CHAPTER TEN

250 18 0
                                    

Chapter 10

"Sis, your phone is ringing. Answer it, ang ingay. " sabi ni kuya sakin habang nasa pagkain niya ang tingin.

We are having a dinner. Kuya is staying with me here. For safety purposes na lang din daw. Sinabi ko rin kasi ang mga nangyayare sakin dito.

Napabuntong hininga ako at inalala ang mga sinabi niya kanina.

"Limang araw din ang nakakaraan, bigla na lang siyang nawala sa bahay na parang bola. " sabi ni kuya habang nasa T.V na ulit ang tingin.

"Wait!--- What???? Why?" gulat kong tanong.

Nagkibit balikat lang siya at mabilis na sumulyap sakin.

"I dont know. Well, we we're just having breakfast at that time with Mama when she suddenly got a call. She excused herself. Natapos na lang kami ni Mama ng hindi siya bumabalik. Kala ko nasa kwarto niya lang siya. Di naman yun gumagala kaya sigurado ako. Then, when lunchtime was coming, I went to call her in her room and saw the door open. Sumilip ako don at napansin kong wala na ang mga gamit niya don at isang itim na rosas na lang ang naiwan sa kama niya." sabi niya na para bang inaalala yung mga nangyare.

Black Rose?? Bigla na lang pumasok sa isip ko si Kayden.

April was Kayden's past. Siguro hindi malabong magkasama sila ngayon? Five days ng wala si Kayden... ganon din si April! Baka nagkabalikan na sila?

Umiling ako sa sarili kong sagot at bumuntong hininga.

Hindi malabong mangyari yun, lalo na't nag-kiss sila. Sa bahay pa! Hindi lang isang beses kundi dalawa. Sa harap pa ng mga mata namin ni Kim!

If this logic was correct, I would deeply regret ever allowing him back into my life after he cheated. The betrayal would cut even deeper, knowing I had given him another chance only for him to return to someone from his past!

"Xiel, maingay na---"

"Hindi naman makapaghintay 'to." inirapan ko si kuya at tumayo na. Kinuha ko ang cp ko sa island table at wala sa sariling sinagot yon.

"Hello?"

Sandaling natahimik ang kabilang linya. Pero kapagkuwanan, ang kaninang tahimik na linya ay biglang umingay.

(Insan, it's me .... Drew.)

"Hey insan ... what's up?" bati ko. Pero walang sumagot sa tanong ko.

Nakarinig ako ng mga iyakan sa kabilang linya kaya biglang kumunot ang noo ko. Biglang bumilis din ang tinok ng puso ko dahil sa kaba.

(Si Granny kasi ....)

"Anong nangyare kay Granny?!" sigaw ko, natataranta na.

(Inatake siya sa puso------ )

"What?! "

Mabilis na napatingin si kuya sakin. Tumayo siya at agad na lumapit sa pwesto ko.

"Bakit? Ano raw nangyare? E-loud speaker mo." utos ni kuya kaya naman ni-loud speaker ko yung phone ko at nilagay sa table.

(Bigla na lang siyang inatake sa puso kaya naman dinala namin siya sa hospital pero huli na ang lahat. Hindi niya na kinaya.)

Napaupo ako sa upuan at tulalang tumingin sa kawalan.

Another family member left us.

"Bakit ba siya inatake sa puso???" iritang tanong ni kuya habang nakatayo sa gilid ko.

(I don't know Xero.... Andrei just saw her sitting on her bed, holding her chest and pointing towards her bathroom door. Nang tiningnan namin yon, wala namang tao. Wala namang kababalaghan tapos nong binalikan namin siya, naka higa na siya sa kama habang hawak hawak pa rin yung bandang puso niya kaso sa bandang puso niya may itim na rosas sa ibabaw non.) paliwanag ni Drew.

Thorns of Roses Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon