Young love

17 2 2
                                    

Hi, I'm Troy. I'm Seventeen at nagaaral ako sa Richmond University. Siguro hindi niyo pa alam ang storya ko. Kung hindi mo pa alam. Ito iyon, ang storya ng buhay ko.

May girlfriend ako, si Lilly. She was my classmate a year ago. Tapos bigla nalang siyang nawala. Nung time na iyon, liligawan ko na sana si Lilly. Nabalitaan ko na umalis siya ng school para mag homechool. Tinanong ko ang mga close niyang kaibigan. Sinabi nila na may medical issues daw si Lilly.

Long story short, kahit nahihiya ako noon. Niligawan ko si Lilly. Pinaalam naman sa akin ng mga magulang ni Lilly na baka daw ay madissapoint ako kapag nawala na si Lilly. Kahit nasaktan ako nung narinig ko iyon, nanindigan pa rin ako.

"Fast forward, three months later."

My relationship with Lilly grew kasi binibisita ko siya araw araw pagkatapos ng school. Na-eexcite ako para bukas, dahil monthsary na namin. I had hope na baka gumagaling na si Lilly. I knew na matapang siya at makaka-get over siya sa mga sakit na ito.

Balak kong isurprise si Lilly. When lunch na sa school lumapit sa akin yung kapatid ni Lilly. Malalim na hinga at sinabi niya ito. "Wala na daw magagawa yung mga doktor. Tatanggalin na nila si Lilly sa life support. Bago lumubog ang araw wala na rin siya. Lumala na ang sakit niya. Wala ring point para panatilihin siya sa life support. Pumunta ka pagkatapos ng school"

Pagkatapos niya ito sabihin ay binagsak ko ang kutsara at tinidor at tumakbo papuntang bahay nina Lilly. Umiyak ako habang katabi ko siya. Sa sobrang iyak ko, nagising si Lilly. Mahinhin niyang sinabi sa akin. "Akala ko hindi ka pupunta, kalimutan mo na ako. Tanggap mo naman nung una pa na anytime soon mamamatay na ako. Don't worry, babantayan kita. Live your life, marami ka pang magagawa sa buhay mo. Thank you for the last months of happiness you've given me. Nung una, akala ko mamamatay ako ng malungkot. Pero nung dumating ka. Sumaya ako, I'll always love you Troy."

Tumingin ako sa kaniya. Tugon ko. "Lilly, ikaw lang ang magandang nangyari sa akin. Kung mamamatay ka lang rin. Isama mo na ako. I'll go with you. I'll love you in the next life. And the life after that."

Pagkatapos noon nakatulog ako. Sa kakaiyak ko, napatulog ako. May tumawag sa pangalan ko. "Troy! Gumising ka na! Lulubog na yung araw oh! Mabuti nga hinatid ka ng tatay ni Lilly. Nakatulog ka daw kasi."

Namulat ang mata ko at tumakbo palabas. "Troy! Saan ka pupunta kang bata ka! Magagabi na!" sigaw ng nanay ko. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa bahay ni Lilly. Hinahabol ko na yung araw. Parang bumagal ang ikot ng mundo. "Wala na ba si Lilly? Hindi! Maabutan ko siya."  sinabi ko sa sarili ko.

Nakapunta ako sa bahay nina Lilly. Nang nakita ko siyang nakahalandusay at nakapaligid ang mga kapamilya at kaibigan niya. Napaluhod ako at sumigaw habang umiiyak. "Lilly! Bakit ngayon pa? Bakit mo ako iniwan! Diba pinangako ko na kapag nawala ka. Sasamahan kita? Ito na yon!!!"

Lumapit ako sa bangin at tumalon--

"Ang cute niya noh? Ang ipapangalan ko sa iyo ay Carl."

"Baby crying"

Hi, I'm Carl. I'm Seventeen. I transferred to Richmond University, ngayon ang unang araw ko. So far, weird pa din ang feeling ng paglipat. Nakakapanibago lang kasi sa city kami nakatira. Doon maraming buildings, kotse at maraming malls. Dito, malawak.

Sabi nila, Richmond University daw ang pinakamagandang school dito. Dito ako pinatira ng konting panahon nina Mama at Papa. May ginagawa pa silang trabaho sa city. Since ang papa ko, politiko marami kaming natatanggap na kritisismo. Si Mama naman business woman.

Dahil nadadamay na din ako sa gulo kay papa. Pinalipat ako dito hanggang maayos nila ang problema. Pinasama ako sa caretaker namin. May tiwala kami kay Aling Tessa. Siya na kasi ang nagalaga sa akin noong bata pa ako. Parang pangalawang nanay ko na siya.

Tumitira kami sa isang bahay kasama ang anak niyang si Reese. Pinagising ako ni Aling Tessa ng maaga. Alas-ocho daw kasi ang pasok namin. Dali-dali akong naligo at pumasok. Naglakad kami ni Reese papuntang school.

Maganda nga ang Richmond. Tumakbo ako sa library, dahil maaga pa at hindi ma tumutunog ang bell. Malaki ang library nila, marami ring mga paintings ng mga tao na pumasok dito. "Alam mo ba may storya ang dalawang paintings na yan?"  may nagsalita sa likod ko.

Babae siya. Tuloy niya. "Sila ay si Troy at Lilly. Sila ang unbreakable highschool sweethearts noong 1985." tuloy niya. "Sobrang mahal ni Troy si Lilly pero maraming sakit si Lilly at pwede siyang bumigay kahit anong oras. Isang araw namatay si Lilly. Pangako ni Troy na kahit sa kamatayan susundan niya si Lilly. Tumalon siya sa bangin. Nang malaman ng school iyon, nilagay sila dito. Para maalala parin sila. Pagkatapos noon, sabi sabi nalang na baka ay nareincarnate sila. HAHAHAHA syempre sabi sabi lang iyon.

"pilit akong tumawa." hahahaha.....

"Sino ka?" tanong ko sa kaniya. "Ako si Vanessa, Nessa nalang for short. Ikaw anong pangalan mo--

"Tumunog ang bell. Ting-ting-ting"

"Ay, yun na yung bell, mamaya nalang. Bye!"

"Wait! Ako si--

Wag na nga, sayang. Baka makita ko naman siya mamaya. Dibale na.

PS: Chapter two will be published as soon as possible. Maikli lang ito, first chapter palang po kasi.

Before the Sun Goes downWhere stories live. Discover now