madapa ako dahil sa ugat ng puno na pumatid sa aking paa ay kasabay ng pagtulo ng aking luha sa sakit "Aray!"
"Sandali lang po Ina" dali dali akong itinayo ni Ina at kinarga. Nagpatuloy kami sa pagtakbo nang makalayo sa mga humahabol sa amin.
Nang masigurado naming nakalayo na kami ay agad kaming nagpahinga sa loob ng isang kuweba.
"Bakit po ba tayo hinahabol ng mga guardia?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi ko rin alam kung bakit Isabella ngunit kailangan natin lumayo sa lugar na ito"
"Eh nasan po si ama? Hindi niya po ba tayo ipagtatanggol sa masasamang lalaking humahabol satin" agad umiling si Ina at hinaplos ang aking pisngi.
"May pinuntahan lang ang iyong ama siguradong babalik siya sa atin" paliwanag niya.
"Babalikan tayo ng iyong ama sa bahay na pupuntahan natin sa gitna ng kakahuyan" dagdag pa niya.
"Ina inaantok na po ako" hikab ko habang nakahiga sa hita ni ina.
"O sige ipikit mo muna ang iyong mga mata" ipinikit ko ang aking mga mata habang hinehele ako ni ina.
Maya-maya ay nagising ako at nakitang mahimbing na natutulog si ina marahil ay antok at pagod na rin siya.
Nawala ang atensyon ko kay ina nang makakita ako ng isang alitaptap. Hindi ko namalayan ang aking sarili na sinusundan na ito papunta sa isang malaking puno na puro alitaptap.
"Wooah ang gandaaa" maya-maya ay nakakita pa ako ng mga paparating na alitaptap mula sa malayo.
Nagtaka ako kung bakit tila malalaki ang ilaw ng mga alitaptap na parating. Nagtago ako sa puno nang mapagtanto ko ito ang mga lalaking humahabol sa amin.
Doña Cecilia POV
Nang maalimpungatan ako ay kinapa ko si Isabella na nakahiga sa aking hita ngunit wala akong nakakapa. Agad kong idinilat ang aking mga mata at agad lumingon sa paligid upang sipatin kung narito lamang siya sa loob ng kweba.
"Isabella... Isabella... Isabella!" nagsimula akong mangamba at tumakbo palabas ng kweba.
"Isabella!!!!" hindi ako tumigil sa kakasigaw sa kanyang pangalan kahit na maaari akong marinig ng mga gruardiang humahabol sa amin.
Mas nanaisin ko pang ako ang mapahamak kaysa sa akin anak. Natatakot na ako sa posibilidad na maaring may nangyaari nang masama kay Isabella. Paano kung nahuli siya ng mga guardia civil? Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa kanya na masama.
Patuloy ako sa pagtakbo ng may naaninag ako sa gilid ng akingpaningin na batang nakaupo sa ilalim ng puno.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na sa wakas si Isabella "Isabe--" hindi ko naituloy ang aking pagtawag sa kanya ng makita kong papalapit na sa kinaroroonan niya ang mga guardia.
Kitang-kita sa mga mata ni Isabella ang takot na baka makita siya ng mga ito. Palapit nang palapit ay pabilis nang pabilis ang tibok ng aking puso.
Kailangan ay may gawin ako hindi pwedeng mahuli ang aking anak.
Lumabas ako sa aking pinagtataguan at itinaas ang aking mga kamay. "Narito ako"
Isabella POV
"Narito ako" nanlaki ang mata ko sa gulat ng marinig ko ang boses ni Ina.
Nanginginig man ako sa takot ngunit naglakas-loob pa rin akong sumilip kung saan nanggaling ang boses ni ina.
Ngayon ay nakatutok na kay ina ang mga baril na dala ng mga ito. Tumutulo na ang aking mga luha nang makita ko ang kalagayan ni ina.
Nang ibaba ni ina ang kanyang kamay ay nagsimula itong magbilang sa daliri. Isa... dalawa... tatlo. Naalala ko ang nilalaro namin nila ama na sa pagbilang ng tatlo ay tatakbo na ako upang habulin nila ina at magtatago hindi ako magpapakita hanggat hindi nila ako nahahanap.
Muling nagbilang si ina sa kanyang daliri. Isa... dalawa... tatlo ngunit hindi pa rin ako tumatakbo tuloy lang ang aking pagluha. HIndi ko magagawang iwan si ina ayoko siyang iwan.
Muli ay nagbilang na naman si ina. "Ayoko" mahinang bulong ko sa aking sarili.
ISA...DALAWA... TATLO, pagdating sa ikatlong daliri ay tumakbo ako ng mabilis habang inaagaw ni ina ang baril ng isang guardia civil upang hindi nila mapansin ang aking paglisan.
Tuloy-tuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa makarinig ako ng malakas na putok ng baril.
Huminto ako sa pagtakbo upang lumingon ngunit agad kong nakita na may mga guardiang mabilis na nakasunod sa akin.
Ilang putok ng baril ang kanilang pinakawalan ngunit hindi ako natamaan. Unti-unti nang bumubuhos ang malakas na ulan sanhi upang lumabo ang aking mga nakikita sa kakahuyan.
Isang tama ng baril sa aking binta ang nakapagpabagsak sa akin hanggang sa gumulong ako paibabang lupa nang tumigil ako sa pagulong ay ramdam kong malapit na akong mawalan ng malay.
Habang nakatingin sa itaas ay kitang-kita ko ang mga lalaking nakasunod sa akin ngunit hindi na sila bumaba sa pag-aakalang ako'y wala ng buhay.
Unti-unting dumidilim ang aking paningin kasabay ng tuloy tuloy na pagpatak ng ulan sa aking mukha. Ngunit bago ako mawalan ng malay ay may naaninag akong munting liwanag.
"Alitaptap"
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Historical FictionIsang kwento ng pagsubok ng isang dalaga sa panahon ng pananakop ng espanyol.