7 Years Ago."Jhez! Classmates tayo!" Kumakaway na sabi ni Pat. Ang bestfriend ko. Rinig na rinig ko ang boses niya sa hallway, habang papalapit ako sa bulletin board kung saan makikita ang sectioning this school year.
"Oo nga, Pat. Mukhang gragraduate ako na hindi kasali sa star section" Sabi ko naman na parang nabasa ko ang future at sigurado talaga akong hindi ako kasali sa star section this year. Chos! Sanay naman na ako, palipat lipat ng section. Kaya ko nga nakilala si Pat. Hindi naman kasi siya kasali sa star section, pero naging magkaibigan kame kasi wala akong choice. Siya yung seatmate ko nung bumaba ranking ko at nalipat ako sa kabilang section.
"Ano ka ba, no pressure! Grade 6 pa lang tayo pero ang matured mo na mag isip" sabi niya habang pinapahaba yung nguso niya.
"What are you doing?" sabi ko na parang naweiweirduhan sakanya.
"Pouting! Ang cute ko kaya hmp."
"Wag ako Pat, magagalit nanaman sina mommy dahil hindi ako kasali sa star section" sabi ko habang malungkot na tiningnan siya.
"Cheer up Jhez! Alam kong kaya mo yan. Aja!"
Kakayanin. Wala naman akong choice.
Pagkarating namin sa room ay agad nagkatinginan yung mga tao at nagsimula ng magbulungan pagkatapos nila akong tingnan.
"Jhez, seatmates tayo ha. Halika dito sa front row tayo para marinig natin yung sinasabi ni Ma'am" sabi niya habang hinihila ako. Habang inaayos ko gamit ko para umupo na, nakita kong nakikipag kwentuhan si Pat sa isang lalake.
"Huy, Jhez may bago akong friend. Adi si Jhez bestfriend ko, Jhez si Adi seatmate ko din" pakilala niya saamin.
"Hi" sabi niya habang nakangiti.
"Hello" sabi ko naman habang nakangiti din.
He's kinda cute. Sabi ko sa sarili ko, pero mas cute parin yung crush ko. Hmp. Nakita kong papalapit na si Ma'am sa room namin kaya umayos na ako ng upo. Nang pumasok siya sa classroom namin ay lahat kame tumayo.
"Goodmorning Students. I am Ms. Aguilar, your adviser for this school year." Sabi niya habang nakangiti.
"Goodmorning Ma'am Aguilar." Tiningnan niya muna kame isa isa, na para bang kinakabisado niya ang bawat mukha namin hanggang sa dumako ang kanyang tingin saakin. She looked surprised. And I know why.
"Okay, you may take your seats." Sabi niya habang nakatingin na ngayon sa kanyang Class Schedules.
Habang inoorient niya kami for this school year, biglang bumulong si Pat.
"Jhez, bakit ganon tingin sayo ni Ma'am?"
"Uhm, naging subject teacher ko kasi siya last year" nagdadalawang isip na sabi ko.
"Ha? Eh diba science tinuturo ni Ma'am? Tsaka diba si Ma'am Morales yung teacher niyo sa science last school year?" Sunod sunod na tanong niya.
"Uhm, SIP kasi yung tinuro ni Ma'am Aguilar saamin." Simpleng sagot ko.
"SIP? Ano yun? Diba next year pa dapat yon itinuturo?" Nagtatakang tanong niya.
Advantage. Advance yung tinuturo sa Star Section, Grade 5 pa lang ay itinuturo na saamin ang basics ng SIP or Science Investigatory Project. Para kapag nag college na kame ay hindi kame mahihirapan sa Research o Thesis na ipapagawa saamin.
"Pat, Science investigatory Project. Yung iniyakan ko last year."
"Ahh, yon pala. Edi advance ka na pala."
"Oo nga, sa sobrang advance ko alam kong papagalitan na tayo ni Ma'am kasi nagbubulungan tayo." Sabi ko habang nakatingin kay Ma'am Aguilar na tumitingin na saamin ngayon.
"You're from Star Section right?" Nagulat ako nang kausapin ako ni Ma'am Augilar.
"Uhm, Yes Ma'am" sabi ko naman na parang nahihiya na dahil nasa akin ang Center of attention nila ngayon.
"I'm surprised." she suddenly said with amusement in her eyes. Kitang kita ko sa mga mata niya na nagtataka kung bakit ako nalipat sa section na ito.
"Okay Class, since this is your first day of school. You will have the time to roam around and explore the campus. But make sure to be here in the afternoon for some announcements. Class dismissed." Paglabas pa lang ni Ma'am ng Classroom ay biglang nagsialisan yung mga classmates ko.
"Jhez, halika na. Punta tayo sa Green house, doon ko kakainin yung baon saakin ni mommy." Sabi ni Pat habang hinihila ako at may bitbit na lunchbox.
"Oo na, wait lang" nagmamadali kong sabi dahil inaayos ko pa ang gamit ko hanggang sa naramdaman kong may bumangga sa likod ko at natapon yung dala kong lunchbox kaya wala akong choice na pulutin yon.
"Hala sorry tinulak kasi ako ni-!, ay wait let me help you with that."
Boses lalake. Tiningnan ko kung sino yung bumangga saakin at ganon na lang pagka gulat ko nang makita ko kung sino yon.
"Sorry talaga Jianna, tinutulak kasi nila ako"
Sa sobrang gulat ko, hindi ko magawang magsalita. I can't even process on what was happening and I really didn't care if natapunan yung dala kong lunchbox. All I know is that this guy just gave me butterflies in my stomach.
"Kung gusto mo, share na lang tayo ng food" he said while smiling, I could really feel that he was really sorry.
"Ah no need na, may extra ako dito. It's okay, linisin mo na lang yung kalat tutal Ikaw naman yung gumawa ng mess niyan right?" Sabat ni Pat na nagmamaldita pa, nagsorry ulit yung lalake pero hinila na ako ni Pat kaya wala akong ginawa kundi tingnan lamang siya habang papalayo kame sakanya.
Aaron.
_______________________________
What if the person that broke you came back? What will you do?
YOU ARE READING
A Second Chance
Romance" I gave you a second chance. I ran back into a burning house to save the things I loved." -Beau Taplin | House on Fire Ctto for the cover page.