Yeri's POV
Hayst ! Ang sama ng pakiramdam ko!
Ngayon ay inaantay na lang namin nila Miss at Jake ang Parents ko.
~KLAK~
Bumukas ang pinto at dun nga bumungad ang Parents ko .
Agad na lumapit sila sa akin.
"Yeri! Okay ka lang ? Anong nararamdaman mo? May masakit ba?" sunod-sunod na tanong ni Mama.
"Masama pakiramdam ko mama"
"Tara na! Umuwi na tayo para makagpagpahinga ka!" nag-aalalang sigaw ni Papa.
"Miss Liu, Maaari ba munang umuwi si Yeri para makapagpahinga na?" paalam ni Mama kay Miss Liu .
"Sige po Mrs. Dela Cruz . Maaari na pong umuwi si Yeri" tugon ni Miss Liu kay Mama .
At agad na inalalayan ako ni Mama palabas ng School at sumakay na kami sa kotse namin.
Maya-maya ay nasa bahay na kami. Agad na pumasok ako sa kwarto para magbihis. Tsaka ko isinalampak ang aking katawan sa kama at nagpahinga. Di ko namalayang nakaidlip na ako.
zzzZzzzzzzzZzzz
"Yeri?! Anak?! , Uminom ka muna ng gamot anak" nagising dahil sa sabi ni Mama na iyon.
"Anak kainin mo muna itong lugaw para may laman naman yang tiyan mo bago uminom ng gamot" sabi ni Mama.
"Sige po Ma"
At kinain ko na nga ang mainit na lugaw at uminom ng gamot .
Maya-Maya ay biglang may nagbukas ng Pinto.
*KLAK*
At agad na bumungad si Jake!
dO__Ob
"Jake! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"Titignan ko lang ang lagay mo kung maayos ka na ba" aniya
"Ahh okay"
"Kumusta? Anong nararamdaman mo? Uminom ka na ba ng gamot?" aniya
"Okay na ako. Medyo masakit nga lang ang ulo ko" sagot ko
"Ganon ba? Mmm... Sige na , aalis na ako para makapagpahinga ka na. Tinignan ko lang talaga kung ayos ka na" aniya
"Ahh sige, baka mag-aaral ka pa rin e Hehe"
"Sige paalam, Magpagaling ka ah? Sabay tayong mag-lunch bukas" aniya at tumango nalang ako bilang tugon .
At maya-maya ay nakatulog na ako.
zzzzzZzzzzzZzzzzz
KINABUKASAN
\\d∆__∆b//
Agad akong nag-ayos ng sarili para pumasok sa School.
' Wala na akong lagnat hehe '
Agad akong bumaba at sa hindi ko inaasahang andon pa si Jake at inaantay nya ako Hehe.
"Tara na?" aniya
"Tara" sagot ko na may kasama pang ngiti.
At sabay nga kaming nagtungo sa School.
Agad kaming pumasok sa Room.
At habang wala pang Lec ay lumapit sa akin si Gian. Tsk.
"Yeri ayos ka na ba? Wala ka na bang lagnat?" aniya
"Oo, ayos na ako, salamat" sagot ko.
"Okay Hehe"
Maya-maya ay dunating na rin ang Lec.
Discuss
Discuss
Discuss
Lunch Break
Di pa ako natatapos sa pag-ayos ng gamit ko ay lumapit na sa akin si Jake.
"Yeri sabay na tayo mag-lunch!" aniya
"Sige Tara!" masayang sabi ko.
At sabay-sabay na nga kaming bumaba sa canteen nina Angellah, Jake, Ian, at Gian.
Si Gian ang umorder ng Food namin at pagka-serve samin ay kinain na namin agad.
Pagkatapos naming kumain ay
sabay-sabay din kaming nagtungo sa Locker Area para magpalit ng PE Uniform.Matapos naming magpalit ay nagtungo na kami sa Field.
PE Class
PE Class
Matapos ng PE ay agad rin kaming nagpalit ng Uniform at pumasok sa room.
Discuss
Discuss
Dismissal
Nang matapos naming ayusin ang mga gamit namin ay sabay-sabay kaming nagtungo sa kaniya-kaniya naming bike. Nag-usap muna kami bago maghiwalay sa daan para umuwi.
Nang makauwi ako ay nagpahinga lang ako saglit at tsaka naligo at ginawa ang mga assignments. Nang matapos ay agad akong nahiga sa kama at natulog.
KINABUKASAN❤️