D18

30 7 0
                                    

Aly Point of view

Maaga ang uwian namin kaya napili kung makipagkita kay Kenneth just to clear everything kung masasabi ko ba na may aayusin.

Kung tutuusin lang sana okay lang naman na mag end na lang basta conversation namin since ro'n naman kami nag umpisa eh. Puwede naman matapos na lang sa hindi ka mag-re-reply o kaya i-ghost ako since trending 'yon ayos lang eh. Feeling ko kapag ganito mas masakit eh.

"Girl," natigil ako sa pag iisip ng kalibitin ako ni Myca.

"Oh!?" Sagot ko.

"Arat kila Rica," sabi ni Caryl.

"Pass muna 'ko," sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko.

11 pa lang pero uwian na namin since wala yung last subject teacher namin.

"Hala! Bakit?" Sabi naman ni Tin.

"May kakausapin pa ako eh. Next time na ako sasama."

"Wews! Sino yan?" Sabi naman ni Andrea.

"Issue kayo masyado, a friend of mine. Wag nga kayong ganyan." Sabi ko pa sa kanila.

"Sabi mo yan eh. Goodluck." Sabi ni Rica sabay tapik sa balikat ko.

Magkakasama kami na naglakad palabas ng school ako dumeretsyo sa meeting place namin ni Kenneth habang yung lima ay pupunta kila Rica.

Kung may nakakaalam man ng katangahan na desisyon na ginawa ko tanging sarili ko lang 'yon dahil alam kung impossible maniwala ang mga 'yon dahil alam nila na ako ang source nila sa advice kaya iisipin nila malabo na matulad ako sa kanila, akala niyo lang siguro 'yon hindi niyo alam ang galing ko lang magpanggap.

Natigil ako sa pag iisip ng may tumapik sa balikat ko, Si Kenneth.

"Sorry na-late ako," sabi nito sa akin kaya tumango na lang ako.

"Okay lang, hindi naman din ako gano'n katagal naghintay." Sabi ko rito.

"Ice cream you want?" Alok niya since nasa tapat kami ng bilihin ng ice cream.

"Sure," nakangiting sagot ko.

"Tara," sabi nito kaya nauna akong naglakad papunta sa bilihin.

"Cookies and cream," magkasabay na sabi namin saka kami natawa.

Same kami na cookies and cream ang flavor na gusto last time na nag-chat kami. Nung unang linggo na nag-ka-chat kami nagtanong kami tungkol sa mga hilig namin like sport, subject, movie, color, flavor ng mga pagkain at iba pa.

Iyon din yung panahon na chat lang talaga ng plano ko nothing less na hindi ko namalayan na napunta sa pagmamahalan na naging dahilan bakit ako naging marupok. Okay naman ako noon sanay nga akong gino-ghost yung liligawan sa chat tapos kapag ni-reject at hindi marunong maghintay tapos iiwan ako hindi ako naapektuhan ang iniisip ko lang baka hindi true love kaya umalis baka trip lang ako. And then one day na lang nagulat ako I fell in love unexpectedly malas lang sa maling tao ako na-in love, lecheng pag ibig naman 'to.

𝗦𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗕𝗜 𝗠𝗢 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon