Piso

32 12 4
                                    

Kasalukuyan akong nagliliwaliw dito sa dehydrated na planetang Mars. Alam niyo namang walang gravity dito kaya eto ako ngayon, masayang lumulutang-lutang. Kidding!

Lumabas ako sa aming bahay kahit na alam kong bawal gumala ngayon dahil sa kinahaharap ng mundong pandemya. Isinailalim nga din ang aming baranggay sa MECQ, pero dahil walang makakapigil sa'kin tumuloy pa din ako.

O 'di ba ang tapang ko nalabas kahit bawal. Gan'on talaga kapag pinagpala ng kagandahan kailangan irampa sa sambayanan. Bukod d'on, gan'on din katigas ang ulo ko para lang mapuntahan ang puso mo. BOOM PUTOK  HAHAHAHAHAHA.

Charot without "C".

Balik sa katotohanan, habang ako ay naglalakad at kung ano-anong kabaliwan ang naglalaro sa aking isipan, may nakita akong kumikinang na parang noo ng kapatid kong uhugin sa 'di kalayuan.

Agad ko naman itong nilapitan, pero pagtapat ko sa kumikinang na bagay, isa lamang pala itong piso. Tatalikod na sana ako at hindi ko na ito pupulutin kaso may mga paa akong nakita na papalapit din sa pwestong kinaroroonan nito, Kaya't ang ginawa ko, kinuha ko na lamang saka mabilis na umalis at nagkunwaring 'di ko siya nakita.

"Hep! Hep! Hoy babae! AKIN 'YANG PISONG YAN!" baritonong sigaw  ang aking narinig mula sa direksiyon ng taong papalapit.

Tumigil ako sa paglalakad ngunit hindi pa rin ako nalingon. Dahan dahan kong pinagmasdan muna ang ang mga senaryong nasa aking harapan. Gusto ko lang mang-inis bakit ba.

Saka ko lang siya hinarap nang alam ko ng may gatla na sa kaniyang noo dulot ng pagka-inis. Abala 'to e. Tsk! Malapit na pala ako sa barangay hall baka mahuli pa ako. Badtwip talaga.

"Ikaw babae, natulala ka na diyan? Grabe ka makatitig sa'kin ah, balik mo na nga 'yang piso ko." pagputol sa aking pag-iisip ng lalaking kaharap ko na nakalapit na pala sakin.

"Aba, ang kapal mo naman! FYI, ako na ang bagong may-ari nito dahil ako ang unang nakapulot sa'yo! Tsaka paano kita matititigan aber eh naka face mask ka na, naka face shield ka pa dzuhhh. Isa pa, mas mukha ka pa ngang may pera kaysa sa'kin e. Gahaman lang ser?" dakdak ko sa kaharap ko.

"Tss. Ibigay mo na lang kasi sa'kin 'yang piso. Malapit lang tayo sa barangay hall gusto mo bang mahuli ka? Ipapa-barangay din kita sa salang pagnanakaw, sige ka" pananakot pa ng bakulaw.

Sarkastikong tinitigan ko siya saka ako nag-rebutt.

"Wow! Ako nga ang unang nakakita 'di ba? At bakit ako lang ang mahuhuli? Hoy lalaki, FYI ulit, pati ikaw mahuhuli dahil lumabas ka din kahit may pinapatupad na MECQ ngayon 'no" pagtataray ko pa.

"Maniwala ka sa'kin, ikaw lang talaga. Ang kulit" naiirita niyang saad.

"Hindi nga lang kasi ako. Pati ikaw." pakikipag-argumento ko pa.

"O sige. Papatunayan ko sayong ikaw lang"  matapos niyang sabihin ito'y tinanggal niya ang face mask niya para makapag salita sya ng maayos.

Holy cow! Ang makasalanan naman ng mukha niya! Napatitig na lamang ako at kulang na lamang ay maglaway sa magandang tanawin na nakabalandara sa aking harapan.

Pinadaan ko ang aking dalawang eye balls sa mala-modelong features ng kaniyang mukha kahit na may kaunting harang pa ito.

Ang labi niyang kay pula, at ang kutis niyang kay kinis at puti. Masarap ding pagmasdan ang nakakahalina niyang mga mata na mistulang hinihigop ka sa paraiso na kayo lang dalawa ang naroroon. Ang makakapal niyang kilay, sama na din natin ang pilik mata niyang napakahahaba.

Aacckkkk greek god ba 'to? Ang gwapo!

"--at ang huli isa ako sa tauhan ng barangay kaya halika at sumama ka sa akin." nawala ang pagpapantasya ko sa kanya dahil sa narinig ko.

