Chapter 2Janelle's Pov
I WAS trying my very best not to cry but I just can't help it knowing that my life would be more miserable now. Why do I have to ended up here? Ang dami kong tanong sa sarili at sa mundo. It's just so unfair.
"Ija, tumahan ka na,"
Rinig ko ang boses ng matanda ngunit tila ba ayaw kumalma ng aking sistema mula sa panginginig. Muli akong napadausdos dahil sa mga nangyayari. The old lady keeps on calling me but I was just staring at her. Nakikita ko ang awa sa kanyang mga mata ngunit hindi ko maramdaman ang tulong na kailangan ko mula sa kanya. Na kahit minsan ay nakikinig ang demonyong iyon sa kanya, sa huli ay wala parin siyang magagawa. Wala siyang maitutulong. Hindi niya ako matutulungan.
"Ija, makinig ka sa'kin," usal niya at lumuhod ito sa aking harapan kasabay ng paghawak niya sa aking magkabilang braso ngunit patuloy parin ang pag-agos ng aking mga luha. "Ang mapapayo ko lamang sa'yo ay ang makinig ka sa kanya at sundin mo siya. Ang batang iyon, hindi siya ordinaryo. Ija, alam ko ang iniisip mo ngunit huwag mong hayaang masunod ang sarili mong kagustuhan kung ayaw mong mapahamak. Iyon lamang ang tangi kong magagawa upang hindi ka na niya muling masaktan," sambit niya na mas lalong nagpahagulgol sa'kin.
I nodded at her but my mind says the otherwise. Kung alam lang nila, hinding-hindi ko gugustuhin pa ang manatili dito nang matagal. Hinding-hindi ko gugustuhin na makasama ang lalaking iyon ngunit wala akong ibang pagpipilian. I'll wait for the right time. I will leave this hell and live a good life outside. I am not going to stay here for the rest of my life with that kind of person. I can feel it. He's someone who's beyond and deeper than the word bad.
"Halika ija. Tumayo ka riyan at kumain ka na. Huwag mong kalimutan na wala ka pang kain simula kagabi."
Pinilit ko ang sariling tumayo at sa tulong niya ay nagawa kong maglakad hanggang sa makaupo ako sa dulo ng kama. Hindi ko parin maitago ang panginginig ng katawan ko at hanggang ngayon ay patuloy parin ako sa paghikbi. I can still feel his strong arms that's gripping mine and it leaves me a huge impact. Hindi siya naiiba sa kanila. Palagi na lang akong nasasaktan kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan.
"Gusto mo bang lumabas o dito na lamang kumain?" she asked and I couldn't choose the right words. Gusto ko ng umalis. Ang sigaw ng aking isip ngunit hindi ko kayang bigkasin ang mga katagang iyon. Hindi pa sa ngayon.
Tumingin ako sa matandang aking kaharap at ibinalik din sa kawalan ang aking mga titig.
"Ayokong kumain," sambit ko at narinig ang malalim niyang buntong-hininga.
Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ngunit nabasag iyon dahil sa magkakasunod na katok. The old lady immediately runs towards the door and I keep myself composed as I started to panic again sa pag-aakalang bumalik siya upang saktan na naman ako ngunit nawala ang kaba kong iyon nang marinig ang boses ng isa pang estranghero.
"Manang. Pagkain niya."
Agad akong napalingon sa direksyon nila nang marinig ang boses niya at tama nga ako, siya iyong isang lalaki kanina na nakahawak ng espada sa labas. Napatayo ako nang dahil doon na siyang naging dahilan kung bakit napatingin din siya sa aking gawi.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss and I(UNDER MAJOR REVISION)
Action(UNDER MAJOR REVISION) Her life was controlled by her parents. She was force to live a life according to her parent's desire. She's the epitome of the word 'unlucky'. As saying goes by, live for your own good and do the things you think you will be...