Untitled Part

28 11 2
                                    

We both finally reached the end together.

[my own version of romeo and juliet]

"Kate, ano na bilisan mo ng mag impake hinihintay na tayo ng van." sigaw ng partner ko.

"Oo na andito na." sa pagmamadali ko naiwan ko na ang alcohol na dala ko at ng mask ko kaya ito ako ngayon magrereport ng walang mask, bahala na.

"Kate, ready?" tanong ng camera man, at nag thumbs up naman ako, sign upang ready na akong magsalita.

"Go!"

"Goodmorning, this is Kate Alcantara from News Flash report and I'm here at Cebu Station so as you can see people are-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng rumagasa ang mga tao sa likuran ko at ngayon ko lang din napansin ang paglakas ng ulan, tatakbo na sana ako sa van ng biglang may humila sakin, dahilan ng pagkaslide ko.

"Sorry miss, nagmamadali kasi ako yung anak ko kasi may sakit." ani nito sabay ubo sa harapan ko.

"Sige lang sir, ingat." lumakad ako papalapit sa bus at hinintay na matigil ang pagbuhos ng ulan.

Ang sakit ng ulo ko, naniningkit ang mata ko sa sakit, at ang ubo ko ay hindi parin humuhupa hanggang ngayon, isang linggo na akong walang pasok sa daily station dahil may lagnat ako at ngayon hindi parin humuhupa.

Tumayo ako at uminom ng maligamgam na tubig, at kinuha ang aking telepono upang tawagan ang aking nakakabatang kapatid upang samahan ako sa hospital.

"Hello ate kate bakit ka po napatawag?" wika ng nasa kabilang linya.

"Hello kenji, pahatid sana ako sa St. Luke, magpapacheck up lang ako, pwede ba?" tanong ko sabay pahid ng tubig na tumutulo sa ilong ko.

"Sige po ate, no problem sunduin nalang kita d'yan."

"Salamat kenji, see you."

Kinakabahan akong pumasok sa opisina ng doktor na nirekomenda sa akin ni kenji, para kasing biglang tumibok ang puso ko ng malakas ng tingnan ko ang pangalan na nakasabit dito sa pintuan.

"Good morning po doc, ako po yung nakakatandang kapatid ni kenji alcantara, ikaw po yung nirekomenda nyang doktor sa akin'." kinakabahang wika ko sa lalaking nakaupo sa table habang may binabasa.

Ang pogi niya kahit nakayuko lang siya, yung kilay niya ang kapal at ramdam kong chinito ito dahil nakikita ko ito sa repleksyon ng kanyang eyeglasses.

"Maupo ka miss alcantara." seryosong tugon ng gwapong lalaki.

Humarap siya sa akin sabay tanggal ng kanyang eyeglasses.

"Ano ang nararamdaman mo ngayon?" tanong niya

"Nararamdaman ko po?" tanong ko rin

"Oo diba may sakit ka?" supladong tugon niya, gwapo ito ngunit napaka suplado.

"Ah opo, last week pa po akong nilalagnat, sinisipon at inuubo wala rin po akong ganang kumain dahil masakit sa lalamunan ko at ang ginagawa ko lang ay uminom ng tubig." pagpapaliwanag ko

"Magpatest tayo." saad niya sabay tayo

Sumunod naman ako sa kanya, nasa likuran nya ako ngayon at kitang kita ang wangis ng kanyang pwet at ang laki, at malaki ang pangangatawan nito ngunit hindi makita ang muscles dahil sa sout nyang suit.

Pagdating namin sa lab ay kinuhanan agad ako ng test na kung saan ay kinuhanan nila ako ng dugo, saliva, at may nga chineck din sila sakin.

"Okay na po Doc Kit" wika ng nurse

Romeo And Juliet (recit eros)Where stories live. Discover now