"A-ano kamo? I-isa ka sa mga tauhan sa b-baranggay hall?" pautal-utal kong tanong.

Lumayo ako sa kanya dahil kinabahan ako bigla. Oh no! Ayokong madakip, hala! Mamaaaaa tulong! Ang anak niyo makukulong pa yata! Mangiyak-ngiyak kong paghingi ng saklolo sa aking isipan.

Pero hindi, dapat kong ipaglaban ang aking karapatan! Oo, tama. Kaya't pinagpatuloy ko ang  aking sasabihhin.

"Teka, teka! Ano naman kung isa ka sa tauhan ng baranggay e 'di naman ako lumabag sa rules at MECQ lang naman 'to ah" pagpapalusot ko.

Nawala ang pagkahumaling ko sa taglay niyang kagwapuhan at napalitan ng pagkairita. Pagkairita sa aking sarili dahil ang rupok ko masiyado at pagkairita sa kaniya dahil wala man lang siyang awa sa maganda at mabait na single na tulad ko, hmp!

"Mukhang 'di ka nakikinig sa sinasabi ko kanina ah" ani niya na binuntutan niya pa ng pang-gwapong tawa.

Napatitig na naman ako sa kanya dahil sa pagtawa nIya pero umiling iling ako upang mawaglit ito dahil siraulo siya.

"Anong hindi nakikinig? Nakinig kaya ako dzuhh sabi mo pa nga isa ka sa tauhan ng barangay or as its's cheapest isa kang TANOD" confident kong sagot dahil 'yun naman talaga narinig ko at pang-aasar na rin sa kaniya.

"Ang sabi ko kasi wala kang face mask at face shield tapos mukha ka pang bata. Labag na labag sa rules 'yan ngayong quarantine." natatawa at medyong seryoso niyang saad.

Napahawak ako sa mukha ko at wala nga akong face mask at face shield.Hala lagot ako nito kay mama. Bakit kasi ang gandang pasaway ko, err.

"Kuyang tauhan ng baranggay hall na gwapo, 'wag mo na ako isama sa baranggay hall pweaseeee! Lagot ako nito kay mama eh, sige na kuya! Promise 'di na ako lalabas at gagawin ko lahat para lang 'di mo ko isama d'on. Tapos bibigay ko na din 'tong piso sayo o" pagmamakaawa ko.

Kinuha ko kamay niya at binigay sa kanya 'yung piso. Pinunas ko kamay ko sa damit ko matapos iyon dahil malay ko ba kung saang lupalop siya humawak at pumunta. Iba na prepared 'no.

Maganda lang ako pero hindi virus proof. Pfft.

"Gagawin mo lahat?" nakangisi niyang tanong.

"Oo?" patanong kong wika dahil may ibig sabihin ang ngisi niya.

Tumango na lang din ako bilang pag sang-ayon sa huli.

Tama ba desisyon ko? Mama kooooo, send heeeelp kahit wala kang loaaaad!

"Are you sure?" tumango ako muli kahit na na-iiyak na ako.

Napapapunas na ako sa mata ko kasi na-iiyak na talaga ako.

"So, this is my condition, be my date after this quarantine for one month then papauwiin na kita. Now, deal?" biglang umurong luha ko at napalitan ng pagkagulat.

"WHAT?!" gulat kong sigaw.

"Ano 'di ka papayag? Ayos lang naman basta sumama ka sakin at ipapatawag natin magulang mo" nakataas noo nyang saad.

"S-sige payag na ako basta pauuwiin mo ko tsaka akin na ulit 'yang piso na 'yan" kukuhanin ko na sana uli sakanya ang piso ko pero 'di niya binigay sa'kin.

"Stop! Akin na muna 'yang kamay mo" inosente ko namang ibinigay sa kaniya kamay ko. Inisprayan niya ng alcohol ang kamay ko sabay na rin ng piso at binigay niya na sa'kin kasabay ng kamay ko.

Hindi ko tinanggal kamay ko ah baka ganon isipin niyo. Nginitian ko siya at sinuklian niya naman ako. Nagpaalam na ako sa kaniya kasi natatakot ako dahil malalagot ako sa nanay ko. Huhu sowwy mama ah.

"Ingat ka. Wag ka haharot sa ibang lalaki matagal pa bago tayo magkita uli."

"Hehe sige byebye." pag papaalam ko at patakbong umalis na sa lugar na yun.

Akalain mo 'yun dahil sa pagiging pasaway ko magkakaroon pa ata ako ng boyfriend. Thankyou na din sa piso.

Mamaaaaa ang anak mo magkaka-jowa naaaa!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Historias De Un TiroWhere stories live. Discover now