October 15, 2020

29 3 0
                                    

>>Justin POV<<

"Ken ano pasok na tayo" saad ko kay Ken na nakahiga padin sa kama niya

"Ayoko pumasok"

"Si Skylar baka nagiintay na" eto baka gumana, pero bumuntong hininga lang siya aba di pa din

"Hindi ka talaga papasok?" Tanong ko at tumango siya kaya umalis na ko 20 mins nalang bago magstart klase

Pagdating ko sa school gate saktong pumasok na si Skylar, buti nalang di ko alam sasabihin ko pag nagkataon

"Ano hindi mo napapasok? Sabi ko sayo eh" saad ni Josh habang nakaakbay sakin

"Ayaw eh bad mood siya" at tinapik niya ako malakas

"Ulyanin ka bro awit sayo" huh?

"Uy paalala mo saken!" Saad ko habang hinabol ko siya

"Ingay niyo lagot kayo" singit ni Stell

"Uyy paalala mo naman bat ayaw pumasok ni Ken ngayon" saad ko kay Stell

"Awit talaga awit" hays ano ba meron kase

"Paulo sakto" bungad ko kay JP

"Bakit? Si Ken? Ay oo nga pala" o alam niya din

"Paalala mo nga saken ano nangyare kay Ken" at sumama yung tingin niya saken

"Taon taon nalang Justin" reklamo niya

"Eto yung date kung saan nangako yung dating GF ni Ken na ilelegal siya sa parents niya and at the same time nagpropose siya sakanya na sila na forever, at after ng college papakasal na sila" at tumango tango ako oo nga pala yun yung last 2018 to naman kase si Ken

"Justin wag ka magsasabi ng kahit ano pag nagtanong si Skylar ha" at tumango naman ako

Break time papunta na kami sa Usual Spot namin at naaninag ko na papalapit si Skylar saamin kinabahan ako bigla

"Eyy" bati ni Skylar saamin, pagtingin ko sakanila mukhang hindi lang ako yung kinakabahan

"Bakit may nangyare ba?" Tanong niya

"Wala naman hehe upo ka" saad ko at pinaupo siya

"Si... Ken pala?" Tanong niya, nako anong excuse ang sasabihin ko

"Ah bro nagpaalam ba sayo?" Tanong ni Josh

"Hindi rin eh" sagot ni MJ at nagpasahan nalang sila wala akong nasabi sa sobrang kaba tanging ngiti lang kaya ko isagot

"Ah ok halata ngang hindi niyo alam" saad niya at umalis

"Nahalata niya kaya?" Tanong ni MJ

"Tingin mo?  Kaya nga nagalit eh malamang nahalata niya yun" saad ni JP

"Ano pa tong si Justin puro ngiti amputek ano photoshoot?" Asar ni Josh

"Bwisit kayo, e sobrang kinabahan nga ako kase" saad ko at nagscroll sa IG

"Uy nakita niyo ba post ni Ken sa IG?" Tanong ko at pinakita sakanila yung post

"Shocks" saad ni Stell

"Puntahan nalang natin after school" suggestion ni JP at sumangayon naman kami

Pagtapos ng school agad kaming pumunta kina Ken, pinapasok naman kami agad ng mama niya

"Ken!" Sigaw namin sa kwarto niya

"Ughhhh bakit kayo lahat andito" reklamo niya habang nakahiga

"Ano magmumukmok nalang tayo habang buhay? 3 years na o" saad ni JP

"I know pero.. andito padin eh" saad niya habang tinuturo yung puso niya

"WTF hindi pa ba sapat si Skylar?" Saad ko

"No, she's different ok, wag niyo siya idamay dito" singhal niya

"Kahit saang anggulo mo tignan damay siya Ken! Rebound eh!" Sagot ni Josh

"Hindi. Ko. Siya. Rebound" saad niya

"Ano lang? Pampalipas oras?" Singit ni JP this time hindi nakasagot si Ken


"Ikaw tong nanligaw ligaw sa tao tapos iiwasan mo! Bat mo siya niligawan? To show off? Masasaktan mo yung tao Ken, hinahanap ka niya kanina alalang alala siya kung di mo makakalimutan ex mo wag mo siya ligawan, dudurugin mo lang pala siya" at tinignan namin si JP hindi niya dapat sinabi yon kulit, hindi na nakasagot si Ken at humiga siya ule

"Mahal ko si Sky, hindi ko lang talaga makalimutan si Rain eh"

Broken VowWhere stories live. Discover now