Dear Diary,
Ano bang mali sa'kin?
Bukod sa pagiging duwag, ano pa?
Para sa mga mata ko,
Mahina ako.Gusto kolang naman na maranasan mahalin,
Yung manalo sa pag-ibig
Na ang taong mahal ko ang tropeyoYung lambing na hindi nakakasawa kahit paulit-ulit niyang gawin
Boses na gusto mong pakinggan araw-araw,
Pero bakit?
Hindi koba deserve na sumaya?
Na bakit sa tuwing nagmamahal ako,
Lahat nagiging mali...
Hindi naman ako perpekto,
Pero bakit palaging talo sa dulo?
Gusto kong lumaban
Kasi gusto kong manindigan..
Pero naalala ko,
Isa akong duwag.