Chapter 12 (The Dying & The broken-hearted)

378 10 5
                                    

DJ's POV*

Asan na ba yun si Kath?

Di ko naman sinasadya na masigawan siya kanina eh. Masama lang talaga ang pakiramdam ko at di ko pa mahanap si Julia.

Baka nga nashoot na sa trashcan. Matignan nga.

Binuksan ko yung trashcan. Wala naman.

Uuwi na nga lang ako. Ilalagay ko muna tong mga gamit ko sa locker.

Biglang nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko dun.

Lumapit ako sa dalawang taong naghahalikan. Hinila ko si Julia papalayo dun sa lalaki at sinuntok  iyon. Natumba naman ang hayop.

Tas liningon ko si Julia na hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga maa.

"Ano toh?" tanong ko sa kanya. Halatang nagpipigil ako nang galit.

Bigla siyang umiyak at yinakap ako.

"Di ko naman yun sinsadya eh. Bigla niya lang akong hinalikan." sabi niya.

"Ba't ka ba nagpunta dito? Kilala mo ba tong hayop na toh?" 

"Hindi. May naiwan lang akong ako dito kaya bumalik ako." Julia

"A-Anong di mo ko kilala?" naghihikahos na sabi nung lalaki.

"TSe! Tara na nga!"sabay hila sakin ni Julia.

Kinabukasan.......

Tuesday.

"DJ!"

"Kath? Bakit?"

"Pinapapunta ka ni mama sa bahay mamaya."

Kumunot yung noo ko. Di naman kasi kailangan pang papuntahin ako dun sa bahay nila kasi ako mismo ang pumupunta dun kahit walang nagiimbita. Minsan lang akong papuntahin dun na si tita talaga ang nagrerequest.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Aba malay ko. Mukha ba kong si mama?" 

Tas linagpasan niya na ako.

I bet she's still angry at me.

Hinawakan ko agad yung wrist niya. Napatingin naman siya dun.

"Ba't ka nahawak?" tanong niya.

"Bakit? Bawal ba?" Ako

Nagdeath-glare lang siya.

"Bitaw."

"Pano kung ayoko?" pang-aasar ko.

Hinila niya yung kamay niya pero hindi ko pa rin binibitawan iyon.

"Ano ba?! Bitaw nga sabi eh!" sabi niya habang hinihila pa rin yung kamay niya.

Di niya matanggal kasi mas lalo ko pang hinigpitan yung paghawak sa kamay niya.

"Galit ka ba?" Ako

"Hindi!" sigaw niya.

"Galit ka nga."

"ALAM MO NAMAN PALA EH! BA'T TINANONG MO PA?!" sigaw ulit niya.

Oo nga noh. Halata naman eh. Ba't ba tinanong ko pa?

"Ba't ka naman galit?" 

Natahimik naman siya.

Seriously? Ano ba talaga ang nangyayari sa babaeng toh?

Pwede bang ako nalang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon