First Crush

15 1 2
                                    

To Masha,

Here's a cup of coffee for the most beautiful lady I've ever seen.
Hope you like it!

-Silver

"Yieeee beautiful lady daw oh HAHAHA!!" Panay ang tili ng kaibigan kong si Beya with matching paniniko pa, matapos makibasa sa card na natanggap ko ngayong umaga.

Kahapon chocolates, nung isang araw maliit teady bear, ngayon naman ay kape! dafak!

Lumipat ako sa katabing upuan at doon naupo.

"Hoy! Hindi mo ba iinumin! Sayang naman!" Sigaw ni Beya!

"Iyo na! Baka may lason pa yan eh!" Totoo naman. Laging may ganito para sa akin tuwing umaga pero tinatapon ko lang. Duh? Malay ko bang may nilagay na lason dyan!

Dedma na kung dedma! 'Kesa naman madeads diba?!

"Choosy ka girl! Nakow! Kung sa'akin pinapadala yan? Unang card pa lang na ibibigay sa'akin sasagutin ko na! Aba eh mukang gwapo pa naman iyong Silver!" Psh! Abnoy!

"Bakit may kilala ka bang Silver dito sa Campus? Buti sana kung si Theo Silvestre ang nagpapadala niyan eh baka kahit dagang madungis ang ibigay niya sa akin ay tatanggapin ko!" Oh my gosh! Naimagine ko nanaman si Theo myloves!

Hayy! Sana naiimagine niya rin ako.

"HAHAHA! Eh gaga ka rin no? Ni Tapunan ka nga ng tingin hindi magawa ng Theo na 'yon! Hindi nga yata niya alam na pinanganak ka sa mundo eh yung Padalahan ka pa kaya ng Cards and chocolates! Kwento mo sa hangin Masha!" Napairap na lang ako sa hangin sa sinabi nito.

Whatever! Kahit hindi niya alam na nageexist ako siya pa rin ang one and only myloves ko! Mula grade one ay crush na crush ko na talaga siya hanggang ngayong senior high na kami.

Oh my Theo baby! Kelan mo kaya ako mapapansin?

"Kyaaaahhhhh! Girl! Nakita ko si Theo sa gym kanina! Ang gwapo niya sa jersy niya! kenekeleg eke!" Rinig na rinig ko ang kwentuhan ng dalawa naming maharot na kaklase sa likod.

Nakakairita dahil pinag-uusapan nila ang myloves ko, wala silang respeto sa future girlfriend!

"Talaga!? Grabe sana man lang tinawag moko! Sakim ka girl!! Nakakainis ka!" At hinampas hampas nga niya ng makulay niyang pamaypay ang kausap.

Psh! They are hopeless. Hindi sila magugustuhan ni Theo dahil ako lang ang mamahalin niya. Hayyyyyyy! Can't wait!

Nadako ang paningin ko sa kaibigan kong si Beya na hinihigop na ang kapeng para sana sa'akin. Hmp! Patay gutom talaga.

Araw ng byernes ngayon, at tuwing byernes ay may practice ng basketball sila Theo sa gym. Sayang nga lang at hindi ko iyon mapapanood dahil may quiz kami ngayon sa Math.

Syempre aral muna bago harot! Para naman maganda ang future namin ni Theo.

"Excuse me.. This is Class 12B right?" Nag-angat ako ng paningin sa kakapasok lang na babae. It's the dean's secretary.

"May urgent meeting ang math instructor niyo kasama ang dean. Better review you lesson for your next class. Thank you." Iyon lang ang sinabi nito saka umalis.

"Oh! Masha! Makakapanood ka pa pala ng practice ng crush mo!" ani Beya.

Thank God! Wala akong magiging absent sa laro ng myloves ko. Binilisan ko ang pag-aayos ng mga gamit sa bag at walang sabi sabing kinaladkad si Beya palabas.

Baka hindi namin maabutan ang laro. Kahit pa practice game lang iyon ay hindi ko pinapalampas.

"Kyahhh!!! You're so galing talaga Theo!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Crush (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon