News and Updates #1

809 21 5
                                    

Hi GRETREADERS!

Before anything else, bago n'yo ako i-bash, I would like to warn everyone that this is NOT a new story. Ginawa ko ang 'book' na ito para maging venue ko para mag-share ng news tungkol sa mga writing activities ko.  Kasi alam ko ang iba sa inyo ay nakukulitan na siguro sa akin dahil panay ang announce ko ng mga anek-anek ko at tina-tag ko pa kayong lahat. :) So bale, from now on dito na ako maglalagay ng mga chuvaness ko at ike-keep ko ang newsfeed para lang sa new updates sa mga ongoing stories.

Una sa lahat, gusto kong i-share sa inyong lahat na mayroon na rin po akong PATREON page. Tama! Akala ko noon ay ako ang kauna-unahang Wattpader na nag-open ng PATREON. Marami na palang nauna. Hahaha! This platform was shared to me by an FB friend dahil alam niyang nahirapan ako paano mag-maintain ng blogs ko about my stories. At least dito mahusay ang platform at hindi ko na poproblemahin pa ang renting ng domain names, etcetera.

Anyways, tungkol po sa Patreon page ko, WALA PO ITONG PILITAN. Para lang po doon sa may gusto. :) As you all know, mayroon po akong Google Play at Smashwords accounts kung saan ako nagse-sell ng e-books. Pero sa dalawang ito ay per e-book po ang bayad. Kaya kong bibili kayo ng 3 e-books at $1.99 each, bale $5.97 ang babayaran n'yo agad-agad. Pero dito po sa Patreon page ko for as low as $2 a month subscription one to sawa po ang basahan ng books.

Okay, anu-ano ang perks na ino-offer ko sa Patreon. May 2 types of subscription po ako roon. These are TOTGA [$2 a month] at THE ONE [$5 amonth].

TOTGA PERKS - Free access to all my published e-books [the incomplete books here on Watty] and early access to new stories. May mga kuwento rin po akong doon ko lang ipo-post.

THE ONE- Mayroon ang THE ONE ng lahat ng perks ng TOTGA. Ang lamang lang nila ay: (1) they will have a shout out from me once na nag-subscribe sa lahat na socmed accounts ko; (2) their name will be used as one of my character names sa ongoing or future story; (3) if they so wish, I will write them a short story na sila ang bida ---kung gusto nila FANFIC at idol nila ang kanilang partner, pwedeng-pwede po! Hehe! They will also be entitled to a live chat with me there at sneak peek sa bagong kuwento na hindi pa uploaded kahit saang platform.  :)

Ano po name ko sa Patreon?  Gret San Diego.

Now, para naman doon sa walang pambayad sa Patreon, nagsusulat naman ako rito sa Wattpad. So maaaring dito n'yo lang ako i-follow. :) Total naman, ACTIVE na ACTIVE din ako rito, especially since nag-ECQ noong Marso. Kaso lang, hindi ko na maibabalik ang mga deleted parts ng stories doon sa marked NO LONGER COMPLETE HERE. Pasensya na. Pero marami pa naman ako ritong FREE STORIES. :)

I know, I know. May iba talagang magsasabi na, "Ano ba naman iyan! Puro na lang pera-pera mga writers na ito!"  Kaya ko naisip ito at siguro ganoon din ang ibang authors ay dahil kahit na gawin naming free stories namin dito marami pa ring nagnanakaw at pinagkakitaan nila ang mga pinagpaguran namin! May isang site akong ni-report dati sa Google Play dahil lahat ng inaplowd ko roon may kopya din itong site na ito at lumabas na mas marami pa silang nabenta kompara sa GP!!! Isipin mo ito: Sa GP around 200 copies pa lang nabenta ko dahil kakaupload ko lang ng Perfect Stranger noon. Itong site na ito umabot na sa 800 downloads!!!  Imaginin mo ang sakit sa kalooban ng isang writer na tulad ko?  Kaso I was told to file a case. At nang nagre-research na ako sa babayaran ko sa attorney fees and all, nalula ako. Kaya hindi na ako nakaalma. Mas may power ranger sila, eh. Ano ang magawa ng isang hamak na writer?

Kaya po, humihingi ako ng pang-unawa n'yo. :) SALAMUCH! Pwede n'yo lang din akong i-follow sa Patreon, free of charge. Writing tips ang mababasa n'yo ro'n. :)

For the link to my Patreon donor page:  https://www.patreon.com/bePatron?u=36740702






NEWS AND UPDATESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon