Chapter 4

111 7 4
                                    

Dana's POV

"I already told you. Wala."

Sa court. Nagwawarm up kami na ako naman ang naglead pero may isa akong napansin.

"Ano ba Caldejon?!. Di mo ba narinig ang sinabi ko?! I said execute!. Simpleng instruction di masunod." Nakakairita naman kasi talaga siya.

Para bagang hindi nya sineseryoso tong exercise namin, stretching palang yan at basic exercise ah.

"S-sorry." Nahihiya nyang sagot pero bakas parin sa mukha at mga kilos niya na pagod siya, and guess what. Wala akong pakialam. Sino ba siya? Tsk.

"Everyone, execute!."

Ilang drills ang ginawa namin after that. Tapos si minion lalampa lampa naman.

..

Jem's POV

Talagang ako yung suki nyang mapag-initan eh kasalanan nya naman kung bakit ako nagkakaganto tsk. 

Tumatakbo parin kami ngayon ni Sheki paikot sa court kahit andami ko nang sugat dahil sa sunod sunod na pagkadapa. Sobrang sakit ng ulo ko at gusto ko nalang matulog sa sahig.

10am. Waterbreak. Inabutan ako ng kape ni Ella na nabili nya dun sa tapat na tindahan. 

"Oh ayan, para mas magising gising ka nama--" Sabi pa ni Ella kaso biglang,

"We're not supposed to have coffee. Eat this." Sabi ni Dana sabay abot sakin ng apple. Tinanggap ko nalang kaysa mas pag-initan nya pa.

Right, naalala ko apple doesn't contain caffeine but it contains natural sugar that has a similar response to caffeine which makes you feel more awake. Ayon dun sa nabasa ko unlike caffeine, there are no jolts, mood swings, anxiety, jitters or the dreaded crash. 

Hmm may paki din naman pala siya. 

"Oy oy oy, anong ngiti yan ha?." Tukso ni Ella.

"Huh? Ngiti? Anong ngiti?." Maang-maangan ko sabay kagat na ng apple.

"Naku sinasabi ko sayo, pag ikaw talaga--"

"Alam mo maghanap ka nalang ng pwedeng pagbigyan nyan, sayang eh. Dun muna ko ah. Thank you nalang." Sabi ko at humakbang na palapit sa iba naming mga kasama.

..

Dana's POV

"Ano yun ha?. Ba't may pa apple?. Akala ko ba--" Siko ni Sela sakin, mang-aasar na naman to tsk.

"Kay Abby yun, pinaabot lang." Sabi ko nalang.

"Sus kunwari pa to."

"Will you just stop romanticizing everything?. Tsk. Water break's over, back to your positions now!." Sabi ko. Nagmadali naman silang lahat na magform ng line na separated by their positions. So if you're a setter kasama mo sa line ang kapareho mong setter.

"Today, we're going to practice the service. Di pwedeng masyadong mahina o malakas, dapat sakto lang. Starting from the spikers then to the setters. Liberos, go to the other side of the net. Sheki, lead. After Sheki receives 5 services, magsub ka agad Caldejon and then back to Sheki. Nagkakaintindihan ba tayong lahat?." Seryosong sabi ko.

"Yes captain." Sagot nilang lahat. At ayon nagfall in line naman ako after the 3rd server Gabb.

Maganda naman ang kinalabasan dahil sunod sunod na nareceive ni Sheki ang serves nila, maliban lang sakin. Nagvavolleyball din kasi ako sa school namin at talagang pinag-aralan ko ng maigi kung pano magawa ang ace. 

An ace is a serve which lands in the opponent's court without being touched, or is touched, but unable to be kept in play by one or more receiving team players.

If the ball doesn't come back to your side or if it hit the floor on the opposing team's court without any player touching it, then you scored a volleyball ace, which is a direct point for your team. This is the easiest and only way an individual player can score a point all by themselves.

..

Jem's POV

Grabe, magaling pala talaga siya. Dahil dun ay mas lalo akong kinabahan. Pano kung nagkamali ako?. Haaays, ba't ko ba pinasok to? Sana nag jack stones nalang ako.

Nagserve siya ulit at hindi na naman nakuha ni Sheki. She served and served and served ng paulit ulit, I can see that Dana's satisfied that her service is basically impossible to receive. Parang diving lessons ata to eh. Tubig nalang kulang. Ako nalang talaga naaawa kay Sheki kasi halos pakainin na siya ng lupa.

Sumunod naman sa kanya si Ecka then si Gia, Rans, kasama narin ang blockers na sina Sela at Ella. Saktong 5.

"Okay, we'll work on that. You had 4 out of 5. Better luck next time. Next." Sabi ni Dana.

"Caldejon." Tawag sakin ni Dana kaya pumwesto nako. 

"In 3, 2, 1 priiiik." Pito ni Dana kaya nagserve na si Ecka. Medyo mahina lang kaya nareceive ko pa. Sumunod na si Gia, medyo alanganin yung serve nya kasi medyo napalakas pero nakuha ko naman.

Next is Rans. Patay, literal na mabigat pa naman kamay ng babaeng to haaays. First serve di ko nakuha kasi it's like the ball is floating at parang di ka sigurado kung saan at kailan babagsak yung bola, hanggang sa second at third serve di ko parin makuha tsk.

"Good one Rans. Proceed muna tayo sayo Sela." Sabi ni Dana, still with a serious face.

Nang magserve si Sela, ganun parin. Parang di ko parin mapredict kung saan at kailan babagsak ang bola. It took another 3 successful serves for her but I failed to receive it. 

"That's good Sela. Just so you know Caldejon, what both Rans and Sela did is called a float serve. It's one of the most effective and most difficult serves to return in volleyball. That's one of the things that you should take note bilang libero. We'll also work on that. Okay last serve, Ella." 

Priiiik.

Medyo masaya ako kasi nareceive ko ang first serve ni Ella, kaso sa pangalawa at pangatlo alana. It's because it became unpredictable for me whether she's aiming for the front or back row. Nag peace sign nalang si Ella.

"Good one Ella. Caldejon you had 3 out of 5. Better luck next time. Okay, let's call it a day." Sabi ni Dana. At ayun naglakad na nga kami pauwi.

Pagdating sa bahay ay nagbihis na kami at naghanda na for lunch. Si Dana naman nagstay lang muna sa kwarto at tinawagan si Coach Rams. Tumulong naman ako sa pagluluto nang biglang,

Ding dong

"May tao. Jem, pakicheck nga kung sino." Sabi ni Abby. Kaya lumabas ako. Medyo nagulat ako nang makita kung sino to.

"A-anong ginagawa mo rito?." Labas ko ng gate sabay hila sa kanya sa gilid.

CONFLICTED (PIKABABE)Where stories live. Discover now