Prologue
"DELA FUENTES, EULALIA M., UNANG KARANGALAN"
masiglang pagtawag sa akin ng master of the ceremony sa napakahalagang araw na ito, ang aming graduation day.
Matapos akong sabitan ng mga medalya ng aking guro na siyang tumayong magulang ko sa araw na ito ay pumwesto na ako sa gilid upang isalaysay ang aking talumpati.
"Sa ating minamahal na punong bayan, mga konsehales ng barangay, sa ating punongguro, mga dalubhasang guro, mga minamahal naming mga magulang, at sa inyo kapwa ko mga kamag-aaral, isang pagbati ng kapayapaan at magandang hapon sa ating lahat."
Napangiti ako ng mapait kasabay ng malalim na buntong hininga bago sambitin ang susunod na mga salita,
"Hindi naging madali para sa bawat isa sa atin ang makarating sa kinalalagyan natin ngayon. Ang iba sa atin ay mapapalad na nagsisikap na may patnubay ng ating mga magulang, subalit alam ko na ang ilan sa atin ay mag-isa na lamang at walang umaagapay", napahinto ako upang mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
"Subalit ang mahalaga ay kayanin natin ang lahat, ang bawat hamon, mag-isa man tayo o may kasama"
"Huwag nating hayaang ang ating mga nakaraan ang magdikta sa atin ng ating hinaharap," napakasakit maisip na itinatakwil ako ng aking sariling ina dahil sa hindi kanais nais niyang karanasan na wala naman akong kaalam alam.
Basta para sa kaniya, isa lamang akong pagkakamali.
"Matuto tayong bumangon hindi para patunayan sa iba ang mga sarili natin, kundi para patunayan sa ating mga sarili na lahat ay kakayanin, kahit pa tayo na lang mismo ang naniniwala sa mga sarili natin"
Kasi unang-una, sarili natin ay kailangan nating patatagin, dahil lahat naman sa sarili nagsisimula diba? Matapos ang aking mensahe ng pasasalamat at pagpapatatag sa bawat isa ay bumaba na ako ng entablado.
Sinalubong ako ng yakap ng aking mga naging kaibigan sa mataas na paaralan ng Sampaloc sa Tanay, Rizal.
Hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman, dapat ba akong maging masaya sa kabanatang aking nalagpasan na o dapat ba akong matakot sa mga susunod pa?
Hindi ko alam...
walang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
EULALIA: Yesterday's Nightmare
Romance[R-18] Eulalia M. Dela Fuentes, isang babaeng nabuhay at patuloy na mabubuhay sa isang bangungot.