Dear Throwback (A Monologue)

6 0 0
                                    


Hindi ko alam kung anong intensyon mo sa damdamin ng mga tao pero, damn! , you're hitting too hard, alam mo ba na may mga taong ayaw yung maalala, pero you're so absurd.

Hindi naman sa ayaw kong alalahanin yung mga bagay bagay pero hindi ba pwedeng kalimutan na lang kasi nakaraan na yon e, nakaraan na, nakalipas na, lumipas na, hindi naman ako mapapatawa nun o yung mga taong nakaalala ng mga bagay na yun.

Oo, hindi lahat ng naalala ay masakit, syempre andun din yung good, happy memories, mga epic moments, fail moments na naiingingiti na lang pero kung susumahin yung dami ng saya, may isang panirang moment dun yung sisira sa buong eksena, oh sabihin mo saken kung masaya ka na.

Alam mo yun,  get together ng tropa tapos ang saya ng paligid, nagkakamustahan, may kainan, tas may konting mabanggit lang, all of a sudden awkwardness fills the air, nobody's talking, ang hirap diba, hindi mo kasi alam kung gaano kahirap bumawi mula sa ganung moment ee.

Ang isa pang malungkot na parte ng throwback ay yong tatanungin ka ng mga tao sa paligid mo, tatanungin ka kung anu na nga ba siya sa puso mo, ano na ba siya na sa buhay mo, kungano yung nararamdaman mosa kanya, so kung feeling mo hindi nakakaogag tong dalawang tanong na to, putek bigyan mo ko ng magandang isasagot dito (para naman mabilis kong malusutan tong sitwasyon na to 😭😭).

Ang masakit na parte pa ay yung gusto mong aminin na gusto mo pa siya, na yun yung gusto mong lumabas sa bibig niya, na lumabas mula sa utak at puso niya, pero sa timpla ng kilos at reaksyon niya, basang basa mo na hindi yun yung mamumutawi sa bibig niya, na hindi parehas naiisip mo, ng nararamdaman mo, yung nararamdaman niya, ganun nga naman talaga siguro diba, people change so does the feelings? ( pero bat parang yung saken hindi).

Alam mo sa dinami dami ng maalala ko, hindi ko din alam kung bakit puro sakit lang yung naaalala ko, pero sana wag naman sa lahat ng tao, panalangin ko na lang na, despite sa mga sakit na mga alala na yun, makahugot sila ng lakas, saka wag mawalan ng pag asa, kasi balang araw lahat ng iyon mapapalitan ng masasayang alaala, sa tamang tao, sa tamang pagkakataon kahit hindi sa perkpektong pagkakataon.
Darating din yon. Hintayin mo lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear Throwback (A Monologue)Where stories live. Discover now