Chapter One: Captured
R18+ Due to Language, Violence and Sexual Content.
Someone's P.O.V
"No, I dont want to see your fvcking face. Baka magdilim lang ang paningin ko at kung ano lang ang magawa ko sayo"
Napangisi ako habang nakatingin sa Cellphone ko. HAHAHAHAHA
Lumaking matapang ang batang ito! Magaling! HAHAHAHA
“Stan, tawagan mo si Vice Aguilar. Sabihin mong matutuloy ang plano”
Napatingin ako sa bintana ng kotse. Mula dito ay tanaw na tanaw ko si Chelsea habang nakikipaglaro sa kanyang mga kalaro
Napangiti ako, ang batang ito ang gagawin kong pain para mahawakan ko sa leeg si Chester.
Chester's P.O.V
‘Bldg. 4D Old ntl. Hi-way, Daang bakal, San Andres’
Basa ko sa text. Isang linggo na ang nakakaraan simula nung tumawag si Tiyo.
Pagkatapos ng tawag na yun ay tumakbo ako palabas upang hanapin si Chichi. Nakasalubong ko naman sya sa may tulay. Tumakbo ako palapit at niyakap sya.
“God! Ayos ka lang ba? walang masakit sayo? Saan ka nila dinala?!” sunod sunod kong tanong. Sobra sobra ang pagaalala ko.
Tumingala sya sakin habang nakakunot ang noo. “Naglaro lang kami nila Bebang kuya”
Noon ko napagtanto na niloko lang ako ni Tiyo. Galit na galit ako. Hinanap ko ang cellphone na binato ko sa pader at kinuha ang simcard. Inilagay ko iyon sa lumang cellphone ni Mama.
Ilang beses kong tinawagan ang numerong ginamit ni Tiyo para tawagan ako ngunit wala. Cannot be reach!
Nagbalik naman ako sa reyalidad ng may mga kamay na nagtakip sa mga mata ko.
“Sino ako?” nakakaloko nyang tanong, iniba pa nya ang boses nya at pinalaki
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay nya upang matanggal sa mga mata ko.
Nakangiti nyang muka ang bumungad sakin.
Sya si Angelica Bautista. Kababata ko. Isa sya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko dito.
“May pupuntahan lang ako, ikaw na bahala kay Chichi” sabi ko saka tinapik ang balikat nya
Sumaludo sya “Aye aye! Ingat ka ha, mamahalin pa kita” sabi nya saka tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.
Hindi lingid sakin kalaaman na matagal na syang may pagtingin sakin. Isa pa, masyado syang madaldal kaya nahahalata ko rin.
“Baby Chichi.. andito na si Ateeee” narinig kong sigaw nya sa loob ng bahay
Napailing nalang ako. Kahit kelan talaga.
Sumakay na ko ng motor at pinaharurot ito. 3 years ago, may nagalok sakin ng 2nd hand na motor na ito. Kailangan ko din para sa pagdedeliver ng mga inangkat na Mais at tubo kaya kinuha ko na. Hulugan kaya maganda.
45 Mins. ang layo mula sa Santa Clara papunta sa San Andres. Ilang sandali pa ay nakaparada na ako sa labas ng Gusali.
Sumandal ako sa motor at pinagmasdan ang buong gusali. Luma ito at nagkalat ang mga sirang upuan at mga lata ng pintura sa labas.
Napatingin ako sa bintana ng ikalawang palapag. may mga lalaking nakadungaw mula roon. Ilan kaya ang miyembro ng sindikatong ito?
“Andito kana pala” napatingin ako sa lalaking naglalakad palapit sakin. Ito ang lalaking tinawag na Stan ni Tiyo Arman
YOU ARE READING
[Del Valle Series 1]: Capturing the Heiress
Romance"While in the art of capturing you, I am not aware that you already captured my heart" Sypnosis: Andriah Del Valle is a heiress of a well-known family. She is an introvert girl who only wants to read books in her room. One day, She got kidnapped. Wh...