Isang luntiang paraiso ang nagugunita sa aking kamalayan,
na nag ugat sa mala pantasyang kalugudang aking nasisilayan.
Isang awitin na nagpapatatag ng aking isipan,
di sapantaha ang katotohanan mundo'y tuluyan ng nilisan.
Hawak ang sandata kaalyado ng aking karanasan,
isang depensa na tumulong sa akin upang luha'y maibsan.
Libreta at lapis mga sanaysay at buod na aking pinagnilayan,
tanging kagamitan na nagpalaya sa kasuklamsuklam na hinantungan.