Kabanata 18

16 3 0
                                    

Rejections

Pangatlong araw na ng aming foundation day at Valentines day ngayon itso so weird dahil tahimik ang school o baka maaga lang akong dumating? may binili akong regalo para kay Eiron. ewan ko ba gusto ko siya pero dinedeny ko lagi ang feelings ko at sa mga gestures niyang nakakagulat ay parang lagi inaayawan ko pero ang totoo ay kinikilig ako siguro hindi ako sanay. 'Di na ako mag tataka dahil first time ko naman talaga makafeel ng ganto.

Saamin dati ni Dysel ay ganto rin naman pero nalugar ko ang feelings ko na hindi niya ako magugustuhan at isa lamang akong taga hanga niya. Kaya naman na tutunan ko mag mahal ng patingin tingin nalang. Tanggap ko naman sa sarili ko na.'May mga bagay na hangang tingin lang'.

Nabroken hearted ako noon dahil sakanya pero hindi ko siya sinisi roon dahil siguro tanggap ko na umaasa ako at pinaasa niya lang ako? binigyan ng motibo pero sa lahat ay ganoon siya. ansarap balikan ng mga asaran at kung ano man ang meron kami pero kalaunan ay nag fade din naman ang connection naming sa isat-isa.

"Ash? okay ka lang ba?" nagulat ako nang nasa harap ko pala si Athena.

"O-oo naman" yun na lamang ang naisagot ko. kanina papala ako nakatulala rito mag isa nakaupo ako sa may statue.

lumapit ako sa may railing ng nag mimistulang harang na bakal ng hallway na naka harap sa garden at ni labas ang kamay sa ere. pinakiramdaman ko ang pagpatak ng ambon. Tila nakikisabay ang panahon sa pakiramdam ko. Hindi ko malaman ang nasa loob ng puso ko ngayon? hindi namna ako bitter pero pakiramdam ko ay blanko ako at ayaw makipag participate sa araw ng mga puso.

Simula yata ng Elementary ay hindi nako natutuwa sa Valentines day. Natutuwa lamang ako sa araw na ito pag pinapasaya ako ng mga kaibigan ko. Simula noong unang na dustuhan ko ng matagal ay nireject ako parang simula noon ay hindi na ako ginaganahan mag Valentines day.

"Ashaia, sigurado ka ba sa gagawin natin?" sabi ng bestfriend ko na si Stella. Bff ko siya simula Grade 1 at grade 4 kami ngayon nag kainteres ako sakanya noong grade 3 kami dahil lagi niya inaasar ang bestfriend ko. At dahil malakas ang loob ko kahet alam kong may pag ka 'bully' siya ay pinatulan ko pinag tatanggol ko si Stella laban sakanya. For over petty things. tsk.

Siya ang unang una kong na dustuhan nagkaroon din naman akong na-gustuhan habang gusto ko siya pero mababaw lang ang lahat ng iyon parang na attract lang ako sa pagiging friendly sa pagiging cool act nila o kaya naman sa pinaka mababaw na dahilan na gwapo sila.

"Oo sigurado ako" gumawa ako ng Letter at nakalagay iyon sa isang maliit na envelope at may sticker na heart na nag mimistulang seal ng maliit kong sulat. Sinamahan ko pa ito ng chocolate na nakahugis puso na mayroong stick at may tali na pink na nag seseal sa plastic na nakabalot doon sa hugis puso.

Ngayon lang ata ako naging ma effort towards a boy. Well lagi ko siyang pinapahiram ng notes Lalo na at magkatabi kami at minsan absent siya. Nakakainis siya minsan nag didiscuss ay kinukulit ako tapos mag kwekwento lang pala ng nonsense things at sa pinaka nakakainis ay pagmamayabang niya. Pero crush ko parin siya bakit ba ganto hays.

Recess ngayon at siyang gagawin ko na ang plano ko isisngit ko sa bag niya ang letter ko.Pag bukas ko palang ng bag niya ay Nakita kong may mga nauna na saakin. kaya naman nilagay ko nalang sa desk niya atleast una niya makikita ang akin.

"Sa tabi mo ako uupo sa sunod na subject ah" paalala ko kay Stella dahil ayoko naman binbasa niya ang sulat ko habang nasa tabi niya ako it would be damn awkward.

tumango lamang si Stella at bumaba na kami para mag recess kumain lang kami at nag Ikot Ikot sa maliit na school naming. Nang umakyat kami ay dumungaw muna ako sa pinto at Nakita ko Nakita niya na ang sulat ko. pinakita niya pa sa kaibigan niya na matangkad si Justin. Crush ni Stella.

The Ghost Of FeelingsWhere stories live. Discover now