IYAK

8 0 0
                                    


"Maria! Yung bata umiiyak na naman!" Iyak na naman ang bungad pagpasok ko ng pinto. Ilang segundo lang at biglang nanahimik na. Medyo nahihilo na ako tapos dadagdag pa si Junior. Napakaingay talaga ni Junior, kaunting ingay ay iiyak agad, mabuti na lang at mabilis siya mapatahimik. Agad akong kumuha ng isang bote ng alak sa mga pinamili ko. "Mukhang maaga ako makakatulog..." natatawa kong sabi sa sarili.

Bigla na namang umiyak si Junior, "Putangina Maria! Yung anak mo alagaan mo!" Pambihira nakakasira kayo ng pinapanood. Nakakatatlong bote na rin pala ako no. Hindi ko man lang napapansin ang oras. Hayaan mo na, minsan lang naman.

Isa na namang iyak mula sa kwarto ang umalingawngaw sa buong apartment. Binasag ang katahimikan ko. Lima, limang bote na at ganun pa rin. "Yung bata iyak ng iyak, Maria!" ganun pa rin. Anim... Pito... Nakakapitong bote nako, andyan pa rin yung iyak. Sa inis ay tumayo ako at kahit na umiikot na ang mundo ko, dahan dahan akong naglakad papalapit sa kwarto.

Biglang tumahimik noong hinawakan ko ang doorknob, bakit ganoon? Dali-dali kong binuksan ang pinto. Lamig lamang ang tumambad sakin. Walang tao, nakaayos ang kama. Nakalimutan ko na naman pala patayin ang aircon, lagot ako sa bayaran ng kuryente nito, ito na lang ang iniisip ko para hindi matakot. Agad na lang ako humiga sa kama at tumulo ang luha ko.

Pitong buwan na pala ngayon simula ng mamatay ang mag-ina ko. Kaya pala iyak na naman siya ng iyak. Hindi nako nasanay. Buwan buwan na lang siyang ganyan.

"Pasensya na Maria, nakalimutan ko..." Nakalimutan kong wala na pala kayo dito. Iyak lang ako ng iyak buong gabi hanggang sa makatulog, paggising ko ay tahimik na naman. Nakakabinging katahimikan. "Salamat sa pagpapaalala." Yan ang huli kong sinabi bago ako lumabas sa kwarto para maghanda para sa aking trabaho.

I Y A K (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon