"Fuck!" inis kong sabi matapos kong umupo sa likod ng isang mataas na building habang minamasahe ang aking paa.
Kanina pa ako palakad lakad sa eskuwelahan na ito para mag enroll para sa nalalapit na pasukan. Salamat naman at kolehiyo na ako, matapos kong grumaduate sa Senior High School ay nagdiwang talaga ako dahil sa wakas ay nakatungtong na din sa College.
"Haayyyy. Pagod nako mag aral, kelan kaya ako matatapos?" tanong ko sa aking sarili.
Nakakapagod mag aral sa totoo lang, gustong gusto ko na grumaduate at magtrabaho. Nanggaling pa ako sa aming probinsya sa Tarlac, at wala man lang tumulong sa akin upang mag enroll. Ngayon lang ako nakapunta dito sa Quezon City, nakakatakot din ngunit alam ko namang kaya ko.
Napatingin ako bigla sa lalakeng kakarating lang, nakapolo na nakatupi hanggang siko, matangkad........ hmmmm, gwapo. Ngunit hinayaan ko lang siya at tahimik akong namamahinga dito sa aking pagkakaupo.
"Excuse me miss" napadilat ako ng mata ng may magsalita bigla. Yung lalakeng gwapo.
Tinuro ko yung sarili ko ng mapansing sa akin siya nakatingin, tumango naman siya.
"Bakit po?" malumanay kong tanong
"Okay ka lang ba? Dumudugo ilong mo." bigla akong napahawak sa ilong ko at totoo nga, dumudugo ang ilong ko.
Dali dali kong kinuha ang panyo ko sa aking bag at pinunasan ang aking ilong. Dala siguro ng pagod at init kaya ganito.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya ulit
"Ayos lang po. Salamat po." magalang kong sabi.
Tumingala ako dahil yun ang naaalala kong ginawa ng kaibigan ko noon ng dumugo rin ang ilong niya. Pero nagulat ako ng hinawakan niya ang mukha ko at iniyuko yon.
"Wag kang titingala"
"Ha?" gulat kong tanong dahil napakalapit ng kanyang mukha sa akin
"Bakit ka tumitingala?" tanong niya
Hindi ako makafocus dahil nakahawak pa rin ang kamay niya sa mukha ko
"Ganun naman diba? Yun ang turo sakin ng kaibigan ko noong nangyari sa kanya ito."
Umiling lang siya at tumawa. Binitawan na rin ang mukha ko at umupo sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at nakitang nakapikit lang siya.
Ang gwapooo. Ang haba ng pilik mata, ang kapal ng kilay, ang bango. Ugh. Nagulat ako ng huminga siya ng malalim at para bang may malaking problema.
"Ayos lang po yan, lahat naman po tayo nakakasagupa ng mga problema." biglang sabi ko
"I'm okay" pabulong niyang sambit,ngunit ramdam ko ang mabigat niyang pinagdadaanan.
"Okay lang naman po na magsabi ng problema, diba po mas okay na mag open sa taong di mo kakilala? Kasi di naman niya niya kilala, no judgement." sambit ko
"Just some family problem, but really, it's okay, I'm fine." ay englishero pala. Paktay!
"Sige, sabi mo po e. Pero feel free magsalita habang di pa ko umaalis."
"Why? Where are you going?"
"Uuwi sa amin. Malayo pa po babyahe-in ko. Hays. Nakakatamad pa naman." bumuntong hininga ako at inis na inis ng maalala ng mahigit tatlong oras pa ang aking byahe pauwi.
"Oh. I see, then you're studying here? What course are you taking?" he asked, looking at me.
"Uhm, incoming freshman, accountancy." nahihiya kong sagot
"Uhum, you're young. Well, good luck. I have a cousin who took accountancy years ago, but yeah, she failed when she was in her last year." nagulat ako sa sinabi niya at lalong kinabahan.
Sa totoo lang, hindi ko alam ang kung anong kursong gusto ko, wala akong alam na gusto ko, kaya ng sabihin sakin ng aking magulang na mag accountacy nalang ay walang pag aalinlangan ko itong tinanggap.
"Nakakatakot naman po. Di bale, lahat naman nakukuha sa sipag at tiyaga."
"Of course!"
Napatingin ako bigla sa kanya ng tumunog ang cellphone niya
"Yes?" bungad niya sa kausap
"Okay okay, I'll be there in 30 minutes."
Tumayo siya bigla at tumingin sakin
"Sorry, I have an emergency." paghihingi niya ng paumanhin
"Nakooo, okay lang po yun. Sige po Kuya, salamat po sa pag entertain sakin." masaya kong tugon
"May I know your name?" nagulat ako sa tanong niya ngunit tinugunan ko rin naman agad
"Via po." nakangiti kong sambit
"Via, hmmmm nice name. Anyway, I'm Sean. Nice meeting you. I hope to you around soon."
BINABASA MO ANG
Way Back To You
Non-FictionWay Back To You Sean Rafael Martinez is a graduating student, taking a medical technology course. He comes from a wealthy family where they own the largest hospitals in our country. Until Via came into her life, the only woman he loved he can't have.